Andaming nag papa-picture sa kanya at siya naman eh aliw na aliw sa mga babae. Playboy talaga kahit kailan. Ayon nilulubos na pinagkakaguluhan siya ng mga babae.

"Tulungan ba natin si Sir?" ani ni Manong.

"Mukhang aliw na aliw si Sir. Hayaan nalang muna natin, hindi naman siya nasaktan." mas double na ang mga babaeng lumapit sakanya kaya na alarma na kami dahil dinudumog na talaga siya. Ayon hinawi ko isa-isa ang mga babae para makalapit sakanya.

"Sorry, Sir. We have to pull you out." Hinawakan ko agad siya sa pulsohan at hinila sa nag kukumpulang mga babae. "Pasensya na po, Ma'am. Pasensya na po." sabi ko sa bawat nadaraanan naming babae na gusto makipag picture sakanya pero mukhang naiipit na kasi si Sir, Vinny. "Pasensya na po talaga." inaantay kami ni Manong habang nakahawak siya sa nakabukas ba pintuan ng sasakyan. Pinapasok ko agad si Sir, Vinny.

"Ano ba yan?! Minsan na nga lang makita si Vinny eh! Kainis! Asungot!" halos murahin na ako nung isang babae nung sinara ko ang pintuan ng sasakyan. Humarap agad ako sakanya at tinitigan siya sa mata. Nakita kung para siyang kinabahan.

"With all due respect, Ma'am. We just want to secure Sir, Vinny's safety. Sorry." hindi ko ugali pumatol sa ganyang ugali. Baka ma animal abuse pa ako. Pumasok na agad ako sa front seat para makaalis na kami dahil nahaharangan na ng mga fans ni Vinny yung daanan ng parking lot. "Alis na tayo, Manong." pinaandar na agad ni Manong ang sasakyan.

"Ano sinabi nung babae?" tanong ni Sir, Vinny.

"Ah wala, Sir." okay nalang na wala siyang alam.

Dumeritso agad kami sa bahay nila dahil mag hahapon na at baka ma late si Sir, Vinny sa event nang pinsan niya. Pagkarating namin sa bahay, nakita namin si Atty. Liza na sumalubong saamin.

"Good afternoon, Ma'am." sabayan pa naming bati ni Manong kai Ma'am Liza.

"Good afternoon too." sagot niya.

"Is there any problem, Mom?" bungad ni Sir, Vinny nung makababa siya sa sasakyan.

"I can't come with you sa party ni Borgy. I have emergency meeting. Is it okay if ikaw nalang pumunta??" yun nalang narinig ko na sabi ni Atty. Liza kasi dumeritso na kaming kusina para ilagay yung mga bitbit naming mga pagkain.

After mag bihis ni Sir, Vinny ay umalis narin kami ulit. Kaming dalawa nalang ang mag kasama dahil may kailangang gawin si Manong.

"Sir, ako dapat yung mag dra-drive eh." ako ang nahiya nung siya ang nag drive ng sasakyan.

"I insist. Also, hindi mo pa familiar ang Manila so baka mawala lang tayo." Tama siya. Di ko nga pala pamilyar ang Manila kaya walang punto kung ako ang mag drive. Nag taka ako kung bakit nag punta kaming mall. Teka, dito ba ang event nang pinsan ni Sir, Vinny??

"We have to buy you a dress for this event." sabi niya at tinaggal na ang seat belt niya nung naka parking na kami.

"Po?? Teka, ba't kailangan kung mag palit??"

"I can't let my friends see you wearing PSG uniform. They would freak out."

"Eh PSG naman talaga ako ah."

"Tsk! Wag na matigas ang ulo. You have to look formal." Juskopo. Ayaw kung mag sout ng damit. Parang nag tatalo ang katawan at isip ko kung lalabas ba ako ng sasakyan or hindi. "Come on! Ma la-late tayo." wala akong ibang choice kundi lumabas ng sasakyan at sundan si Sir, Vinny papasok sa mall. Dumeritso kami sa isang boutique na halatang mamahalin.

"Good afternoon, Sir. How may I help you?" lapit agad nung assistant sakanya. Naka masid lang ako kasi kabado ako sa part na mag susuot ako ng damit.

"Here. Try this. And this. This." sabi niya at binigay yung tatlong damit sakin. Hoy!!

"Teka lang, Sir." angal ko agad.

"No buts. Just try those dress para matapos na ito. Please assist her to the fitting room." iniwan akong nakatulala ni Sir, Vinny at umupo siya sa lounge area at inantay akong makapasok sa fitting room.

Iginiya ako ng assistant sa fitting room at pag kapasok ko ay hesitant pa akong mag try ng damit. Teka lang naman! Ito yata nag papakaba sakin eh. Pikit mata akong nag sukat ng isang damit dahil parang uncomfy ako sa subrang sexy, kita cleavage ko. Dahan-dahan akong lumabas at pinakita ang itsura ko kai Vinny.

"Too sexy. Next." Haist! Ito ba ganti niya sa pagiging meanie ko sakanya? Kainis! Kainis talaga! Pumasok agad ako sa room at nag palit na naman. White off shoulder dress mataas masyado ang slit sa hita. Lumabas na naman ako para ipakita yun. "Ang boring tignan. Next." Putcha! Kainis! Last nato. Pag ito hindi pa okay, uuwi na talaga ako. Sinout ko kaagad yung red satin dress na saktong hapit sa katawan ko at backless pa. Medyo nagandahan ako sa itsura ko nung isout ko ito. Pero mag de-dependi parin yun kai Sir, Vinny. Lumabas na ako para makita niya yung itsura ko. Nakita kung nag iba agad yung reaction niya nung makalabas ako sa fitting room. Bahagya niyang niluwagan ang neck tie niya nung makita ang itsura ko. "Wow. Okay, yan yung sosoutin mo." halos na papalunok na siya habang sinasabi niya iyon. Tumalikod siya agad at ibinigay yung black card niya sa assistant.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now