⛓️Dos

1K 27 4
                                    

'plagiarism is the outcome of jealousy'-Calypso

"ALAM mong delikado ang sumugod ng mag-isa. Saang binhi ka ba ipinaglihi ng nanay mo at ganyan katigas ang ulo mo? Xander, I'm here. Sasamahan kita," bakas na sa boses ni Lhemdion ang inis sa kaniya dahil hindi siya nakikinig sa mga sinasabi at opinyon nito. Wala naman talaga siyang balak makinig sa kung ano ang opinyon nito sa simula palang.

He want to do his plans his own way. Masisira lang ang plano niya kung sasama si Lhemdion sa kaniya. Alam niyang hindi ito papayag sa kung ano man ang gusto niyang mangyari kaya ngayon pa lang ay hindi na niya ito hahayaan na sirain ang plano niya. Higit sa lahat, ayaw niya itong madamay sa giyera niya. His plans were too risky and Lhemdion is not worth to risk for death. Mas mapapanatag siya kung alam niyang ligtas ito, because if he ever fails at balikan siya ng kalaban ay ayaw niya itong madamay.

"No, you stay. This my war. You're my haven, Vergabera. I want you safe so if ever I'll f*ck up, I'd be with my haven,hmm?" Nilapitan niya ito at hinawakan ang ilalim ng baba. He looked at his eyes as if he was pleading. Sandali silang nagkatitigan ngunit agad din itong napailing.

"You can't charm me Baltimore,enough with your nonsense. Sasama ako sayo and that's final." Ma awtoridad na wika nito sa kanya. He was starting to get mad on him, masyadong matigas ang ulo nito at alam niyang kahit ilang beses niya itong kumbinsihing huwag sumama ay sasama pa rin ito. He turned his back on him and walk to the balcony. He settled himself leaning on the railings. Hindi rin nagtagal ay sumunod ito sa kanya. Naka hubad na ito ng pang itaas na damit at may naka ipit na yosi sa gitna ng mga labi nito. Napalunok siya at nag iwas ng tingin ng dumako ang mga mata niya sa tiyan nito. Ayaw niyang nakikita ang katawan ng ibang lalaki,he hates it.It only reminds him of something. Someone.

Tumikhim si Lhemdion bago nagsalita.

"Sorry. I know you're upset seeing my body, but this calms me when I'm mad," tumango siya nang hindi ito tinitingnan. Naramdaman niya ang pagtabi nito sa kanya at umamba din ito sa railings. Iniabot nito sa kanya ang sigarilyo. Kinuha naman niya iyon sabay hithit. Ibinuga muna niya ang usok bago ito hinarap.

"You don't have to go.I want you out of my war," pagsisimula niya, nagbabaka sakaling magbago pa ang isip nito.

"Xander I'm your friend, hindi pwedeng hayaan kitang sumugod sa isang laro ng mag isa. I'm here man," kinuha nito ang yosi sa kamay niya at hinithit iyon.

"It's too risky, ayaw kitang mapahamak. At isa pa, kaya ko to ng mag-isa. Pitong taon akong naghintay at hinanap ang taong iyon. And I didn't spend seven years not planning how to destroy that motherf*cker," aniya habang nakatitig sa kawalan.

"Tutulungan kita. Tell me your plans, gagawin ko ang lahat para tulungan ka. Don't you trust me?" Tanong nito sa kanya sa malamig na boses.

"I trust you,Vergabera.You know that," malamig na sabi niya.

"Fuck that trust! You won't even let me help you Baltimore!" Napasigaw na ito at hinarap siya. Tumuwid siya ng tayo at inayos ang kwelyo ng damit niya.

"I want you safe, that's it." Madiin na sabi niya dito. Umiling ito at ngumisi.

"Hindi nako bata Baltimore. You don't tell me what to do and not to do. I'm telling you, pumayag ka man o hindi ay sasama ako," mas madiing sabi nito at ibinulong pa iyon sa tenga niya. Bigla naman siya natigilan dahil sa biglang paglapit nito sa kanya at pagbulong sa tenga niya.

"F*ck." He cursed and pushed him away.

"F*ck. Sorry," napahilamos ng palad sa mukha si Lhemdion dahil sa ginawa niya. He didn't mean to push him. Pero nagulat siya sa ginawa nito. Ni minsan ay hindi pa sila nagkadikit ng ganoon. Hindi padin nagagawa ni Lhemdion iyon sa kanya. Alam niyang wala lang iyon pero kakaiba ang dating nun para sa kanya. Surreal. That's what he calls it. Parang hindi lang iyon basta bulong dahil nanayo ang mga balahibo niya sa katawan at tila may mga paru-parong sumayaw sa tiyan niya ng ilang segundo.

DEADLY SINS SERIES:Chasing Casten(BXB)Where stories live. Discover now