Siniko ko ang likod ni Laurent. Hindi pa ako tapos na asarin ito. "Huy, tignan mo oh. Niyayakap na siya ni Alvis." pagsisinungaling ko. Sa oras na lumingon ito ay mapapatunayan kong malakas talaga ang tama nito kay Lara.

"Huh?" Patay malisyang humarap si Laurent.

Huli ka! Natawa na lang ako sa reaksyon ng lalaki. Confirmed. May gusto nga talaga ito kay Lara. "Kunyari ka pa amang Laurent. Sorry for the white lies, testing lang."

"Andami mong alam. Ano bang meron kay Lara at sa Alvis na yan?" Tonong nagseselos si Laurent.

"Selos? Nagliligawan natural!" Diretso kong sagot. Nagulat ang lalaki sa sinabi ko.

"Amber, huwag mo ngang niloloko si Laurent. Baka magwala yan." Suporta naman sa pang-aasar si Silex na natatawa din.

"Stage two!" Naputol ang aming asaran. Mukhang nasa starting line na si Alvis. Nakahanda na ang limang kalahok sa isang mabilisang race.

"Go Alvis!" Lara shouted.

Nilingon ko si Laurent na pinanlakihan ako ng mata. Agad akong bumawi ng tingin saka lihim na humagikgik.

"Tingin mo mananalo si Alvis?" Biglang tanong saakin ni Silex na nasa kaliwa ko.

Hindi ko sinagot ang tanong nito. Bagkus ay tinanong ko ito ng "Tingin mo nagseselos na yang si amang Laurent?" sabay tawa uli.

"Matagal na. Torpe kasi." Sagot nito.

Wow ha? Coming from you? Hiyang-hiya naman ako sayo. Hindi na ako nagsalita pa. Naisip ko kasing parang manhid talaga si Silex sa pagkakaroon ko ng iteres sa kanya. Hindi ba't torpe din siya? Sus!

"Why do you worry too much?" I heard Laurent asked Lara nang makabalik ito sa kinaroroonan namin.

"Hah? I'm not worried. I'm just giving him the moral support he needed"

Lara answered. Sabay pasa si ruru saakin without saying a word. May cold war ang dalawa. Cold love quarrel. Hihihi.

"Save your energy. You'll be needing that later." Laurent suggested.

Hindi ko na narinig pa si Lara na nasa kanan ko lang.

"Nagseselos yata yang boypren mo." Bulong ko kay Lara na biglang kumunot ang mukha sa narinig.

"Selos? Bakit? Hindi naman kami." Pabulong nitong sagot. "Tsaka wala pa ako sa estadong ganyan. After all what have happened to Cael." Biglang lumungkot na naman ang mukha nito. Sa tuwing maiisip ang kapatid ay lumulungkot ito bigla.

"Mababawi din natin si Cael okay? Sa takdang panahon." Then I gave her a comforting hug. Nakatingin naman saamin si Laurent. Sinenyasan ko itong nalulungkot si Lara through my talented facial expression.

The race starts in three, two... one!

Buzzz!

Isang napakalakas na sirena ang naghudyat ng pagsisimula ng race. May giant magic projector ang lumabas sa kabilang dulo ng open field kung saan lahat ay pwedeng manood kung anong nangyayari sa mga kalahok. May mga nagkalat na lumilipad na camera na kinukunan ang bawat pangyayari at direktang napapanood sa higanteng screen. Amazing. Kapag ang council of magic na talaga ang gumawa ng paraan, walang imposible. Lihim akong napapalakpak.

Alvis was indeed the fastest among the five contenders. Hindi parin nawawala ang pagkamangha ko sa napakaputi nitong pakpak na ngayo'y parang korteng kometa habang walang kahirap-hirap na tinatahak nito ang trail paikot ng kapitol. Nasa likod naman nito ang isa pang wing bearer na si William at ang shapeshifter na nasa anyong cheetah. Pang-apat sa karera ang flying witch na si Hannah Heonni at panghuli ang batang lalaki na may super speed.

The Keepers [TKS#1]Where stories live. Discover now