Napahilamos nalang ako sa sarili ko dahil sa isa ko pang problema.

Napatingin ako sa di kalayuan ng may lalaking lumabas mula sa matataas na damuhan sa bakanteng lote. Tumatakbo sya habang nakatingin sa kanyang likuran. Anong ginawa nya dun?

Ako naman ay nakatingin lang sa kanya hangang sa palapit sya ng palapit sa kinaroroonan ko at kung magiging ganyan pa din sya habang tumatakbo ay talagang mababangga nya yung lamesa ko. Kaya naman pumunta ako sa gilid ng mesa at tumayo ng tuwid sabay dipa para bigyan sya ng babala.

"Hoy tumigil ka!" sigaw ko sa kanya. Pero sa likuran pa rin nya sya nakatingin kaya muli akong sumigaw. "Hoy! mababangga mo ako di--"

Ayun nga. Nabangga nga nya ako.

Langya sya.

Agad na tumama ang likod ko sa mesa na sya namang sirang bumagsak sa lupa.

"A--aray ko.." mahinang sabi ko. Sumakit ata ang likod ko.

Napatingin ako sa lalaking nakapatong sa akin at.. "Oppa?"

Para syang Oppa.


Valen's POV

Nagising ako ng biglang huminto ang sasakyan. Hindi pa man ako nakatingin sa driver ng biglang bumukas ang pintuang nasa gilid ko at agad na akong hinila ng isang lalaki papalabas.

Isinara ng lalaki ang pintuan at marahas akong itinulak sa pinto kaya napasandal ako dito. Mabilis kong kinusot ang mga mata ko para tuluyan akong magising. Dun ko na nakita na tatlo silang mga lalaki. Much I say mga lalaking iilang taon lang ang tanda sa akin.

"What?" tanong ko sa kanila.

"Hanggang dito ka nalang." sabi naman ng isang kalbo.

"Talagang hanggang dito na lang ako kasi pinatigil nyo yung sasakyan ko pauwi sa tutuluyan ko." sabat ko naman sa kanya

"At sa tingin mo ba talagang papauwiin ka namin na kumpleto pa ang buong katawan?" yung isang nasa kaliwa naman ang nagsalita ngayon

"Ano bang kailangan nyo? I'm sure hindi kayo holdapper at alam ko ring iisa lang ang nag-utos sa inyo."

Si Tita Merlot.

Ngumiti yung lalaking nasa gitna nila. Sya yung malakas ang apog na palabasin ako ng kotse.. "Geh umpisan na." at pagkasabi nyang iyon ay doon na nila ako sinugod.

Pero bago pa nila ako mahawakan, inunahan ko na sila sa pagsuntok at pagsipa. Wala pa naman ako sa mood makipag-away ngayon. Damn, pagod ako sa byahe.

At dahil sa mga iniisip ko ay hindi ko namalayan ang pagsipa sa akin nung kalbo kaya muli akong napasandal sa sasakyan. Tumingin ako sa gawi ng driver at nakita ko namang wala na din itong malay.

Aish.

Muli kong hinarap ang tatlo at hindi ko na naman nakita ang paparating na kamao kaya tumama ito sa gilid ng labi ko.

Magbabayad kayong tatlo.

Kaya bago pa tuluyang mawasak ang mukha ko ay tatapusin ko na itong mga pangit na ito. Mula sa pagkakasandal ay ako na mismo ang lumapit sa kanila saka inumpisahan na silang pabagsakin. Kaya nung puro na sila nakahiga sa daan ay tumakbo na ako papalayo.

Hindi ko alam kung saan ako patungo. Kasi hindi ko din naman alam kung nasaang lugar ako. Puro eskinita lang ang mga nadadaanan ko at pasok dito, labas doon ang tanging ginagawa ko.

Sandali akong huminto para maghabol ng hininga. Sinuri ko ang lugar kung nasaan ako pero puro makikitid pa rin na daan ang nakapaligid sa akin.

Nahabol mo ba?

Hart with Lav and ValentineWhere stories live. Discover now