Chapter 11

137K 9.6K 4.3K
                                    

HALA, BAKIT MAY PAG-ADD?!

Jordan Moises Herrera reacted to your photo.


Napanganga ako nang biglang mag-notif ulit. Ni-like niya iyong selfie ko kagabi?!


"Okay ka lang, Carlyn?" kalabit ni Nelly sa akin.


Inis na tinabig ko ang kamay niya na nasa aking balikat. Sa gulat ko kasi sa kalabit niya ay naclick ko tuloy ang accept sa friend request ni Jordan sa akin. Hayan, friends na tuloy kami.


Since friends na kami ni Jordan, nagbrowse na rin ako sa timeline niya habang wala pa ang teacher namin. Wala siyang post ni isa. Halos tagged photos lang ang meron sa Facebook niya. Iyong profile photo niya naman, last year pa niya pinalitan.


May tagged photo siya rito na mula kay Jillian Mae Herrera na kapatid niya. Stolen shot ito na kuha sa tapat ng bahay nila. Nagka-car wash siya ng kotse nila at may hawak siyang hose na bumubuga ng tubig. T-shirt na blue at jersey short ang suot niya. Walang caption kundi laughing emoticon lang.

Napatitig ako sa photo ni Jordan. Basang-basa siya rito na ewan ko kung pawis ba o mula sa hose na hawak niya. Nakataas ng bahagya ang kanyang shirt kaya litaw ang garter ng brief niya na kulay grey. Hehe ang cute.

Marami itong comments na mula sa kung sino-sinong babae. Hindi ko na pinagka abalahang basahin, sayang oras.

Sa pangalawang photo na naka-tag ay nabura ang ngiti ko. Nakita ko kasi kung sino ang may ari ng account na nag-tag, a certain Marilou Dela Cruz. 


Isang stolen photo rin ito kung saan nakaupo si Jordan sa loob ng isang bakanteng classroom at ang kumuha ng photo ay nasa labas. Stalker lang ang peg? Kairita!

Umalis na ako sa timeline ni Jordan dahil wala naman na akong ibang makita roon. Hindi naman siya nagpopost ng sariling post. Pinatay ko na ang data ko at kailangan kong magtipid, wala na kasi akong pangload ngayong linggo.

Sa last subject, nagki-kilay ako nang mapatingin sa labas ng room namin. Muntik ko nang maguhitan ng eyebrow ang aking noo nang makitang nasa labas na naman si Jordan. May bitbit siyang mga manila paper.

Ano? Wala na naman ba kaming teacher kaya siya na naman ang bantay?

Ilang sandali ay pumasok na ang teacher namin para sa subject na ito, hindi naman pala absent si Ma'am, pinakaba lang ako. Siguro sinamahan lang ni Jordan dahil maraming dalang libro at visuals.

Pero wala bang ibang pwedeng sumama maliban sa kanya? 

Nang pumasok si Jordan sa room ay pasimple akong tumungo.

Nagkunwari akong busy sa pagkalkal ng bag ko, kahit wala naman talagang laman ang bag ko maliban sa isang notebook, isang ballpen, suklay, compact powder, lip tint, eyebrow pencil, eyeliner at wipes ng PH Care.

Matapos kong magkalkal ng bag ay kunwari naman na dinaldal ko ang nagbabalik kong katabi na si Nelly. "Huy, Nelly, anong ulam mo kanina?"

"Car, di ka na galit?" Maluha-luha si Nelly habang nakatingin sa akin.

"Di na. So ano? Sumisipa na ba baby mo?"

Napangiwi si Nelly. "Car, mag-two months pa lang."

"Ay, ganon. Wala pa sigurong paa."

Kwinento-kwento ko pa si Nelly para lang makaiwas ako sa mga tingin ni Jordan.

Ang dami na naming napagusapan at nauumay na ako, pero hindi pa rin umaalis si Jordan sa room namin.

Nang sa wakas ay umalis na siya ay saka lang ako tumigil sa pagkausap kay Nelly. Dinedma ko na ulit ang nagtatakang babae.

South Boys #2: HeartbreakerWhere stories live. Discover now