CHAPTER 7

27 3 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas simula nang huling nakita ni Asthearila si Zaithurio.




Nakabalik na rin siya sa kaharian ng Perionaca at kasalukuyan niyang ineensayo ang bawat kawal.




Nang sandaling lisanin nila ang kaharian ng Paireyo ay walang Zaithurio ang nagpakita sa kanya.




Pabor sa kanya iyon lalo na at maiinis lang siya kung makikita niya ito.




“General…”




Napalingon siya sa kanyang katabi na si Rikito.




“What?” tanong niya rito habang nakakrus ang mga braso.




“May nais na ipagawa sa atin ang haring Seterioza” ani nito.




“Ano naman iyon?” wala pa ring emosyong tanong niya rito.




Simula nang mawala ang pietra rossa sa pangangalaga nito ay malaking gulo ang naganap.




Maging ang prinsipe ay walang nagawa sa kasakiman ng ama nito.




Nagpadala rin ito ng mga kawal sa Pulasian ngunit wala ring nangyari dahil walang natagpuang pietra rossa sa lugar na iyon.




“General?”




Napatingin siya muli kay Rikito nang tawagin siya nito.




“What is it again?” tanging tanong niya nalang rito.




“Nais ng hari na ipadala ka sa lupain ng bundok ng Karasula bago lumubog ang araw” turan nito.




“Kung nasaan ang higanteng oso” saad niya at hindi patanong.




“Tama ka” sagot nito.




“What is it this time?” tila pagod na turan niya. “Mag-aasikaso na ako. Ikaw na ang bahala rito.”




Hindi pa man ito nakakasagot ay tumalikod na siya bitbit ang kanyang espada.




Nag-asikaso lang siya ng mga dadalhin niya kasama na roon ang ilang pagkain.




Nang sumapit ang paglubog ng araw ay nakahanda na siya upang sumakay sa kanyang kabayo.




“Asthea…”




Napalingon siya sa prinsipe at bahagyang yumuko.




“Ikaw pala” tanging sinabi niya.




“Dalhin mo ito.”




Kahit nagtataka sa laman ay inabot niya ang maliit na bag na ibinibigay nito.




“What is this?” takhang tanong niya.




“Mga iilang proteksyon sa sandaling malagay ka sa alanganin” nakangiting sagot nito.




Inilagay niya iyon sa may kalakihang bag na nakasabit sa kabayo.




“Batid mo na kaya kong protektahan ang aking sarili” saad niya.




“I know” ani nito habang nanatiling nakangiti. “Ingat ka sa iyong paglalakbay” dagdag pa nito.




Yumuko lang siya rito bago sumakay sa kanyang kabayo.




Kumaway pa sa kanya ang prinsipe nang paandarin niya ang kanyang kabayo.



Asthearila: General Warrior Of Perionaca (COMPLETED)Where stories live. Discover now