Chapter 5

158K 9.3K 6.5K
                                    

ANG INIT NG PALAD NIYA.


Ang haba rin ng mga daliri na nakakapit sa aking pulso. Malakandila, natalo pa mga daliri ko. Kung magiging boyfriend ko talaga siya, hindi ako papayag na hindi ko siya malalagyan ng nail polish kahit one time lang.



Habang naglalakad kami while HHWW ay pinagtitinginan kami ng lahat. Pati mga teachers na nadaanan namin ay humahabol sa amin ng tingin.


Sinubukan ko namang hilahin iyong kamay ko mula sa pagkakahawak niya, kaso sa isip nga lang.


Saka niya lang binitiwan ang kamay ko nang nasa mismong second floor na kami ng building, kung saan naroon ang aking room. Mabuti na lang at walang tao rito malapit sa hagdan, walang kaklase ko ang nakakita sa amin ni Jordan Moises Herrera. Sayang.


Pagkabitiw niya sa kamay ko ay para siyang natigilan. Parang biglang napaisip kung bakit nga ba niya hinawakan ang kamay ko. Nagmuni-muni siya ng ilang segundo.


Tumikhim ako upang pawiin ang awkwardness sa hangin. Napatingin siya sa akin.


"Iyong sinabi ko kanina kay Wayne..." nahihiyang simula ko.


"Wag mo na ulit siyang kakausapin."


"Ha?"


Napahagod ang mahahaba niyang daliri sa kanyang buhok, saka siya nagpakawala ng iritadong paghinga. Napatulala tuloy ako habang nakatingala sa kanya.


Tiningnan niya ako. Ang malinaw at magandang uri ng kulay tanso niyang mga mata ay nanunuot sa akin. "Naiintindihan mo ba ako?"


Sunod-sunod akong tumango. "Oo astig ka pag nagta-Tagalog."


Kumunot ang noo niya.


Napakamot ako ng pisngi. "Oo na, hindi ko na siya kakausapin. Siya naman ang nauna e. Saka akala ko talaga, hindi niya ako gaganunin doon sa canteen kasi maraming tao roon. Tangina, kahit saan pala demonyo iyon."


Lalong nangunot ang noo niya.


Napahawak ako sa aking bibig. "Sorry sa bad word. Gigil lang talaga ako e."


"Pumasok ka na." Tumalikod na siya at humakbang paalis nang bigla ko siyang pigilan sa laylayan ng suot niyang white polo.


"Sandali..."


Nakataas ang isa niyang kilay nang lingunin ako.


"Salamat sa pagsagip mo sa akin kanina." Totoo na nahihiya ako sa kanya at totoo rin na sobrang naa-appreciate ko ang ginawa niya.


Kahit kaya ko naman ang aking sarili, kahit matigas naman ang mukha ko, at matibay ang sikmura ko, lumalambot ang puso ko kapag may nagpapakita ng concern sa akin. Marupok ako sa ganoon palibhasa kasi bihira ko lang iyong maranasan.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon