Drink Responsibly!

4 1 0
                                    

Madami dami na kaming naiinom ni Bea at umuwi na sila Riko nung malasing sila Agatha. Ayaw pa kong iwan ni Riko kanina pero wala na siyang nagawa nung hilahin siya ni Agatha palabas.











"Single ka ba?" tanong ko kay Sev na mukhang matino pa. Kahit andami na niyang nainom.











"Malamang" sabi niya. "Bakit mo tinatanong?" tanong niya sa akin.












Tim's POV




Nakatulog na si Ate Bea kay Kuya Xian. Si Charles naman nakahiga na sa hita ko. Pero si Ate KC at Capt Sev. Naglandian na nga. Eto na nga ba sinasabi ko. Mahirap malasing tong ate KC ko e.












Tinataas niya yung damit ni Capt Sev tas binibilang niya yung abs. Medyo malandi no? Ay malantod na talaga yan.












"Ate KC! Get a room" sabi ko sa kaniya. Tinignan naman niya ko tas biglang bumagsak yung ulo niya sa hita ni Capt Sev. Ako naman yung nahiya sa ginawa niya.











"Ako na mag uuwi sa kaniya, Tim. Iuwi mo na yan si Charles. Xian! Right? Sumabay na kayo sa akin. " sabi ni Captain Sev. Wala na kong nagawa kasi medyo may tama na din ako.











"Captain Sev, sayo mo muna iuwi si Ate KC. Papatayin yan ni Tito pag nakitang ganyan yan e" sabi ko naman sa kaniya sabay sakay sa kotse, tinawag niya pa ko. Pero dumiretso na ko.











Sev's POV








Siraulong Tim to, saan ko dadalhin tong babaeng to? Baka bugbugin ako nito pag gising niya?














Hinatid ko na si Xian at Bea. Pinagalitan pa ko ng tita, mama ni Bea. Pero sabi ko may ihahatid pa ko, kaya nakalusot ako.











Dinala ko sa condo ko si KC, napakulit ng babaeng to. Kanina pa inaamoy yung leeg ko.











" Nasaan ako?" tanong niya sa akin. Nakahiga na siya sa guest room ko












"Nandito ka sa condo ko, huwag kang makulit" sabi ko. Iniistretch ko naman yung likod ko kasi ang bigat niya.












Bigla niyang hinila yung mukha ko tas hinalikan yung labi ko.











"Anong ginagawa mo!?" tanong ko sa kaniya, sabay tulak.












_____

KC's POV







Nagising ako at wala na kong saplot na damit, hindi na ko nagulat. Hinaplos haplos ko lang yung ulo ko. Tas ginising si Sev.











"Good Morning" sabi niya.











"Hey! Papasok pa tayo, bumango ka na dyan" sabi ko.











"5 am palang, matulog ka pa" sabi niya.











"5 am na. 7 pasok ko, uuwi pa ko. Hahanapin ako ni Mama." sabi ko.












"Gisingin mo nalang ako pag aalis ka na." bumangon siya at hinalikan ako sa labi bigla.











"Sev naman." tumayo siya tas binuhat ako papasok ng banyo.












"Dalian mo na maligo" sabi niya. "Takte, sabay na nga tayo. May practice pala kami ng 6 am." sabi niya. At ang ending sabay kaming naligo.












Umuwi ako at thankful ako dahil si Yaya palang yung gising. Nakapag palit ako ng damit. Tas pumasok na sa school.












Pag dating ko sa room, inaantok pa lahat ng kasama ko sa party kagabi. Nakinig lang ako sa prof namin at hindi na din ako nakakain.











"Okay ka na?" paglabas ko ng room nandun na si Sev, kasama sila Tim

No More MistakesWhere stories live. Discover now