Winners

5 0 0
                                    

"Congratualations, Riko and Kleeve of CU for winning the 1st place" di naubos ng congratulations yung paligid ko. Hinatak pa ko ni Riko para mayakap siya.












Sinuotan lang kami ng medal tas naglakad na agad kami palabas.













"Here's your jacket" sabi ni Riko. Biglang sumulpot si Sev sa kabilang gilid ko.












"Congrats" sabi niya. Sabay pat sa ulo ko. Tas hinigpitan yung jacket na suot ko. Ginawin talaga ako, kaya di ko din alam bat figure skating napili kong kahiligan e.













"Coach, may gagawin ka after ng event?" biglang lumapit sa akin yung mga tunuturuan ko. New members.












"Wala naman. Bakit?" tanong ko.












"Celebrate po tayo, kila Lin. May bar po sila" sabi ni Joyce











"At allowed kayo dun!?" tanong ko.












"Magpapa reserve daw po yung parents ko para sa amin. Para di na kami lumayo" sabi ni Lin.












"Oh sige sige" sabi ko.












"Coach Riko, sama po kayo ah?" sabi ni Alice












"Oo naman" sabi ni Riko












"Ate sama din kami nila Capt, pwede ba!?" biglang sulpot ni Tim kasama si Charles. Napatingin ako kay Sev.












"Gusto mo?" tanong ko. Tumango naman siya.











"Just text us the address, susunod kami nila Charles. May meeting lang kami sa court" sabi niya. Tumango naman ako.












"Jowa mo ba yun ate?" tanong bigla ni Joyce nung makaalis sila Sev











"Hindi ah."Sabi ko. Inasar naman nila ako.

____




Dumiretso kami sa bar nila Lin. At ang daming tao ah? Pinadiretso kami sa isang private room at ang bongga, may sarili kaming bartenders.











Umoorder na sila ng pagkain sa phone nila ng biglang sumulpot sila Agatha. Oo nga pala, nag 2nd place sila sa Team Performance. Kasama nila si Xian na agad akong tinabihan












"Gaga ka, ano tong naririnig ko na may jowa ka?" tanong ni Xian sa akin.











"Wala gaga, sila Joyce nagsabi sayo no? About yun sa team captain nila Tim. Weird, pero mukhang mabait. Pupunta kasi sila dito" sabi ko.












"Si Sev?" tanong niya. Tumango naman ako. "Pinsan ni Bea?" tanong niya pa. Tumango naman ulit ako.











"Kilala mo?" tanong ko.












"Malamang. Naglaro na siya before para sa CU sa isang basketball League. And nag MVP siya ng Champion na team. Kaya nga team captain na siya ngayon e. Di mo alam no?" tanong ni Xian












"Aba malay ko, wala na kong update sa CU simula nung umalis ako e" sabi ko.











"Bakit umalis ka ng CU, Coach?" bigla silang napatingin sa akin nung tanungin ni Chesy yun.











"Ah wala. Mas gusto kasi ng magulang ko na sa EVU ako. Kaya lumipat nalang ako, mas malaki yung Ice rink dun e" sabi ko.












"Talaga po?" tanong ni Pia











"Kailan ka pa natutong magsinungaling?" bulong ni Riko sa akin.











"Ngayon pa lang. Para di nila malaman yung panloloko mo sa akin nun at di maging masama yung tingin nila kay Agatha" bulong ko.











"I told you, I didn't mean to cheat on you" sabi niya.













"But you mean on kissing Agatha, while I'm away?" tanong ko dahilan para tignan niya ko mata sa mata.

No More MistakesWhere stories live. Discover now