Matapos iligpit ang kanilang pinagkainan ay nag-ikot-ikot saglit si Meredith sa kinaroroonang gym slash bahay. Sa tingin niya ay bahay iyon na nai-convert lang sa gym. Binuksan niya ang isang pinto na hula niya ay papunta sa likod-bahay. Ngunit nagulat siya nang ang tumambad sa kanya ay isang shooting range. Napatanong siya sa sarili kung gusto niya bang matutong humawak ng baril. O sa mas tamang salita, ang matutong magpaputok niyon? 

Nagkaroon siya ng aversion sa baril magmula nang makita ang ama na pabirong tinutukan ang kanyang ina. Kasunod ang banta na hindi ito mangingiming gamitin iyon sa sandaling hiwalayan ito ng Mommy niya. Magmula noon ay lalo ng lumayo ang loob niya rito kasabay ng pagkaipon ng galit sa kanyang dibdib. She will never marry a man like her father. Never. At kung sino man ang lalaking napisil nitong ipagkasundong ipakasal sa kanya ay titiyakin niyang hindi iyon mangyayari. She'd rather die a spinster or get thrown to Mt. Timbuktu. Isa pa ay baka mukha iyong bilasang kanduli. Hustisya naman sa kagandahan niya.

Nang may tumikhim sa may likuran niya ay napapitlag siya. Nalingunan niya ang looking fresh na si Vengeance. Amoy-mabango at hitsurang-mabango.

"If you're up for it, tuturuan din kitang gumamit ng baril."

"Marunong ka?" it was a silly question, of course. 

Pero iyon ang unang pumasok sa natataranta niyang katinuan lalo pa at kalahating dipa lamang ang layo nila sa isa't isa. At langhap niya kung gaano ito kabango. Amoy-sabon at shampoo at amoy-toothpaste. Nakapaligo na ito at nakapag-toothbrush habang siya ay naglalangis na yata ang mukha at hindi na katanggap-tanggap ang singaw ng katawan.

"Yes."

"Pag-iisipan ko pa. For now I'm okay with some basic self defense."

"Okay, no rush."

"Are we done for the day?" aniya. Tinalikuran na niya ang firing range at muling bumalik sa pinanggalingan niya kanina.

"For now, yes. Gusto mo na bang umuwi?"

"Yes, please. I feel so sticky na."

"I'll get my keys."

Tinanguan niya ito at sinamsam naman niya ang pinaghubarang damit at ang ginamit na bimpo kanina. Lalabhan niya muna ang mga iyon bago ibalik kay Vengeance. May panyo pa nga pala ito sa kanya, hindi niya pa rin naisosoli. At sa bawat pagkakataon katulad niyon, dumarami ang mga personal nitong gamit na nasa pag-iingat niya. Talo pa nila ang may relasyon.

Itinaboy niya ang isiping iyon.

"Isuot mo 'to."

Nagulat si Meredith nang abutan ni Vengeance ng helmet.

"W-wait. Sasakay tayo ng motorcycle?"

"Oo."

Napangiwi siya. "Y-you're going to drive?"

"Siyempre. Unless mas gusto mong ikaw ang mag-drive," pilosopong sagot nito.

"M-maglakad na lang tayo," naaasiwang sagot niya. Ang bango-bango nito tapos aangkas siya at kakapit dito. Nakakahiya!

"Mainit na ang sikaw ng araw. Masusunog ka," ang tila pabirong sagot nito. "Atsaka mabilis tayong makakauwi kung sasakay tayo sa motorsiklo ko. Ten minutes lang naroroon na tayo."

"Ang tarik ng kalsada, rough road pa. Baka delikado."

"Sa kabila tayo dadaan."

Sa kawalan ng maikakatwiran pa ay isinuot na nga niya ang helmet. Tinulungan pa siya nito dahil nahirapan siyang isuot iyon nang hindi niya kinakalas ang pagkakapusod ng kanyang buhok.

"Perfect," ani Vengeance nang bistahan ang pagkakasuot niya sa helmet.

Hindi siya sigurado kung ano ang ibig nitong sabihin sa salitang perfect. Perfect dahil bagay sa kanya ang kulay itim na helmet? O perfect dahil parang isinukat sa ulo niya?

"Isuot mo na rin ito para hindi ma-expose sa araw ang mga braso mo," sabi nito sabay ladlad ng isang denim jacket.

Para lang wala ng mahabang pagtatalo ay isinuot niya ang magkabilang braso nang igiya siya ni Vengeance pasuot doon. Pagkatapos ay ito naman ang nagsuot ng helmet. He's wearing a muscle tee, faded jeans na tastas sa magkabilang tuhod, at white sneakers. He looks so... cool. Napaka-chill lang ng porma nito pero ang lakas ng dating.

Paglabas nila ng bahay ay saka niya lamang napansin ang isang nakahimpil na motorcycle. Marahil ay hindi niya nakita kanina dahil natatakpan iyon ng sasakyan ni Bentley. Lumulan na roon si Vemgeance. Asiwa at halatang first timer siya sa paglulan sa ganoong klase ng sasakyan. Inalalayan siya ni Vengeance para makasakay siya nang maayos.

"Kapit kang mabuti," anito bago pinatakbo ang motorsiklo.

"Eh, a-amoy-pawis ako. Nakakahiya sa'yo," there, nasabi niya rin ang ikinaaasiwa niya.

"Tsk. Mabango ka pa rin naman kahit amoy-pawis ka. Yakap na."

"Yakap?"

"Ikakapit mo ang dalawa mong braso sa akin para hindi ka mahulog."

Tahimik siyang napabuga ng hangin. Pinagdikit niya ang lapel ng jacket atsaka iniyakap ang dalawang braso sa bewang ni Vengeance.

"Perfect," saad nito atsaka pinatakbo ang motorsiklo.

Bahagya pa siyang ninerbiyos kaya napahigpit ang yakap niya rito. Katulad ng sinabi nito ay sa kabila nga sila dumaan. Noon niya lamang nalaman na tagos na pala hanggang dulo ang ginagawang kalsada. Ang lusot nila ay ang pinadulong baranggay na nasasakupan pa ng Sta. Catalina. 

Makalipas ang humigit-kumulang sa sampung minuto ay narating nila ang Purok 6. Bago nila narating ang harapan ng tindahan ni Lola Miling ay nadaanan nila ang naglalakad na si Suzy. Naka-makeup pa iyon at mukhang kauuwi lamang mula sa trabaho. Hindi napigilan ni Meredith ang sarili na bahagya iyong lingunin. May nakapa siyang awa para sa babae. Marahil ay nakilala siya nito sa kabila ng suot niyang helmet. Matalim iyong umirap sa kanya bago lumiko sa maliit na eskinita pauwi sa bahay ng mga ito.

She sighed with regret. Kung sana ay naging mabuti silang magkaibigan ay baka may nagawa siyang tulong para rito.

"May problema ba?" tanong ni Vengeance nang umibis siya mula sa motorsiklo nito.

Napansin marahil nito ang ekspresyon niya matapos niyang hubarin ang suot na helmet at iabot dito.

Umiling siya. "Wala naman. Medyo pagod lang."

"Sige, magpahinga ka na."

"Salamat."

"Anytime. So, tomorrow?"

"Tomorrow?"

"Susunduin ulit kita bukas. Jog and then we'll continue with your training."

"Um, okay. See ya."

"Yep. Zài jiàn."

-

'yong gusto mong magyaya ng date sa paraang hindi ka tatanggihan ng girl.

'yan si V, maparaan😅 😅 😅

kunwari self-defense training pero may mga kasama ng da moves😁😁

si V lang talaga ang SAKALAM!🤣 🤣

frozen_delights








The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuWhere stories live. Discover now