Puno ng bulungan ang maririnig sa buong paligid papunta sa training ground dahil sa eksenang ginawa ng tatlo. Kung tutuusin ay mukhang sa bar ang punta nila at hindi ang pagti-training.


"Nakita mo ba kung paano tumingin yung mga lalaking 'yon? Parang kulang na lang at tumulo ang laway nila bwahahaha!" natatawang sabi ni Marie habang inaangat pa lalo ang suot nitong palda.


"Yeah, I saw it! They're look like they can't hold it anymore! Hahaha!" naiiling naman na sabi ni Lea.


Sabay na napatingin ang dalawa nang nanatiling tahimik si Neri na parang may kung anong nakikita na nagpagulat sa kanila.


"Hoy! Ayos ka lang ba, Neri?" nagtatakang tanong ni Marie sa tulalang kaibigan.


"Le––Lea!" sigaw na tawag ni Neri habang nauutal na lalong pinagtaka ng dalawa.


"Ano ba yun? Bakit ganiyan itsura mo?"


"Si–siya ba yung tinutukoy mo?" Nanlalaking mata na tanong ni Neri habang may tinuturo sa tagong lugar ng training ground.


Sabay naman na napalingon si Lea at Marie sa tinuro ng kaibigan at doon ay nanlaki din ang mata nila sa nakikita.


Sa tahimik at malilim na lugar ng training ground ay seryosong nagti-training si Trider habang marahan na tumutulo sa kaniyang leeg ang kaniyang pawis mula sa matinding pag-eensayo. Kahit na pawisan ito ay hindi nabawasan ang kaniyang kagwapuhan at kung tutuusin ay Lalo lang nadagdagan ang appeal nito sa mata ng tatlong babae.


"Oh–oh my! Th–there he is! He's so handsome!" namumula na tili ni Lea habang nakatingin kabuohan ni Trider.


"K–kyahh!!! Bakit Hindi ko alam na may ganito pala tayong kagwapong trainee? Edi sana sinugod ko na siya!" Walang hiyang sabi naman ni Marie na pawang nakakita ng masarap na pagkain sa itsura nito.


"No, he's mine!"


Napatigil sa pagtili ang dalawa nang marinig ang boses ni Neri at sa tono nito ay pawang walang makakahadlang sa kaniya.


"N–no! We can share, right?" nanghihinayang na tanong ni Lea sa kaibigan.


"No way! Sa'kin lang siya at walang makakahadlang sa'kin. Naiintindihan niyo ba?" nakataas-kilay na tanong nito sa dalawa.


Napailing na lang si Lea at hindi na umangal pa. Wala rin kasi silang magagawa dahil malakas ang kapit ni Neri kay Lord Henry na siyang amo nila.


"Let's go near him!" nakangising sabi ni Neri at nag-umpisa nang maglakad papalapit sa puwesto ni Trider.



Samantala, si Trider naman ay tahimik lang na nakikiramdam dahil alam niya na may balak na masama ang tatlong babae sa 'di kalayuan. Naramdaman niya kasi ang tingin ng tatlo kaya alam niya na wala silang gagawin na mabuti.



Nang maramdaman niya ang papalapit na pigura ng tatlo ay agad niyang binaba ang hawal niyang espada atsaka malamig na tinignan ang mga babae. Napangiwi siya nang makita ang itsura ng mga 'to at hindi niya maiwasang maikumpara ang tatlo sa kaniyang milady.


"No doubt! My Athy is the most beautiful girl that I've ever seen." Napangiti si Trider sa naisip at dahil papalapit na sina Neri ay nakita nila ang pangiti nito na sabay-sabay nilang kinatigil.


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now