Ep. 59: #JeNny?!?!

650 36 25
                                    

Jeremiah + Vinny = JeNny ;)


December 26, 2021


Hayahay, kakatapos lang ng pasko at agad akong napauwi sa lugar namin sa Quezon City dahil sinabing na ospital daw si ate. Ang kwento saakin nila mommy ay bigla nalang daw itong nahimatay kani-kanina lang. Mas okay na rin itong nakauwi ako dahil ilang buwan na rin akong hindi nakakabalik rito at sobrang namiss ko na rin ang QC.


*On going call- TITA LIZA*


"Nakarating kana ba jan sainyo, iha?"

"Yes po, tita. Maraming salamat po sa pabaon nyong mga pagkain at hindi po ako nagutom sa byahe."

"Wala iyon, iha. Just enjoy your day with your family ha? Paki sabi na rin sa ate mo na mag pagaling kamo sya at namimiss na sya ni Vinny, hehe."

"Hahaha, alright po tita, makakarating po. Sorry tita, i have to go na po dahil papasok na po ako ng hospital."

"O sya sige na, Janna anak. Mag-iingat ka ha? Love ka ni tita."

"Opo, love you po, tita."


*CALL ENDED*


Pagkababa ko ng phone ay agad na akong dumerecho sa reception desk "Nurse, saan po yung room ni Jeremiah Lopez?" I asked the nurse assigned on the reception desk.

"Kaano ano po kayo ng pasyente?"

"Kapatid po, ate ko po sya." Kinginang tanong yan. Hindi ba obvious na magkapatid kami eh lagi nga kaming napagkakamalang kambal lalo na nung bata, tss..

The nurse nodded as he checked the records, "Room 374 po, ma'am. Thank you!"

I greeted back as i ran towards the direction for the elevator. Nasa 3rd floor kasi ang room ni ate. Na rushed lang sya kanina sa ER pero nag decide ang doctor na i-confine daw sya para mas mabuti. Iyan lang ang na kwento saakin ni mommy kanina.


I knocked on the door, "Ate? Mommy?

Wala atang nakarinig saakin kaya't pumasok nalang ako nang sarili ko, bumungad saakin si ate na umiiyak. "G*go ka, anong nangyari sayo?" Agad kong binato sa couch ang bag ko at niyakap nang mahigpit si ate.

"Janna.." Ate continued to sniffed.

"Ano ate? May sakit ka daw ba? May taning na daw ba yung buhay mo? Ano bat ka nahimatay kanina?" Pag-aalala kong tanong sakanya.

She held my hands, napaka lamig ng kamay nya na tila ba ay sobra sobrang kinakabahan, "Prepare yourself sa sasabihin ko."

I rolled my eyes, "Oh sige na, pabitin naman 'to eh."

"Janna i'm pregnant." She confessed.

I covered my mouth, widening my eyes. "What the fuc-- For real ate??"


She nodded, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Pero nakaramdam agad ako ng tuwa knowing na magkakaroon na ako ng pamangkin sakanya. And as her sister, my heart is so happy for her kasi i know na she is responsible enough sa mga ganitong bagay. Iyong simpleng pag-aalaga nya palang saakin bilang bunso nyang kapatid simula noong bata kami ay sapat na para masabi kong magiging mabuti talaga syang ina.


"Pero teka, sinong ama nyang dinadala mo?" I asked her out of curiosity.

She sigh and looked down, "Si Vinny.."

I found myself frowning at her while my mouth parted, "Huh?"

She rolled her eyes, "Oo, tama yung narinig mo. Si Vinny nga! Yung kapatid ng boyfriend mong si Sandro."





I Wish I Never Woke Up (Sandro Marcos FF)Where stories live. Discover now