Chapter 25.-Fiesta.

1.7K 62 1
                                    

Haylee's Point of View


"Mommy, I want buko juice!" hinila ng anak ko ang hintuturo ko habang may itinuturo, isang tindero ng buko juice. Awtomatikong kumurba ang labi ko at sinabayan siyang lumapit doon.

"Hello po manong," kumaway ako sa matanda. "Pabili po ako, dalawa."

"Oh, tamang tama iha. Sariwa pa ito at maraming kayod. Lima lang isang cup,"

"Make it five." nasa tabi ko na ang tatlo, naalala ko nga pa lang kasama din sila. "I'll pay a hundred." Nagtaka kaagad ang manong, marahil ay hindi niya naintindihan.

"Limang cup na po manong." natutuwa siyang naglagay ng juice sa may mga kalakihang cup at isa-isang ibinigay.

"Here, keep the change p-po," napatingin kaagad ako kay Dwayne, nag 'po' siya? Woah, nakakapanibago naman. Hindi lang pala si Nathaniel ang nagsasanay, e, pati din pala iyung tatay.

"Ay naku, ang laki naman ng sukli, sa inyo na." ibabalik pa sana nito ang isang daan pero ako na mismo ang nagbalik sa kaniya, hindi naman niya maiintindihan kapag si Dwayne ang umangal.

"Bonus niyo po iyan, masarap din po itong juice niyo. Happy piyesta po!" wala na itong nagawa kun'di tumango at magpasalamat. Hawak-hawak ko ang kanang kamay ni Nathan samantalang nakaalalay ang kamay ni Dwayne sa likod niya, hindi kasi nito mahawakan ang kamay ng bata kasi may hawak itong cup ng juice. Sa kabila ay kasama naman ni Lily si Kate.

"Ate, gusto ko sa slide!" napukaw ng mata ko si Kate nang ituro nito ang medyo may kataasang slide. Madaming rides at may playground din, naubos na namin ang juice at nanonood na lang muna, wala pang mapiling rides si Nathan.

"Sige, Nathan, gusto mo din ba?" inaya ni Lily si Nathan pero hindi maipinta ang mukha ng bata habang nakatingin doon. Napayakap ito sa hita ng ama.

"I don't think so, tita. I'm scared, I don't want to fall again." nagkatinginan kami ni Dwayne. "Daddy, I want to ride the arch instead!" nagsalubong ang mga kilay ko kay Dwayne pero nagkibit balikat lang siya. Fall again? Baka nu'ng na kay Maica pa siya, I shouldn't overthink.

Nagpaiwan ang dalawa sa playground, ayaw din naman ni Lily sa rides kaya babantayan na lang daw nito si Kate. Hinihila ni Nathan ang ama patungo sa arko, more like swing, goes forward to backward then forward and backward again.

"A-Ayokong sumakay, kayo na lang. Hintayin ko na lang kayo dito," I gulped many times. This is the ride I hate the most, nakasakay na ako dito noon at muntik pa akong masuka.. nakakahilo dahil sa lakas ng pag-sway. "Hehe, good luck."

Nagtatakang tinignan ako ng asawa ko. "No, I should be the one who'll stay here, you two go." ikinaway ko pareho ang dalawa kong kamay. "Why?"

"A-Ah, w-wala lang, sige na, kayo na ang pumunta."  hindi siya sumunod, naalala kong nasa pila pa pala kami kaya naiinip na ang ibang gustong sumakay.

"Ano ba 'yan, ang tagal, pwede na po kayong umalis sa pila kung 'di kayo sasakay." nabaling kami pareho sa babaeng nasa likod ko lang.

"S-Sen-"

"We're sorry, my wife maybe's scared a little, we're just dealing with it."

Nabasa niya na agad ako? How come? Mukha namang natameme ang dalaga dahil sa paraan ng pagtitig niya kay Dwayne matapos nitong magsalita. "A-Ah, okay sige, t-take your time," nautal pa!

Ang kaninang takot ko ay napalitan ng inis. Sa inis ko ay ako na mismo ang nagbayad ng tatlong ticket. Saka ko lang napansing halos lahat ng dalaga ay nakatingin na sa kaniya. Bago sumakay sa arko ay taas-kilay kong pinagmasdan mula taas hanggang baba ang kabuuan niya. Nagtanong kaagad ang mga mata niya. "What?"

WIFE AND MOMMY FOR HIRE Where stories live. Discover now