Paano niya kaya nalaman na dumudugo 'to ganitong sobrang dilim sa third floor at kulay itim ang panyo. Like duh? Gaano ba kalinaw ang mata niya at pati 'to nakita niya pa? Is this part of their training, huh?


"It's just a small scratch, by the way, I need to go." sabi ko na lang at akmang aalis na nang bigla akong harangan ni Lorraine. Aish! Balak ko pa namang tumakas sa interrogation session kuno nila para naman makaiwas sa sakit ng ulo.


"Hea--Heavenhell, this is for you." nahihiyang sabi ni Lorraine habang nakayuko. Inabot niya sa'kin ang paperbag na sa tingin ko ay binili niya sa store.


"Sorry, but who are you?" nagtataka kong kunwaring tanong. Hindi kasi siya naka-disguise ngayon kaya hindi ko pwedeng tawagin siyang Lorraine dahil magtataka sila kung paano ko nalaman kung sino siya.


"It--it's me, Lorraine and this is my real self. I want to say sorry for deceiving you, Heavenhell but I really want to be your friend." malungkot na sabi niya na kinaiwas ko na lang ng tingin. Masiyado kasi siyang mukhang anghel at sa itsura niya ngayon ay parang ako pa ang nang-aapi sa kaniya.


"I see, so you're Lorraine. Don't worry, I understand you since we all have secrets that we want to keep." nakangiti kong sabi na kinangiti niya na rin. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko atsaka excited na nagsalita.


"So, we're friends now right?"


"Hmm..." Tinanguan ko na lang siya at baka umiyak na naman siya edi kasalanan ko pa. Geez!


"Hey, Janice say something!"


Napalingon ako kay Janice nang marinig ang sinabi ni Lorraine at doon nakita siyang naka-crossed arms habang nasa malayo ang tingin.


"I'm sorry about what I've said to you last time. I hope we can also be friends." seryoso nitong sabi atsaka lumingon na sa gawi ko.


"It's okay. Alam ko naman na concern ka lang kay Lorraine at naiintindihan ko 'yon."


"Yey! I'm glad that we're all friends now!" masaya na sabi ni Lorraine bago sabay kaming hinila papunta sa elevator. Mukhang magkahiwalay kaming uuwi ni Pira ngayon dahil kailangan ko munang takasan ang dalawang 'to.


Hindi kasi bagay ang kabaitan nila sa kasamaan ko kaya kapag nalalapit ako sa kanila ay feeling ko ay makasalanan ako. Geez! Kung pwede ko nga lang silang tanggihan ay ginawa ko na, kaya lang baka naman makarating 'to kay Lawrence at Javier tapos isipin pa nila na binubully ko ang mga kapatid nila.


"Heavenhell, paano ka nga pala nakapunta sa third floor? Hindi ba't bawal ang mga customers dito?" nagtatakang tanong ni Lorraine.


"Naglilibot-libot lang ako at balak mamili ng bagong damit, kaya lang hindi ko namalayan na ang napindot ko pala sa elevator ay ang third floor imbes na second floor." kalmado kong pagpapaliwanag.


Mukha namang naniniwala ang dalawa sa pagpapalusot ko dahil nakita ko silang tumango. Aish! Ang bilis naman nilang mauto dahil hindi na sila nagtanong ulit.


"Pasensya talaga sa nangyari kanina, Heavenhell. Ganoon lang talaga ang kuya ni Janice kahit ako ay natatakot ehh. By the way, sigurado ka ba na hindi masakit ang leeg mo?" nag-aalalang tanong niya habang nakatingin pa rin sa'kin.


"Huwag kang mag-alala dahil hindi naman talaga masakit. Sigurado ako na mawawala din 'to sa susunod na araw."


"I'm glad that you're okay." seryosong singit ni Janice. Nagulat ako sa pag-aalalang pinapakita nila sa'kin na para namang matagal na kaming magkakakilala.


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon