Chapter 18.-Meet again.

1.9K 71 15
                                    

Jamaica's (Jam/Maica) Point of View

Parang nahiwalayan ng kaluluwa ang kambal ko sa sinabi ko.

"H-Ha?" namumuo na muli ang mga tubig sa mata niya. Alam kong mahirap tanggapin pero iyun ang totoo. "Nagbibiro ka ba? S-Sabihin mong nagbibiro ka lang, Jam." mapait akong umiling.

"G-Gusto mo na din ba siya?" natigil siya at yumuko. Kahit hindi niya sabihin, alam kong oo ang sagot. "Hindi ako nagbibiro, Haylee. Siya ang ama ni Nathaniel at ang nakabuntis sa'yo. Hindi niya sinasadya ang nangyari, kasalanan ko. Kung inuumpisahan mo nang kamuhian siya, 'wag. Wala siyang kaalam-alam."

"J-Jam, h-hindi ko alam ang nararamdaman ko. J-Jam," hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.

"Nu'ng araw na pinadala ko siya dito, alam kong kukunin siya ni Dwayne." umangat sa akin ang nagtatanong niyang mga mata. "Alam niyang anak niya si Nathaniel pero ang hindi niya alam, hindi ako ang nabuntis niya. Napanood ko lahat ng nangyayari sa inyo.." tumigil ako saglit saka yumuko. "May mata ako sa mansyon. Matagal ko nang pinapanood doon si Nathaniel at tama ako, mabuti siyang ama."

"Pero bakit sinabi niyang ampon niya lang ang anak namin?"

Huminga ako ng malalim. "Dahil kay Angelo." tumingala ako ng unti. "Siya ang lalaking minahal ko, pero dahil kaibigan siya ni Angelo, ayaw niyang ipaalam na anak namin si Nathaniel. Inako kong anak ko si Nathaniel kaya napaniwala si Dwayne. Ang alam ng asawa ko ay inampon ko ang bata dahil baog siya at ako lang ang nakakaalam ng buong katotohanan."

"S-Si Angelo?" hindi ko siya tinignan pero alam kong gulat siya.

"O-oo." tumalikod na ulit ako para harapin ang labas ng bintana. "Tumawag ako para ibigay sa'yo lahat ng totoo. At ngayon ding araw ako magpapaliwanag kay Dwayne at Angelo."

"M-May tanong pa ako, Jam." muli ko siyang hinarap. "Paano ako nakilala ni Nathaniel? May kinalaman ka rin ba kung bakit ina na agad ang turing sa akin ng anak ko?" ngumiti ako.

"Inako ko ngang anak ko siya pero para sa ibang tao iyun. Hindi ko pinagkaitan ng karapatan si Nathaniel na malaman ang totoo niyang ina kahit masyado pa siyang bata. Lagi kitang ipinapakilala bilang ina niya. See our differences?" tinuro ko ang nunal ko sa gilid ng noo at sunod naman ang mata. "May nunal ako, ikaw wala. Kulay lupa ang mata mo samantalang purong itim ang sa akin. Lagi kong ipinapaalala na tita niya lang ako at ang litrato mo ang lagi kong pinapakita."

Tuluyan nang tumulo ang mga tubig galing sa mata niya. Ayokong nakikita siyang umiiyak pero tama lang 'to.

"Simula nang nakatapak siya sa mansion ni Dwayne, si Rayna na ang nagpapakilala sa kaniyang ikaw ang nanay niya."

"Si Rayna?!"

"Oo, katulong ni manong Gino noon sa pagbebenta ng buko juice. Nag-apply siyang yaya ng mga Chen para kay Nathaniel. At may isang bagay ka pang dapat malaman tungkol sa anak mo." pinunasan ko ang mga pisngi niya. "Sorry, patawarin mo ako, Haylee." namuno ang pagtataka sa kaniyang mga mata. "Hindi ko alam na may problema sa pag-iisip si Xach na siyang asawa ko. Saka ko lang nalamang napagbubuhatan niya ng kamay si Nathaniel nang makauwi ako isang araw sa bahay."

"A-Ano?"

"Nagka-trauma siya at alam kong naikwento na sa iyo ni Dwayne na mailap siya sa tao. Natakot siyang baka pagbuhatan ulit siya ng kamay ng ibang tao dahil batang bata pa siya nang saktan siya ni Xach. Nabaon sa alaala niya ang mga nangyari noon at sorry kung hindi ko agad nalaman."

Tumingala ako para hindi kumalas ang mga tubig galing sa mata ko. "At ang aksidenteng nangyari noon, dahil iyun sa alitan namin ni Xach. Nalaman niya ang totoong anak ni Dwayne si Nathaniel. Hindi ko alam kung paano pero umatake ang sakit niya sa pag-iisip habang nagmamaneho." 

WIFE AND MOMMY FOR HIRE Where stories live. Discover now