Nakasunod ang tingin niya sa akin. Malikot ang mga mata ng babae. "Ate, alam ba ni Architect na aalis ka—"


"Nanette, nag-usap na tayo, di ba?" naiiritang paalala ko sa kanya.


Paglabas ko ng gate ay sakto na kararating lang ni Charles. Bumaba siya para pagbuksan ako ng pinto ng kotse.


"Akala ko hindi maghahanda ang tita mo?" tanong ko sa kanya nang magkatabi na kami sa loob.


"Walang party, nagluto lang siya."


"Ah, nandoon sina Charlotte?"


"Hindi sila pinapunta ni Tita."


Napalingon ako sa kanya. "E sino lang ang bisita?"


"Ikaw lang."


Napanganga ako.


"Kinukulit niya ako na gusto ka raw niyang makilala. I'm sorry, hindi ko siya matanggihan." Sumulyap siya sa akin sa rearview mirror. "If you're not comfortable, pwede pa namang hindi tayo tumuloy."


"Ngayon mo pa naisip 'yan?" Inirapan ko siya. "Sige na, tumuloy na tayo. Sayang din iyong hinanda ng tita mo, baka mapanis lang."


Ngumiti siya kahit sa daan nakatutok ang paningin. "Thanks. Anyway, I'm going to Manila first thing tomorrow. Start na ako sa bangko 'tapos maghahanda na rin for the board."


"Ah..."


"I won't be seeing you for the whole month that's why I want to see you tonight. But no matter how much I see you, it's still not enough."


"Ah..." ulit ko sabay kalikot ng glove compartment niya. Pati walang kakwenta-kwentang bagay doon ay pinakialam ko para lang may pagka-busy-han.


Naiiling na lang naman si Charles habang nagmamaneho.


Sa isang exclusive subdivision sa Dasma pumasok. Magaganda ang bahay sa loob, tahimik ang bawat street, mukhang sosyal ang mga nakatira. Yayamanin nga pala iyong tita ni Charles. Ayon pa kay Charlotte, masungit at matapobre daw ito. Chismis lang naman iyon pero ewan ko kung truth.


Huminto kami sa isang itim na gate. Maganda iyong bahay, siguro nasa apat hanggang lima ang kwarto. Maliit lang ang lawn, may mga halaman, at meron ding kulungan ng dalawang itim na Doberman.


"Charles, makakalabas pa ba ako ng buhay dito?"


Ngumiti siya. "Ako muna sakmalin nila bago ko sila hayaang makarating sa 'yo."


Isa sa dalawang kawaksi sa bahay ang nagbukas sa amin ng main door. "Naghihintay na po si Ma'am Rosa sa loob, Sir Charles."

South Boys #2: HeartbreakerWhere stories live. Discover now