Chapter 32

135K 8.4K 5.1K
                                    

Dear Jordan,

Sorry ulit sa ginawang pagsuntok sa 'yo ni Daddy. Wag kang mag-alala, naiganti na kita. Noong pinagtimpla niya ako ng kape, dinamihan ko iyong asukal.







Nangalumbaba ako sa armchair. Itinigil ko saglit ang pagsusulat. Ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Jordan. Abala siya sa mga projects at ilang school activities. Graduating na kasi.

Sa uwian na lang sana kami magkakaroon ng time na magkasama, ang kaso naman ay consistent na si Daddy na ihatid-sundo ako. Hindi kasi busy kaya ako ang pinag-iinitan lagi.

Gustuhin ko mang maging mabuting anak ay hindi ko mapigilan na hindi mag-rebelde. Araw-araw at gabi-gabi kasing ang ingay ng bahay namin. Wala yatang oras na hindi sila nag-aaway ni Mommy.

Madalas akong hindi kumakain ng dinner at pumapasok sa school na hindi nagb-breakfast. Hindi na rin ako nakakapagbaon dahil hindi na nagluluto si Mommy sa umaga.

Palagi lang nagkukulong si Mommy sa kwarto, si Daddy naman ay nasa kusina at madalas na nag-iinom.

Ipinilig ko ang aking ulo. Ayaw ko munang maalala ang issue sa bahay. Nagpatuloy ko ang pagsusulat kay Jordan.







Malapit na ang Pasko, saan kayo magpa-Pasko? Ako baka sa bahay lang. Parang wala namang plano ang parents ko. Tsaka nga pala itatanong ko lang kung reregaluhan mo ba ako?



Idinugtong ko sa sulat na sana wag na siyang magregalo. Ang dami niya na kasing gastos sa akin. Kahit may kaya ang parents niya ay malamang na sakto lang ang ibinibigay na allowance sa kanya.

Nang matapos ko ang sulat ay itiniklop ko na. Pa-puso na pagtiklop. Nagpaturo ako kay Hugo kung paano. Suki kasi ng love letters ang itlog na iyon, at sa dami ng narereceive niyang sulat, alam niya na paano ang iba't ibang tupi sa papel.

Pagsapit ng recess sa umaga ay  pinuntahan ko si Lai sa room ng Grade 12 Science Class. Speaking of Lai, nag-manifest ang sinabi ko noong una kaming magkita. Beshy ko na siya.

As usual, wala sa room nila si Jordan. Abala nga kasi masyado. Gayunpaman ay hindi siya nakakalimot na mag-iwan ng sulat kay Lai.

Nang lumapit sa akin si Lai ay parang hindi masaya ang babae. "Bakit ka andito? Sabi ko ako na ang pupunta sa 'yo." Nakalabi siya at kababakasan ng panghihinayang.

"Nakakahiya kasi ang gulo ng mga estudyante sa building namin."

Umiwas siya ng mga mata sa akin. "Okay lang naman..."

Sa akin hindi okay. Masyadong mahinhin si Lai. Hindi siya bagay sa building namin. Ang aasim kaya ng mga nakakasalubong niya sa daan bago siya makarating sa room namin. Ang liligalig pa.

Nang matanggap ko na ang letter ni Jordan ay umalis na ako bago pa dumating si Lou. Masyado na akong depressed sa buhay kaya hindi ko na keri na makarinig na naman ng kung anu-anong salita mula sa kanya. Kota na ako this year. Next year naman ulit.

Sa daan pabalik sa room ay napahawak ako sa aking bulsa kung saan naroroon ang aking coin purse. Gusto ko sana na dumaan sa canteen kaya lang naalala ko na wala na pala akong pera.

Ubos na ang forty pesos ko mula pa kahapon. Kung hindi lang ako hatid-sundo ni Daddy ay baka noong nakaraan pa ako naubusan. Lulugo-lugo akong bumalik na sa room.

Pagpasok ko sa room namin ay napakunot noo ako nang makitang may nakapatong na isang daan sa ibabaw ng armchair ko.

Napalingap agad ako sa paligid. "Kaninong pera ito?!" sigaw ko.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon