The moment he turned his back to us, I knew that this was not going to be easy. I never want to argue with them, ayoko ng nagkakaroon kami ng ganitong away. Pero alam kong kasalanan ko ito ngayon, I've crossed the line. Dapat hindi ko iyon sinabi.

Mas lalong nadagdagan ang bigat sa dibdib ko nang isa-isang magsi-alisan ang mga kaibigan ko matapos nila akong bigyan ng dismayadong tingin.

"S-Sison!" He halted from walking.

Lumingon siya sa akin subalit hindi nagsalita. Konti na lang, babagsak na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. I was hoping that he could see what I want through my eyes. I want him to stay. Siya lang ang palagi kong nasasabihan ng lahat. Siya ang mas nakakakaintindi sa akin. 

I know he understands me…

But maybe I've really gone overboard. Kasi imbes na samahan ako, Sison walked away without looking back at us. Tuluyang nagbagsakan ang luha sa mata ko. Walang duda, nagkamali nga ako. 

Dali-dali akong tumayo subalit pinigilan ako ni Jacques.

"Where are you going?"

Pagalit kong binawi ang kamay mula sa kaniya.

"Wala kang pakialam."

"Wala ring mangyayari kung pupuntahan mo sila ngayon at isa-isang magso-sorry. Just take a rest first then talk to them tomorrow."

"Ano bang alam mo?"

Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Diego sa aking gilid. He stood up from his seat, facing Jacques. Kita ko ang seryosong tinginan ng dalawa. 

"She's drunk. Wala siya sa sarili kanina nang sunduin ko siya. Mas mabuti pa kung ihatid mo na muna iyan sa kwarto niya-

"What?" mabilis na putol ko. "No way! Hindi ako sasama sa taong iyan!"

Hindi kakayanin ng pride ko na sumama sa kaniya. Besides, I can handle myself perfectly. Hindi naman porke't nakainom ako hindi ko na kayang asikasuhin ang sarili ko.

"Tsk." Singhal ng nasa likuran ko matapos kong matumba sa sahig. Doon ko lang din napagtanto na sobrang nanghihina na pala ng mga tuhod ko. "Why are you so stubborn?"

He carried me right away. Gusto ko sanang magprotesta. Pero masyado na akong kinakain ng antok at pagod hanggang sa tuluyan akong makatulog sa bisig niya.

I don't know how he found my room upstairs. Naalimpungatan lang ako nang sandaling dahan-dahan niya akong ilapag sa kama. He then put a blanket over me. I was tired, indeed. Hinihila na ako ng antok. But his stare is stopping me from completely losing my consciousness. I couldn't determine how long he was staring at me.

After minutes, I heard him heave a deep sigh before giving me a soft kiss on my forehead and then left. Doon lang ako tuluyang nakatulog. 

I was sweating bullets the next morning when I woke up. Naihilamos ko ang palad sa mukha nang mapagtanto na binangungot na naman ako. It was so scary that I could still feel the chills on my skin. 

Nakita ko na naman si Papa, the actual scenario that I had witnessed when I saw him hanging in his room. But maybe, rather than a nightmare, it was actually part of my memories. 

Ang kaso sa pagkakataong ito, mas doble iyong kaba sa dibdib ko. Because in my dreams, I saw my friends turning their backs and leaving me alone behind. I couldn't see their faces, but I know it's them.

 But what scared me the most was that… I also saw Jacques doing the same thing. 

Hindi ko maintindihan ang labis na kaba na namumutawi sa dibdib ko. Nagkukumahog akong bumaba sa kama at lumabas ng kwarto. Halos malaglag pa ako sa hagdan sa labis na pagmamadali.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon