Napa luha ako sa sinabi nya ngunit bago nila iyon makita ay pinunasan ko agad ito, pero may isa sa kanila ang hindi naka takas sa hinawa ko



Lumapit sya saakin at may binulong saakin, nag taka ang mga kasama nya dahil sa ginawa nyang pag bulong at pag bulong ko pabalik



"Miss ganda bakit ka po umiiyak kanina?" bulong nya saakin, napa tingin ako sa kanya at bumulong



"Dahil masaya ako bebe, masaya ako dahil sainyo" bulong ko pabalik kaya napa tango nalang ito, dahil sa kuryosidad ng mga batang ito ay nag tanong tanong sila


"Miss ganda ano po yung binulong nya at binulong mo?" tanong saakin ni rhiane


"Miss ganda ano po yung binulong ni levie?" tanong ng kapatid nyang si revie


"Miss ganda bakit po sya bumulong?" tanong ni angelo


Sunod sunod nila akong tinanong, napa tawa nalang ako at sinagot ng maayos ang mga tanong nila



"Ang sinabi nya ay gusto nya ng ice cream kaya ang sinabi ko ay bibili ako pero sinabi ko rin na bibilhan ko kayong lahat para pantay" paliwanag ko napa ahhh nalang sila ay nag tatalon talon, sinabihan ko sila na wag silang tatalon baka ma accidente sila kaya sinunod naman nila ako


"Tara mga bata, punta tayo sa korean convenience store" aya ko sa kanilang lahat, tumango naman silang lahat at excited na sumunod saakin pero tinanong ako ni angelo


"Miss ganda ano po yung kolean conv-vi-vi yung store na pupuntahan natin?" tanong saakin ni angelo, ginulo ko ang kanyang buhok kaya napa nguso ito, mas lalong syang nag mukhang cute


"Korean convenience store ay pamilihan ng mga pagkain at nanggaling ito sa ibang bansa" paliwanag ko kaya napa tango ito


Nang maka rating na kami sa convenience store ay excited silang pumasok kaya napa tawa ako, pero bago sila maka pasok ng husto ay binalaan ko muna para hindi sila mapa galitan umoo naman silang lahat kaya hinayaan ko silang pumili kung ano ang gusto nila



Ang kinuha nilang lahat ay tig isang ice cream tinanong kung bakit yun lang ang pinili nila ngunit ang sinabi nila ay kontento na sila kung ano ang nakuha nila, kaya bago kami umalis ay pinaupo ko muna dila sa malapit sa window



Nag punta ako sa snack section para bumili ng maraming biscuits, milk, bread na may palaman at higit sa lahat ay munting cake na kasya sa kanilang lima, pumunta ako sa cashier para mag bayad at nilagay sa bag bago ako mag tungo sa kina roroonan ng mga bata



"Tara na" aya ko, nang maka rating na kami sa secret place nila o garden ay pina pikit ko sila at dahan dahan nilapag ang biscuits, milk, bread at cake


"Imulat nyo na ang mga mata nyo ng dahan dahan" sinunod nila ang sinabi ko, pagka bukas ng mga mata nila ay pare pareho sila ng reaction, nagugulat at natutuwa nila akong binalingan ng tingin, ngiti lang ang aking naisagot ko sa kanilang mga tingin at inalok sila ng yakap, lumapit sila saakin at niyakap ng mahigpit



"Salamat miss ganda!" sabi nilang lahat saakin habang naka yakap parin, umayos ako ng upo at binigyan sila ng tig is na cake actually cup cake talaga binili ko dahil kakaunti lang ang perang dala ko. Next time gagawan ko sila ng cookies dahil tinuruan ako ni venice paano gawin iyon alam nyo kung bakit? Para regalohan si mama every birthday nya



"Nabusog ba kayo?"tanong ko sa mga bata, sabay sabay silang tumango. Pinatayo ko sila at pinapikit para ma sorpresa sila sa ibibigay ko



Dahan dahan kong nilagay isa isa sa kanilang kamay ang bracelets



Unexpected Identity (WHO AM I) (Ongoing) Where stories live. Discover now