Narinig niya ang nagbubunying halakhak ng mga humahabol sa kanya. She crawled to get back on her feet again. Her body starts to shake in fear. Ngunit pinilit niyang pangibabawin ang katatagan. Hindi siya makapapayag na matapos na lang nang ganoon ang buhay niya. She will finish her pre-law course and entered Law School without a hitch. Magtatapos siya ng abogasya katulad ng pangarap niya. And one day, when she's strong enough she will expose her father's  bad deeds and haul his ass in court.

"Akin ka muna, sweetie pie."

Mahigpit na hinawakan ni Meredith ang pepper spray, ganoon din ang Taser. It was an X3 and she can still use it to immobilized her attackers. Pero mukhang alam na ng mga ito na may armas siya. They pinned her arms on the grounds. Tumili siya at pinagsisipa ang mga ito. There were three of them. At lahat ng mga ito ay mukhang lango sa ipinagbabawal na gamot.

I can't die like this, lumuluhang naisip niya habang tutop ng isa sa tatlo ang bibig niya.

"Pigilan niyo ang magkabilang kamay at paa. Ako ang mauuna," hayok na hayok na sabi ng isa.

"Tangina, kahit kailan talaga laging umiiral ang pagka-magulang mo."

"Bilis-bilisan mo at kami naman ang susunod."

Is this the end of the line for me? parang puputok ang dibdib na tanong ni Meredith sa sarili. Her mind refused to give up but she's too helpless to fight back. 

Nang bumaba ang kamay ng lalaki sa harapan ng kanyang pantalon ay napapikit na lang nang mariin si Meredith. She prepared herself for the worse. Seconds passed. Biglang nawala ang kamay na pumipigil sa magkabilang palapulsuhan niya. Ganoon din sa magkabila niyang paa. Then she heard some grunting. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang dalawang lalaki na mahusay na nakikipaglaban sa tatlong lalaki na umatake sa kanya.

Kahit nanginginig pa sa takot ay mabilis na bumangon si Meredith. Nang subukan niyang tumayo para lisanin na sana ang pook na iyon ay muli siyang napaupo. Nangangatog ang mga binti niya at tila hindi kayang suportahan ang bigat ng kanyang katawan na wala pang kuwarenta kilo. 

Ang kinaroroonan nila ay malapit sa isang bakanteng lote sa gilid ng isang makipot na daan. May poste sa malapit kaya kitang-kita niya ang pakikipagsuntukan ng dalawang lalaki. Mukhang bata pa ang isa habang ang isa naman ay may kakatwang hairstyle o iyong tinatawag na dreadlocks. Malaki ang pangangatawan niyon na parang bouncer sa club. Dito napokus ang tingin niya dahil bigla siyang  nakaramdam ng takot dito. Halos kasinlaki nito ang mga lalaking umatake sa kanya at tadtad ng tattoo ang magkabilang braso na nakalabas sa suot nitong muscle tee. Lalong nadepina ng damit ang laki ng mga braso na bato-bato yata sa tingin niya.

The man fought like a wrestler. Inihaharibas nito ang naglalakihang mga braso at ibinabalibag sa lupa ang kalaban. Samantalang iyong isa ay smooth at suwabe ang galaw. Mukhang maalam sa martial arts.

Nang makita niyang nakabagsak na sa lupa ang tatlong lalaki ay sinubukan niyang muling tumayo. Oo nga at nakaligtas siya sa tatlong manyakis na iyon, pero ano ang garantiya niya na mabuting tao ang dalawang lalaki na bumugbog sa mga ito? 

Tarantang hinagilap ni Meredith ang kanyang Taser at pepper spray. Naglakad na ang dalawang lalaki at walang anuman na iniwan ang mga walang malay na kalalakihan sa kinabagsakan ng mga iyon. Imboluntaryong napaurong ang mga paa niya. Ngunit para lang siyang hanging nilampasan ng lalaking nauuna. He looks younger than Mr. Muscle. And he's quite... handsome?

"Bilisan mo, Rocky."

"Papariyan na, YM."

Pero kahit sinabi iyon sa kasama ay tumigil sa tabi ni Meredith si Mr. Muscle. Na Rocky pala ang pangalan.

"Miss, delikado ang maglakad ng ganitong dis-oras ng gabi. Saan ba ang punta mo? Ihahatid ka na namin."

Alanganin ang naging pag-iling ni Meredith. Parang gusto niya na parang ayaw niya na sumabay sa mga ito. Kahit pa nga guwapo iyong lalaki na tinukoy nitong YM, hindi siya sigurado kung mabubuting tao ba ang mga ito.

"Bato!"

"Coming, YM."

Nakuyom ni Meredith ang dalawang kamay. Kung masasamang tao ang mga ito, sa laki ni Rocky ay duda siya kung mapapatumba niya ito basta ng Taser. At 'yong YM naman, sa bilis kumilos niyon ay baka ni hindi niya ito mahagip ng pepper spray.

"Sige, Miss. Mauuna na kami. Babayu."

Naiwan siyang parang naestatwa sa kinatatayuan. Malayo-layo na ang nalalakad ni Rocky nang tawagin niya ito.

"R-Rocky, sandali."

Tumigil naman agad ang lalaki na parang inaasahan na ang pagtawag niya.

"M-may kilala ka bang Mildred Lingasan?"

"Mildred Lingasan?"

"Um, kilala siya bilang Nanay Miling o Aling Miling."

"A, si Ka Miling ba? 'Yong may maliit na talipapa rito sa Purok 6."

"O-oo, siya nga."

"Malapit lang 'yon dito. Pero malamang sarado na ang tindahan no'n."

"Diretso lang ba?"

"Oo. Doon din ang daan namin, puwede ka ng sumabay."

Nag-alanganin na naman siya. Tila nabasa iyon ni Rocky sa mukha niya.

"Kung natatakot ka dahil sa nangyari sa'yo kanina, huwag kang mag-alala. Puwede kaming mauna sa'yong maglakad. Sumunod ka na lang."

At ganoon na nga ang kanyang ginawa.

"Siyanga pala ano ang pangalan mo?" tanong ni Rocky na bahagyang lumingon sa kanya. Nilakipan pa nito iyon ng ngiti na biglang ikinagaan ng loob niya sa lalaki.

He looks harmless when he smiles. While his companion looks snob. Tahimik at hindi nagsasalita.

"Meredith."

"Maganda. Bagay na bagay sa'yo, maganda ka at mestisa."

"Salamat."

"Ayos lang ba kung tatanungin kita kung ano ang ginagawa mo rito?"

"D-dumadalaw lang."

"Kamag-anakan mo si Ka Miling?"

"P-parang gano'n."

"Aah. Napakaalanganing oras naman ng pagbisita mo. Nakita mo nga 'yong muntikan ng mangyari sa'yo kanina. Buti na lang--"

"'Yan ang bahay ni Aling Miling," ani YM.

"Salamat sa tulong niyo," ani Meredith.

Ngunit parang walang narinig si YM na nagtuloy-tuloy na sa paglalakad. Si Rocky naman ay bahagya pang yumukod atsaka ngumiti. Iminuwestra pa nito ang kamay na nasa tapat nila.

"Tumawag ka na. Bukas pa ang ilaw sa loob kaya siguradong may gising pa."

"Salamat."

"Babayu, Ms. Maganda."

Sa kabila ng muntikan ng mangyari sa kanya ng gabing iyon ay nagawa pa ring makangiti ni Meredith.






The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuWhere stories live. Discover now