Roaring Thunders

2 1 0
                                    

Late...

Is it too late to reminisce the things before?

I feel the cold wind. The cold raindrops of water through my skin. The illuminating light of the lamp post. The black umbrella and me trying to call you but it keeps on declining.

How the hell did we end up here?

-----

Madalang magpakita ang buwan dahil sa sunod sunod na ulan.


Basang sapatos, damit, at buhok. Kelan ba to matatapos?

Sa tuwing umuulan sumasabay ang mga emosyong hindi naman dapat madama. Hindi naman dapat damhin.

Madalang din naman magpakita ang araw. Dahilan kung bakit di pa natutuyo ang mga damit. Tulad nalang ng mga luha na sinasabayan pa ng pawis dahil sa pagkapagod sa sakit ng damdamin.

Bakit hindi manlang ako naging handa sa mga ito?

Umuulan ng emosyon ngunit hindi ko alam kung dama mo din ba yon.

"Ewan"

Hindi sigurado ang mga kataga ngunit pilit pa ring umasa.

Bakit hindi mo nalang dineretsa na may kinikita kang iba para hindi nalang ako umasa at mabilis ko nalang nabura ang mga ala- ala.

Masakit ako magsalita.

Inako ko, inamin ko at pinagsisihan ko lahat ng iyon pero di mo dama.

Dalawang linggong lumipas nababalitaan ang mga bagay na hindi naman dapat.

Hinayaan, tinawanan at sinabing 'hindi ko na yan babalikan'

Bakit ang ulan lagi akong dinadamayan?

Kulog at kidlat na hindi inaasahan ang nagpailaw sa kalangitan. Isang senyales na kailangan ko nang tumahan. Dahil mismong langit na ang nagagalit sa sarili kong karupukan.

Memior of the lost Love (anonymous dedication)Where stories live. Discover now