"Nagawang i solve ni Lia ang dalawang pinaka mahirap na equation na pinasagautan ko ngayong araw. Kaya tuluran niyo dahil napaka talino nito ay napakagaling."

Napakuyom na lang ang kamao niya ng maramdaman niyang may kakaiba sa huling sinabi nito. Agad namang sumagot nag lahat sakaniya. 

"Very good, Lia. Sa susunod galingan mo pa," makahulugang sabi nito. 

Bago pa siya nito bitiwan ng tuluyan naramdaman niya pa ang kakaibang pag haplos nito sa magkabila niyang braso pababa sa kamay niya. 

Halos patakbo na siyang bumalik sa upuan niya dahil kung hindi siya nakatabo agad, baka hindi niya na mapigilan ang sarili niya na suntukin sa mukha ang guro. 

Nag bilin pa ito ng assignment bago tuluyang umalis. Nakahinga siya ng maluwag ng tuluyan saka sumandal sa upuan. Pumikit na lamang siya ng marinig na naging palengke na naman ang classroom nila. 

Ang iba ay nag sisilabasan na dahil break time na. Habang ang iba naman ay nanatili sa loob ng room nila. 

Napagpasyahan niya na lumabas na lamang upang makahinga siya ng maluwag. Kailangan niya ngayon ng sariwang hangin dahil magpahanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang kalamnan niya sa galit at pandidiri. 

Agad siyang napa tigil sa paglalakad at mabilis na umatras ng makitang may naghahabulan na tatlong lalaki habang nakatalikod sakaniya. Ang buong akala niya ay makaka-iwas na siya ngunit masyadong maligalig ang tatlo kaya bahagya siyang nabangga ng mga ito. 

"This is not a playground, dumbass," she whispered annoyed while caressing her arm.

Agad na nag bow ang dalawa sakaniya na halos mahalikan na nila ang mga paa nila. Habang ang isang lalaki naman na mukhang unggoy sa paningin niya ay na titig lang sakaniya. 

"Sorry po, miss ganda," sabay na sabi ng dalawa. Para silang choir dahil doon. 

Tumango siya sa inayos ang uniporme. "Next time, don't play here in the hallway. This is not a playground."

Mas lalo siyang napangiwi ng sabay na namang nag bow sakaniya ang dalawa. "Hindi na po mauulit, miss ganda!" 

Napailing na lang siya at agad na tinalikuran ang tatlo. Hindi niya na lang din pinansin ang isang lalaki na parang nakakita ng multo kung makatitig sakaniya. 

Akmang lalakad na siya ng bigla niyang maramdaman ang isang mainit at malaking kamay ang humawak ng malumanay sa braso niya. Kunot-noo naman siyang lumingon dito at mabilis na kinuha ang sariling braso. 

Ayaw niya sa lahat ay ang hinahawakan siya ng walang permiso. 

"What do you need?" malamig niyang tanong. 

Umayos ito ng tayo at ngumiti ng malawak sakaniya.. Halos masilaw na siya sa puti nitong ngipin ngunit mukha pa rin siyang unggoy sa paningin ni Lia. 

"Hindi mo ba ko naalala?" masayang tanong niya habang tinuturo ang sariling mukha. 

Kumunot ang noo niya saka umiling. Hindi niya na tinitigan pa ang pag mu-mukha nito dahil naasiwa siya sa unggoy nitong mukha. 

"I don't know who you are," nakangiwi niyang sabi. 

Muntik niya ng mahagis ang wallet niyang hawak ng biglang naghiyawan ang dalawa. Animo'y meron silang nalunok na mga speaker. 

"Aruy pre. 'di ka raw kilala!" 

"Arat pre, shot na tayo ng Yakult!" 

At nagsimulang magbatuhan ng asaran ang tatlo. Puno ng paka dismaya siyang tumalikod sa tatlong baliw at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now