Chapter 03.-Marry me.

2.8K 95 2
                                    

Haylee's Point of View

"Ate? aalis ka na po?" lumingon ako at ngumiti kay Kate.

"Oo, e. May pangalawang appointment kasi ako ngayon bunso. Andiyan naman si ate Lily para bantayan at alagaan ka, alis muna ako. Pahinga ka lang diyan." tumango siya ng tipid. Kay Lily napunta ang mata ko kaya agad niya akong tinanguan.


Nakatanggap ako ng tawag sa secretary ni sir Chen at sinabing hired na daw ako. Pag uusapan na lang ngayon ang posisyon at tungkulin ko sa kompanya. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kahapon, inaamin ko namang na-kyutan ako kay Edrian pero nakakagulat ang ginawa niya. Tinawag niya akong mommy at kita ko sa mga mata niya kahapon na desperada siyang makasama ako. Hindi ko nga lang alam kung bakit parang nasaktan ako.

Sumakay agad ako sa pampublikong sasakyan at nakarating sa kumpanya sa loob ng kalahating oras, oo, ganu'n kalayo. Ang creepy pa ng driver ng taxi, parang lalamunin ako, todo bantay tuloy ako sa daan, nag text pa ako kay Lily.

[Lily, kapag may nangyaring masama sa akin, ito ang impormasyon ng huling oras ko. Nakasakay ako sa isnag taxi na may plate number na ******, ang creepy ni manong driver. Ipagdasal niyo na lang na maging ligtas ako, huhu.]

Todo dasal ako bago makababa, akala ko nga, killer, e. Jusme.

"Miss Biñanas, we're happy to see you here. We'll head to the conference room this time, shall we?" tumango ako sa sekretarya. Sinalubong niya ako sa entrance para i-lead ako sa daan. Nakakapagtaka lang dahil sa conference room ako pinapapunta, e kahapon lang ay sinabing dapat sa office daw ng CEO dumiretso.

Malapit na kami sa elevator nang magbukas iyon, lumabas ang matangkad at gwapong lalaki pero mas gwapo pa din iyong CEO—teka, ano ba itong iniisip ko?!

Kasama niya si Edrian pero hindi niya ito hawak. Nasa likod nila ang isang lalaking may salamin at sa pagkakaalam ko, ito ang nagtuturo sa bata kahapon.

"Mommy!" nanakbo ito papalapit sa akin kasabay nang paglingon lahat ng empleyadong nasa malapit.

"U-Uh, good morning, Edrian." kumaway ako habang nakayakap na siya sa binti ko. Ang awkward, takang nakatitig ang lahat sa akin! Hindi ako sanay sa ganito at ngayon lang ako natapunan ng ganitong atensyon.

"Oh, so you are miss Biñanas? Aren't you?" tanong ng gwapong lalaki pagkalapit niya. Alanganin akong tumango. "It's not that surprising, you have a beauty just like her." kumunot ang noo ko pero tumawa lang siya. Anong ibig niyang sabihin? Baliw ba 'to?

"A-Ah, yes sir. I'm sorry for my mistake, but what will we do, sir?" dumako ang paningin ko sa sekretarya habang may kausap ito sa telepono, malamang ay si Mr. Chen na iyon. Mukha siyang kinakabahan, e.

Matapos maibaba ang phone ay alanganin siyang tumingin sa akin. "Uhm, I'm sorry for this miss Biñanas but we have no choice, you have to be with the kid while we're on the way there." sinulyapan kong muli ang bata at natutuwang binuhat siya.

"Okay! Matutuwa pa ako, hehe."

Dwayne's Point of View


This thing keep on flashing on my mind. I'm confused if I would do what Angelo told me yesterday.

"What? Seriously? First, you saw her holding your son few days ago, and now, Edrian called her mommy and even ran towards her? This is less from what I expected. But, she's applying here, right?" I shortly nodded.

"I think she can be a better shareholder because of her profession and background but my son will sure distract her from job. He already distracted her on her interview and burst out crying hard because of being apart with her. Do you think, this is a big matter?" he scoffed and smirked.

WIFE AND MOMMY FOR HIRE Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt