Every Is Wrong

4 0 0
                                    

"Pinahiya niya ko, deserve niya din" sabi ko.











"Tama si Coach, huwag ka ng babalik sa court, nangugugulo ka lang e" sabi ni Tim na halatang galit na galit sa akin.











"Anong sabi mo?" tanong ko, hinila ko siya tas binuhusan niya ko ng tubig.











"Alam mo ba bat kami tadtad sa practice kanina? DAHIL SAYO, KUNG DI KA GUMAWA NG EKSENA KAHAPON SA COURT, EDI SANA MAAYOS PRACTICE NAMIN KAHAPON, SANA HINDI KAMI PINUPUSH NI COACH NA MAG WHOLE DAY PRACTICE NGAYON" sigaw ni Tim. Inawat na si Tim nung mga pinsan naming lalaki. Sa sobrang inis ko, nasampal ko si Tim












"Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin yan, after ng lahat ng tinulong ko sayo, after ng lahat ng pagpapanggap mo, pati yang suot mo ngayon, ako pa naghanap, ang tigas ng mukha mo, Timoteo" sabi ko, pumasok ako sa loob ng bahay at nag bihis na. Ayoko ng lumabas at makiparty sa kanila. Nagtataka pa sila Mom kanina bat ako basang basa e.












Ano bang nangyayari? Bat parang ang gulo agad?













________

Kinabukasan








Pumasok lang ako sa klase ko at umuwi na rin agad, wala na kong gana na manood ng game nila Sev, kahit si Sev din pala di ako nirereplyan. Kaya nawalan ako ng choice lalo. Nagbihis nalang ako at dumiretso sa mall, may ice rink dito e. Dito ako dati nagpapractice, after ko isuot yung skates, pumasok na agad ako sa loob, andaming tao sa paligid ko, pero nilalagpasan ko lang sila. Dami namang mag jowa dito.











After an hour na paglalaro sa yelo, dumiretso ako sa sinehan, oo dinate ko nalang sarili ko. Baka gumaan pa pakiramdam ko.











Nanood ako ng drama, wala umiyak lang ako ng umiyak, after nun, lumabas na ko ng sinehan, pero nanlaki yung mata ko sa nakita ko, sila Sev, kasama niya sila Tim, Bea, Charles, Xian at yung ibang ka team niya sa basketball, tapos, may kaakbay siyang babae. Alam ni Bea? Wala na talaga akong aasahan sa kanila.











Naglakad ako pababa ng escalator at naisipan ko nalang na kumain sa labas.












Sumaglit lang ako sa ihaw ihaw tas umalis na din ako, dumiretso ako sa ferris wheel. Oo ako lang mag isa sa loob. Tinanong pa ko nung nagpapaandar kung may inaantay ako.











Mula sa taas ng ferris wheel, kita ko sila Sev. Inaantay nilang matapos yung time namin, mukhang may balak pa silang mag ferris wheel ah














Bumaba ako at naglakad na palayo, kaso nabangga ko si... Xian













"KC?" tawag niya sa akin. Naglakad nalang ako palayo, tumakbo na ko para mawala sa paningin nila











Dumiretso na ko sa kotse at umuwi na.












"Mom, malapit na naman yung sem break namin. Baka pwedeng sa probinsya muna ako nila Papa" sabi ko.










"Why not. You can go there anak. Pero, KC. Anong nangyari, hindi ka ganyan katamlay kung wala kang problema" sabi ni Mom.











"Wala, Ma. Mag eempake lang ako ng damit" sabi ko. Tumango naman si Mom.











"Titaaaa" nasa hagdan palang ako ng marinig ko si Tim na dumating, nasa likod niya sila Bea. Dumiretso nalang ako sa kwarto ko

No More MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon