THIRD PERSON'S POV


~ Before the battle between Trider and Neri


Sa loob ng girl's dormitory ng mga trainee ng Caventry ay busy na nag-aayos ang magandang dalaga na may hanggang bewang na buhok. Bakas sa mukha nito ang confidence na matagal niya ng dinadala mula nang ipasok siya ni Lord Henry sa loob ng training ground.


Galing ito sa brothel kung saan siya natagpuan ni Henry at napagdesisyunan na isama upang gawing trainee ng mafia. Para kasi kay Henry kapag maganda ka ay magkakaroon ka rin ng silbi kapag nahasa ka sa pakikipaglaban. Lalo pa na alam niya na lahat ng lalaki ay may sexual desires din sa mga babaeng maganda tulad niya.


Kaya naman malakas ang loob nito na walang makakatanggi sa kaniya kapag may gusto siyang makuha. Habang pinagmamasdan ang maganda nitong mukha sa salamin ay tsaka naman pumasok ang isa sa mga kaibigan nito na si Lea.


"My gosh! My gosh! Nakita mo ba yung bagong trainee? Oh my gosh! He's so hot!" kinikilig na sabi nito habang pabagsak na humiga sa kama.


Napataas naman ng kilay si Neri at hindi na lang pinansin ang kaibigan. Para kasi sa kaniya ay walang gwapo na makakaagaw ng atensyon niya dahil masiyadong mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili.


"Bakit ganiyan lang yung mukha mo? Hindi mo ba ko narinig?" Nagtataka na tanong ni Lea nang makita na walang reaksyon ang kaniyang kaibigan at patuloy lang sa pag-aayos ng mukha.


"Sa ganda kong 'to, sa tingin mo may makakaagaw pa ng atensyon ko? Atsaka marami na akong nakitang gwapo sa brothel na pinagtatrabuhan ko dati no!" mayabang na sabi nito.


"Ano ka ba?! Walang-wala ang mga gwapong nakita mo sa brothel sa kagwapuhan ng bagong trainee no! Naku kung nakita mo lang kung paano niya gamitin yung rapier kahapon ay baka himatayin ka!" exaggerated na sabi ni Lea habang ini-imagine ang magandang imaheng nakita kahapon.


"Mas gwapo pa kay Lord Henry?" tanong ni Neri na mukhang na-curious na rin dahil sa reaksyon ng kaibigan.


"Shh ka lang ahh! Pero oo mas gwapo pa siya kay Lord Henry! Kung tutuusin sa buong Caventry Palace, siya lang ang nakita kong pinakagwapo! Yung tipong sarap ikulong sa kwarto. Hahaha! Kyahh!" Pawang nababaliw nitong sabi habang gumulong-gulong pa sa kama.


"Sigurado ka?" Nagniningning na matang tanong ni Neri. Sa isip niya ay sa wakas ay hindi na magiging boring ang ilang buwan niyang pananatili sa training ground.

"Yeah, let's look at him tomorrow!" excited na yaya ni Lea sa kaibigan na agad din naman nitong sinang-ayunan.


~Kinabukasan...


Taas-noong naglalakad si Neri kasama ang kaibigang sina Lea at Marie. Bawat lakad nila ay pinagtitinginan sila ng kapwa nila trainee dahil hindi naman maipagkakaila na magaganda ang tatlo. Idagdag mo pa ang mga suot nitong kulang na lang at maghubad sa sobrang iiksi.


Nakasuot kasi sila ng short at palda na talaga namang kinulang sa tela, yung tipong kada lakad nila ay talagang masisilipan sila. Bukod dito ay nakasuot lang sila ng sando at tube kaya hindi maiwasan ng mga lalaki na mapalingon.


"Th–they're hot!"

"I'm feeling hot tho..."

"*Whistle* Be mine for a night and I'll pay!"


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now