Epilouge.

2.4K 60 20
                                    

FOREVER YOURS.

Third Person's Point of View

"Woah, woah. Saan kayo pupunta?" Angelo teasingly asked the couple who we're about to go out and enjoy the snow outside. "Iwan niyo na muna si Nathan sa amin." his brows went up and down. Tinaasan siya ng kilay ni Dwayne.

"Gusto niyang ma-enjoy ang snow sa labas. Baka umayaw siyang pumunta sa inyo. At saka kayo ba? Hindi kayo lalabas? Babalik na tayo bukas, baka mamiss ni Jam dito. Mahilig pa naman siya sa malamig at snow." Haylee uttered.

Angelo silently closed the door and smirked. "Tama, mahilig nga siya sa malamig pero mas gusto niya ang mainit. Tulog pa siya, inenjoy ang lamig pagkatapos ng kaninang init." may kakaibang meaning ang mga sinabi niya, leaving Haylee confused.

"Ha? Paanong mas magugustuhan niya ang mainit? Naku, ayaw na ayaw niyan sa mainit. Pa'no mo nasabi?" inosenteng tanong ni Haylee na tila walang kaide-ideya sa sinasabi ni Angelo. Tumikhim si Dwayne at sinamaan ng tingin ang kaibigan dahil sa mukha niya ay mukhang alam niya ang sinasabi ni Angelo.

"You're not married yet, not even in a relationship, how come? Tsk, I almost forgot, it's Angelo Rhenz Luague of course. You already surpassed me, huh?" tumawa ang lalaki sa sinabi niya.

"Ang bagal mo kasi. Sige na nga, mukhang nababadtrip na itong si pareng Dwayne, enjoy kayo ah!" itinaas niya ang kamay at winagayway bago buksan ulit ang pintuan ng kwarto nila.

Napailing na lamang si Dwayne at hinila ang kamay ng kaniyang asawa kasama ang kanilang anak na si Nathan. Nakasuot sila ng magkakaparehong klase ng jacket na sinadyang bilhin ni Haylee nang nasa Pilipinas muna sila. Nakatatak sa damit ng babae ang mga letrang mababasa bilang Mommy at Daddy naman sa kaniyang asawa samantalang baby naman ang nakatatak sa bata. Talagang mahahalatang isa silang pamilya dahil sa mga suot nila.

It's their last day in US at itong araw din ang buong araw na pwede nilang i-enjoy ang malamig na panahon nang walang iniisip na problema. Sa katunayan ay napag-usapan nila ang kasal kahapon matapos kompetisyon. Napag-usapan nila kung saang lugar gaganapin at kung sinong mga tao ang iimbetaduhin at kung kailan. Dwayne once suggested that they can do the wedding here in US but Haylee disagreed, saying that they can be married simply on Philippines.

"Mommy, look! It's a man-bear!" itinuro ni Nathan ang isang taong nakasuot ng mascott at may kasama itong cameraman. Mukhang libre ang magpapicture kasama ang taong oso.

"You want to go to him, anak?" pagyuko ni Haylee sa anak. Natutuwang tumango ang bata kaya napangiti siya bago samahan itong lumapit doon. "Uhm, hi?" kumaway siya upang pukawin ang atensyon ng dalawa.

"Oh! Hello there. Want to take a picture ma'am.. sir?" sumunod pala si Dwayne at agad na niyakap sa beywang ang asawa kaya't napaiwas ng tingin ang cameraman, tila nagulat dahil sa pag-aakalang single ang babaeng kinakausap.

"Yey! Mommy, daddy, let's take a picture with him po! The bear is cute!" the kid pointed on the man-bear who waved at him.

"Sige ba. Uhm—" natigilan siya nang makita ang nanlalaking mata ng cameraman.

"Pilipino din po kayo? Wow, kung gusto niyo pong magpa-picture, libre lang po! Unti lang po ang nakikilala naming mga kapwa Pilipino dito kaya nakakatuwang meron kayo." tuwang-tuwa ito. "Pumwesto na po kayo roon. Kung gusto niyo po ay kuhanan ko na rin po kayong tatlo." nag-alangan agad itong hawakan si Haylee dahil sa titig na ipinukol sa kaniya ni Dwayne.

"A-Ah, sige, salamat!" wika na lamang ni Haylee at pinanood ang anak na nakayakap sa taong oso. Sunod ay itinulak sila ng anak papunta sa picture area dahil silang tatlo naman ang kukuhanan ng litrato. "A-Ano Nathan, 'wag na." angal pa niya.

WIFE AND MOMMY FOR HIRE Where stories live. Discover now