Pagdating sa sharp curve lane ay mabilis na nakaliko si Alvis. The other two behind him had a hard time taking a pivot. Then the boy with the super speed powers came second. The flying witch casted a spell to boost her speed. Her flying broom's speed doubled. It flew so fast that it overrun Alvis. Naglabas pa si Hannah ng mga butil mula sa kanyang magic pocket habang lumilipad. She's twenty meters ahead of Alvis and the boy. Everybody was gushing like rockets. Habang mabilis paring lumilipad ang flying witch ay inihipan nito ang nilabas na mga munting butil saka itinapon sa lupang dinadaanan nito. Mabilis na tumubo ang mga butil na yun at naging higanteng mga baging na animo'y may sariling buhay. The boy with the super speed was trapped and Alvi's wings were ensnared by those live vines. He struggled to escape but the hold was too strong and tight.

"Alvis!" Napasigaw si Lara.

"Oh damn!" Bulalas naman ni Silex.

"Lara!" Sinenyasan ko si Lara. Kailangan ni Alvis ng suporta.

Lara closed her eyes as if channelling her support effects to Alvis' location. It took a few seconds for her to connect the channel. Bago ko napansing mas naging malakas si Alvis. His wings shone bright like the mighty sun. Nasunog ang nakapulupot na baging dito. Nang makawala ito ay tila isang umaapoy na palasong lumipad at lumusot sa mga buhay na baging. Bawat kumpol ng baging na lagpasan nito ay nawawasak at natutunaw. He appeared like a flaming arrow on screen dahilan para mamangha ang mga nanonood. Nang nasa likuran na siya ng flying witch ay sinubukan pa siya nitong tapunan ng mga bagong butil na tumubong mga higanteng pader na gawa sa metal. Alvis flew straight furious na parang isang palasong lumusot sa pader at gumawa ng isang natutunaw na butas. He was a skyrocket as he continues to fly triple times faster than his speed.

Everybody was in wonderment. Sa bilis ng pangyayari ay halos nakaya ko pang pigilin ang aking paghinga bago makarating si Alvis sa finish line.

Hiyawan ang mga nanonood when Alvis came first... followed by the boy with a super speed power then the witch came third. Hindi umabot sa finish line and dalawa pang kalahok dahil hindi na nakawala ang mga ito sa mga buhay na baging.

Sa wakas may five points na kami. At sisiguraduhin kong kukunin ko ang another five points sa next round. Hindi ako pwedeng mabigo lalo na't nanonood si Silex.

Stage three!

Narinig ko pang sabi ng boses mula sa kalangitan. Biglang gumalaw uli ang lupang kinatatayuan namin. Nakapaikot kaming limang koponan sa gitna ng oval. Limang minuto pagkatapos nun ay biglang lumiwanag ang gitnang bahagi ng oval at lumabas ang isang napakalaking libro. Nasa dalawampung metro ang haba at sampung metro naman ang lapad nito. May isang metro ang kapal ng higanteng libro ni Moondane. Bigla akong pinangunahan ng kaba. Anong meron sa librong ito at bakit parang kinakabahan ako?

"Keepers, to the giant book now!" Dinig kong utos ng boses bilang hudyat ng pagsisimula ng ikatlong stage.

Agad akong tumalima. My knees were a bit shaky. Bumukas ang higanteng libro with a luminous light on the surface as it releases golden dusts. Tumuntong kaming limang kalahok sa higanteng libro. I saw four other initiates of monceros. Pawang mga matatalino ang kalaban ko dahil mga taga monceros ang mga ito at mga initiates. Ibig sabihin, mas advance ang training nila ng dalawang taon kaysa saakin na isang novice. Bigla akong nanliit. Mukhang dehado ang five points namin.

Magsisimula ang paligsahan sa stage 3 ng series of questions na galing lahat sa kasaysayan ng Cairos. May tatlong level ito: easy, difficult at clincher. Bawat level at may 10 points na dapat masagutan at bawat level din ay may matatanggal na kalahok. Ang kalahok na may pinakamababang score ang matatanggal automatically.

Sa easy questions ay sasagot ang limang kalahok sa multiple choice type of questions kung saan paunahan ang limang kalahok sa pagkuha ng tamang sagot na nakaproject sa sentrong bahagi ng libro. The participants were evenly standing around the circle where the choices are projected. Isa iyong labanan ng utak at lakas kung tutuusin dahil bawat tanong ay may apat na choices lamang at ang mga choices na yun ay mga bagay o simbulong lulutang o magpapakita sa sentrong bahagi ng giant book na kailangang kunin sa oras na tapos na ang tanong.

Tulungan mo ako poku bag. Please, please hindi 'to kakayaning mag-isa ng magic wand ko. I whispered through my head. Nangangatog pa ang mga tuhod ko. Mas mahirap pa ito kaysa sa Musa de Cairos. May pisikalan kasi.

"You won't get another win this time Amber Frost." Sabi saakin ng isang kalahok na may pulang buhok. Tanda ko'y Daisy Carany ang pangalan nito.

"I'll make sure she'll get a zero. Aagawan ko siya ng choice hanggang sa mangulelat siya." Chenee Vila seconded. Tanda kong isa siyang light keeper kaya mabilis din siya.

Mukhang pagtutulungan ako ng mga bruhang 'to! Gosh! Mistress Fhaun, sinasakto mong manahimik ngayong ako ang dehado? I intentionally spoke through my head.

"Yes Miss Frost?" Dinig ko ang witchy voice niya sa aking ulo. "Those girls are hungry of winning. Isa kang threat sa kanila. Ngayon, ipakita mo sa kanila kung gaano ka kagaling at deserving maging threat. You have my bag, you have your ancestor's wand and you have Lara. And ooops, you have Silex. Now do it!"

"Wow ah. Nakatulong ka Misstress Fhaun. Hay!"

Stage 3 begins!

"Easy Question. Girls, anong bloodline ang unang nag-alaga sa pinakaunang yin-yang egg o hwy?" tanong ng boses mula sa kalangitan.

"A. Berven clan, B. Suil clan C. Camero clan D. Frost clan?"

Tinamaan ako sa unang tanong. Alam ko ang sagot. Naghinala ako kung bakit yun ang tinanong. Sinadya ba o nagkataon lang? Never akong nagkamali sa kutob ko. May mali sa larong 'to!

###

The Keepers [TKS#1]Where stories live. Discover now