CHAPTER 11

25 3 0
                                    

Tahimik lamang si Asthearila habang nakasakay sa kabayo.




Ganoon pa rin ang pwesto niya habang nasa likuran niya nakasakay si Zaithurio na siyang kumokontrol sa takbo at galaw ng kabayo.




"I can see it" ani niya nang maanigan ang lagusan ng bundok ng Karasula.




Hinila ni Zaithurio ang tali kaya tumigil ang kabayo nito nang tuluyan silang nasa tapat na ng lagusan na iyon.



Strange. Anang isang bahagi ng isip niya habang nakatingin sa portal.




"Ito na nga iyon" ani Marbues na siyang umalis mula sa bag na pinagpwestuhan nito.




Bumaba si Zaithurio kaya sumunod rin siya rito.




May alam si Marbues sa bundok na iyon at kahit papaano ay binigyan sila nito ng iilang impormasyon.




Lalo na ang tungkol sa higanteng oso na kinakailangan niyang mapaslang ayon sa utos ng hari ng Perionaca.




Napatingin siya kay Zaithurio at seryoso ang ekspresyon ng mukha nito kumpara sa ekspresyon na lagi nitong pinapakita.




"Mabuti pa ay umpisahan na nating pasukin ang lagusan na iyan" kalaunan ay turan niya.




Sumang-ayon si Marbues sa kanya at nakakadalawang hakbang palang siya nang mapalingon siya kay Zaithurio.




Hindi kasi ito sumunod sa kanila at tila kay lalim ng iniisip nito.




"Zaithurio..." pagtawag niya rito.




Napakurap-kurap ito at napatingin sa kanya.




Anong problema nito? Tanong na nabuo sa kanyang isipan habang seryosong nakatingin rito.

Asthearila: General Warrior Of Perionaca (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon