Okay. I'm going! baka masuka lang ako kung magtatagal pa ako dito. Doon ko nalang sya hihintayin sa lumang gusali.

Tinahak ko na naman ang iilang liko likong daan bago makarating sa bakanteng lote. Napangiwi muna ako bago sumuong sa mga nagtataasang damo.

Ano na bang nangyayari sa buhay ko ngayon?

Nung isang araw lang nag-iinom pa kami ng barkada ko sa Itaewon tapos ngayon naman heto ako at naglalakad sa mga nagtataasang damuhan. Kung alam nila itong nangyayare sa akin ngayon, panigurado at malamang sa malamang kakantyawan ako ng mga iyon.

Hay I miss them. I miss Seoul.

Pagkarating ko sa lumang gusali ay dumiretso ako sa tapat ng sasakyan ko at sumandal dito.

At dahil mataas ang sikat ng araw ay isinuot ko ang shades ko. Habang naghihintay ay naglaro nalang muna ako ng games sa phone ko. Alam ko namang dito rin ang punta nun.

Hindi nga ako nagkamali. Dahil pagkalipas ng limang minuto ay tanaw ko na sya.

Ang babaeng hindi maganda.

Sa totoo lang napakapayat nya. Maliit, hindi marunong manamit, tapos nakatsinelas lang saka parang basahan ang apron. Pero.. hindi talaga sya maganda.

Habang papalapit sya sa kinaroroonan ko ay nakatingin sya sa akin at sinusuri ang buong pagkatao ko. At nung mamukaan na nya ako ay agad na nagkasalubong ang kanyang mga kilay. "Oy! naparito ka ba para magbayad ng utang?" bati nya sa akin sabay lapag ng kanyang mga dala..

"Hindi.. Para kunin ka."

"Diba ayaw na kitang makita? Pero sige sakto ang dating mo. Tulungan mo nga akong ayusin tong mesa ko." pagbabale wala nya sa sinabi ko. "Naayos ko na ito kahapon pero nasira pa rin eh." saka nya inumpisahang pukpukin ang haligi ng mesa gamit ang malaking bato. Akala ko ba noong isang araw, kinasusuklaman ako nito? Bakit ngayon feeling close na?

"The hell with you"

"Alam mo gagong oppa, kung magsusungit ka na naman, mabuti pa magbayad ka nalang ng utang mo at umalis na. Nakakasira ka ng tanghali ko." sabay tayo nya para buksan ang kanyang malaking backpack. "Magtitinda pa ako ng balut mamayang gabi kaya baka wala akong mabenta dahil sa presensya mo"

"Okay, let's go" tipid kong sabi bago hinubad ang suot kong shades.

Agad syang tumayo at lumapit sa akin. "Oy oy! anong let's go? bayaran mo yung utang mo!"

"Hindi na kailangan, hindi ka na naman maghihirap eh. Come on!"

At bago pa ako makatalikod sa kanya ay hinawakan na naman nya ako sa braso. "Magbabayad ka o ipapapulis kita?" seryoso nitong saad

"Get your filthy hands off me" seryoso ko ding sabi sa kanya. Nakakadiri lang kasi.

Agad naman nyang kinuha ang kanyang kamay pero yun nga lang hindi ako nakapaghanda sa sunod nyang ginawa.

What the!

Hinay hinay akong napahawak sa kaliwang pisngi ko.

"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan." nanginginig sa galit ang kamay nyang sinampal sa akin ng sinabi nya iyan. "Wala kang alam sa buhay ko. At hindi mo alam ang dinanas ng mga maruruming kamay na ito para lang mabuhay ako."

Napakagat nalang ako sa ibabang labi bago huminga ng malalim. Kung mga lalaki lang to, kanina pa siguro kami nagsusuntukan dito.

Aish!

Kinuha ko ang aking panyo sa loob ng coat ko saka tiningnan ito. "Hindi ko inaasahang magagamit kita ngayong araw.." saka ko hinila ang babae at isinandal sa kotse ko na syang ikinagulat naman nya. Nakatalikod sya sa akin kaya naman tinali ko ang panyo sa mga kamay nya. "Ikaw ata ang magbabayad sa akin."

Hart with Lav and ValentineWhere stories live. Discover now