'Ganito ba ang feeling ng may kaibigan ka? Hindi ko kasi alam since ito ang unang beses na magkaroon ako ng kaibigan. Geez! Kawawa naman pala ako at ang lungkot ng kabataan ko."


"*Coughs* Thank you for your concerns but I'm really okay. Ahm... You see, I need to go now since my dad called me a while ago and he wants to talk to me about something." pagpapaalam ko sa kanila.


Actually, gusto ko lang talaga na makaiwas sa awkward na atmosphere na 'to. Hindi kasi ako sanay na may nag-aalala sa'kin dahil mula bata ako ay pinalaki na ako nila daddy na independent. Noong eighteen nga ako ay pinatira na ako ni daddy sa isa naming bahay na walang katulong para daw masanay akong mag-isa at hindi umasa sa iba.


'See? Kitang-kita mo talaga kung gaano ako kamahal ng parents ko.'


Sa sobrang pagmamahal nila ay nakalimutan nilang kailangan ko ring matutong makipag-usap sa iba kung ayaw kong mabuhay mag-isa. My gosh! Kung hindi lang ako magaling umarte at magsinungaling ay siguradong hindi ako makaka-survive sa mundong 'to. Aish!


Nang makarating kami sa first floor ay tsaka ako nagpaalam sa kanila. Balak pa nga sana nila akong ihatid kaya lang alam ko na kasama nila yung dalawa nilang kuya. ayoko nga na pati si Lawrence ay dumagdag pa sa problema ko. Ayon pa naman sa novel ay baliw din ang isang 'yon.


"Sigurado ka ba na hindi ka na sasabay sa'min, Heavenhell?" nag-aalalang tanong ni Lorraine.


"Yeah, I brought my car here so I'll drive." nakangiti kong sabi bago kumaway sa dalawa.


Nang makapagpaalam ay agad akong tumalikod at nagmadaling pumunta sa kotse ko habang hindi pa lumilitaw ang dalawa nilang kuya. Mahirap na at baka sumabak na naman ako sa giyera with Javier.


Sumakay ako sa kotse at nag-text kay Pira na magpaalam na kay Chiara dahil uuwi na kami. Balak ko sanang iwan si Pira kaya lang naisip ko na baka magtaka sa'kin ang mga katulong kapag hindi nila nakitang kasama ko siya sa pag-uwi. Lalo pa't sa panahon ngayon ay nakatutok ang atensyon sa'kin ni Lord Caventry dahil sa bulletproof vest na niregalo ko sa kaniya.


Napangisi na lang ako nang maisip ang maaaring reaksyon niya kapag sinabi ko sa kaniya ang planong naiisip tungkol doon, lalo pa't hihingi ako five percent ng profit ratio na paghahatian ng dalawang pamilyang involve sa plano ko.


Like duh? Alam ko kung anong magiging impact ng bulletproof vest sa business world at maging sa iba't-bang sektor ng Atlante, kaya hindi naman tama na hayaan ko lang sila na makinabang sa produkto na ako ang nasabi sa kanila.


Isa pa 't kailangan ko rin ng pera dahil marami pa akong nakapila na plano na kailangan ko nang masimulan sa lalong madaling panahon. Hindi ko kasi alam kung posibleng magkaroon ng malaking pagbabago ang takbo ng istorya ganoong marami akong binago magmula nang dumating ako sa mundo nila.


Kaya nararapat lamang na hindi ako magpakampante, lalo na't hindi ko alam kung anong saktong date ang pagdating ng female lead sa eksena. Basta ang alam ko lang ay ilang buwan mula ngayon ay lilitaw na lang siya bigla na siyang hudyat na simula na ng nobela.


"Milady, bakit uuwi na tayo agad? May nangyari ba?"


Napalingon ako sa kabute-este kay Pira nang bigla na lang siyang lumitaw sa may bintana habang nakasilip sa'kin.


"Dad called, we need to go home." sabi ko na lang at sumakay sa passenger seat. Napatango si Pira at dumiretso na sa driver's seat dahil siya ang magmamaneho ng kotse ko.


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon