CHAPTER 12

26 2 0
                                    

Tila wala sa sarili si Asthearila habang nakaupo at sumasalo sa pagkain sa kanyang magulang.




Walang pinagbago ang lugar na iyon noong bata pa siya.




"Asthea, kumain ka ng kumain" ani ng kanyang ina.




Napatingin siya sa pagkain at hindi niya alam pero may pag-aalinlangan sa kanya.




Napaigik siya at napahawak sa ulo niya nang muling may sumagi sa isipan niya na isang alaala.




Malabo ang mga mukha ng mga ito ngunit tila pamilyar sa kanya ang mga ito.




"Asthea?"




Tumayo siya nang hindi tumitingin sa mga ito.




"Sorry. I need to rest" saad niya.




Hindi siya lumingon sa mga ito at nagtungo lang sa kanyang silid.




Napatigil siya at napaharap sa salamin na nasa kanyang silid.




Pinatitigan niya ang sarili at tila may kung ano sa sarili niya na hindi niya malaman.




"Ack!" pag-impit niya sa sakit nang muling may alaalang nagpakita sa kanya.




Nakahawak siya sa kanyang ulo at malalalim ang bawat paghinga.




"Zai... Zai... Zai..." paulit-ulit na bigkas niya ngunit batid niya na kulang ang salitang iyon.




Wake up, Asthea. Ani niya sa sarili gamit ang kanyang isip.




Napalingon siya sa mga sipilyo na nakalagay sa tabi ng gripo sa lababo.

Asthearila: General Warrior Of Perionaca (COMPLETED)Where stories live. Discover now