Pagkapasok niya sa room nila ay tahimik siyang umupo sa bakanteng upuan. Wala namang paki ang mga classmates niya na babae sa kaniya pero pa minsan-minsan ay may mga nagbubulungan tungkol sa kaniya.

May kumalat pa 'ngang balita na bakla raw siya dahil siya lang ang nag-iisang lalaki sa beauty care sa school nila. Pero nawala rin naman agad ang tsismis ng wala naman silang makitang may kasama siyang lalaki.

Meron pang isang kumalat na tsismis na baka raw pinipilit lang siya ng magulang niya na mag beauty care kasi gusto nila iyon para sakaniya. Pero ang lahat ng 'yun ay walang katotohanan dahil siya talaga ang may gusto 'nun.

At katulad 'nga ng sabi ng kanilang teacher, hindi lahat ng may kumuha ng beauty care o kung ano pa mang electives sa TLE ay 'yun ang tatahakin nila sa college. Pero siya, sigurado na siya na talaga siya na magtatayo siya ng isang Parlor, at papalaguin iyon.

Dumating na ang teacher nila kaya finocus niya na lamang ang pansin niya sa lesson na tinatalakay sakanila.

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Ngayon ay nasa classroom na sila. Since tapos na ang TLE class nila ay nasa advisory class na sila.

"Ayan na si sir Hudson!" malakas na sigaw ni Cary ng makita niyang naglalakad ang teacher nila papunta sa room nila.

Agad napa-ayos ang lahat ng tuluyan ng pumasok ang teacher nila sa math. Ang lahat ay bumati dito, at gano'n din ang guro.

"Buti pa si sir, hindi masungit kahit na mga bobo tayo. Hindi katulad ni ma'am sa drafting," nakangusong sabi ni Nate.

Agad naman sumang-ayon naman si Cary sa sinabi ng kaibigan.

"Mga tanga kasi kayo. Alam niyong mahihirapan kayo sa drafting 'yun pa rin pinili niyo," nakasimangot na sabi ni Olie.

"We want challenges!!" nakangiting sabi naman ni Nate.

"Sa sobrang gusto niyo ng challenges halos maubos na brain cells niyo kakaintindi sa mga math problem sa drafting," masungit na sabi naman ni Olie.

Hindi na nakasagot sakaniya ang dalawa niyang kaibigan ng bigla siyang tawagin ng teacher nila. Agad naman siyang tumayo at lumapit sa guro.

"Can you give it to my advisory class?"

Agad naman siyang tumango at inabot ang mga papel na hawak ng guro.

"Pagka punta mo doon sa room, tawagin mo lang si Lia. Siya na ang bahala d'yan."

"Got it sir!" nakangiti niyang sabi at agad ng lumabas.

Alam niya naman ang room kung saan ang advisory class nito kaya hindi na siya maliligaw pa. Ng tuluyan na siyang makapunta sa room ay agad siyang napangiwi ng makitang sobrang tahimik nilang lahat, wala namang teacher sa harapan.

Malakas siyang bumuntong hininga. Hindi niya alam ngunit bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkahiya. Hindi naman siya mahiyain. At madalas lamang siyang makaramdam ng hiya!

"Sino ho hanap niyo?"

Agad siyang napalingon kung sino ang nagsalita. Agad siyang napa-ayos ng upo ng makitang isa iyon sa mga istudyante ni sir Hudson.

"W-Where is Lia?" kinakabahan niyang sabi.

Gusto niyang tuktukan ang sarili dahil parang sa ngayon lang siya nautal sa tanang buhay niya!

"Si Lia?" Mukhang hindi pa sigurado ang babaeng nag tanong kaya tumango siya.

Tumalikod ito sakaniya at sinigaw ang pangalan ni Lia.

Mas lalo siyang pinawisan sa kaba ng makita niya ang isang magandang dalaga na papalapit sakaniya. Sobrang lamig ng mga mata nito at wala kang makikitang kasiyahan sa mukha nito. Pero kahit gano'n ay maganda pa rin siya.

May katamtaman na kapal ng kilay, hindi katangusan ang ilong, may mapupulang labi at pisngi. Ang hanggang balikat niyang itim na buhok na maalon ay mas lalong umalon dahil sa hangin.

Nag mukhang dyosang bumagsak sa langit ang dalaga sa paningin ni Lie.

"Who gave that?" she coldly asked.

Agad niyang pinunasan ang pawis niya at masuyong binigay ang mga papel sa dalaga. Agad niyang pinigilan ang sarili na ngumiti dahil baka isipin ng dalagang nasa harapan niya.

Baka mapagkamalan pa siyang manyak.

"Si sir Hudson."

Agad kumunot ang noo niya ng may makitang matinding galit sa mga malamig nitong mata. Pero nawala na iyon agad.

Akmang magsasalita pa sana siya ng bigla na siyang talikuran nito. Napailing na lang siya at napa kamot sa batok. Palihim siyang nagpapasalamat dahil kung hindi siya tinalikuran ng dalaga, baka maitanong niya at dapat hindi niya matanong.

Agad na siyang umalis doon ng nakangiti. Hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit bigla na lang nabuo ang araw niya, eh hindi pa naman tapos ang araw.

Malakas siyang bumuntong hininga.

"I already believe in love at first sight. Fuck." 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat