Bea

2 1 0
                                    

Nag simula akong mag practice kasama si Riko, medyo nag improve sa pagtuturo si Riko, habang si Xian naman ang nagre ready sa piece nung team. Nakapag pakita na din pala sila ng napractice nila. All I can say is Agatha really amaze me.










"Do you want to do a routine?" tanong ni Riko sa akin.











"I want to rest. I want to watch you with your team" sabi ko. Tumango naman siya. Iniwan niya ko sa may isang gilid at lumapit kila Xian










"KC!" napatingin ako sa tumawag sa akin mula sa pinto.










"Hoooyyyy!" sigaw ko, tumakbo ako palapit sa kaniya. "Akala ko ba busy ka at di mo ko mapupuntahan?" tanong ko.











"Gaga malamang pupuntahan kita, namiss kaya kita" sabi ni Bea. Kaibigan ko siya sa dati naming school ni Xian and lumipat siya dito 2 years ago.










"Namiss din kita. Kumusta ka na! Sobrang laki ng pinagbago mo ah" sabi ko.











"Mukha lang nagbago, pero wala talaga yan." sabi niya. "Hi Xian!" sabi niya sabay kaway kay Xian. Oops, I forgot to say but she kinda like Xian. More than being friends.









"Parang di naman ako yung pinunta mo dito" sabi ko sabay tingin na nang aasar.










"Gaga, ikaw talaga. Tsaka yung pinsan mong si Tim? Nakita ko siya galing ako sa court e, pinuntahan ko yung boyfriend ko" sabi niya. Nanlaki naman yung mata ko ng sabihin niya yun.











"May boyfriend ka?" tanong ko











"Si Yu, team captain ng kalabang team nila Tim." napatango naman ako.










Biglang tumunog yung phone ko at si Tim yun. Ano na nanamang kailangan ng batang to?












"Excuse me" sabi ko kay Bea. Tumango naman siya












(Ate KC!) bungad niya











"Oh, napatawag ka?" tanong ko.











(Kasama mo ba si Ate Bea?) tanong niya











"Oo, nandito siya" sabi ko. Tinignan ko agad si Bea.










(Sabihin mo naman punta siya dito sa court ulit, nag aaway si Capt. Sev at Capt. Yu e) sabi niya.










"Bea. Nag aaway daw yung Captain nila Tim at si Yu" pagkasabi ko nun tumayo si Bea sabay hila sa akin.











"XIAN, PERAM MUNA KAY KC! IBABALIK KO MAMAYA" sigaw niya. Sa sobrang higpit ng pagkakawak niya sa akin, wala na kong nagawa kundi sumunod sa kaniya.










"ANO BA KASING TINATAHOL MO?" Sigaw nung Sev.










"BINABASTOS MO YUNG GIRLFRIEND KO E" sabi ni Yu.










"KAILAN MO PA NAGING GIRLFRIEND SI RINA? AKALA KO BA SI BEA GIRLFRIEND MO?" sigaw ni Sev. "EDI GINAGAG* MO LANG PALA SI BEA?" Inalalayan ko naman si Bea kasi mukha na siyang babagsak.











"Bea?" tawag ko sa kaniya dahilan oara mapunta sa amin yung atensyon ng ibang tao. Kahit sila Yu at Sev lumapit na kay Bea.











Biglang tinulak ni Sev si Yu.












"Don't ever get close to Bea. Ako mismo makakalaban mo" sabi ni Sev sabay buhat kay Bea palabas ng court. Tinawag naman ako ni Tim at sinundan na namin sila Bea. Pupunta sila sa Clinic.










Pagkadating sa clinic, rinig na rinig namin yung iyak ni Bea. Nakayakap siya kay Sev.

No More MistakesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz