Chapter 13

143K 9.2K 4.6K
                                    

ANG INIT.

Ang init ng mga labi niya at ang mabango ng kanyang hininga. Gulat na gulat ako habang tulala.

Bakit niya ako hinahalikan?!

Nakapikit ang mga mata niya habang ang paghalik niya sa akin ay unti-unting lumalalim. Ang palad niyang magaang nakahawak sa batok ko ay pariin nang pariin. Nalalasahan ko na siya.

Itinukod ko ang mga palad sa dibdib niya at dama ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Nang maramdaman ko ang pagtatangkang pagpasok ng mainit niyang dila sa aking bibig ay doon ako napaso at napaatras.

Dumilat siya at tumigil.

Kapwa kami humihingal na dalawa.

Nagtatanong ang mga tingin ko sa kanya. "Jordan..."

Namilog ang magandang uri ng kanyang kulay tansong mga mata. Parang kahit siya ay hindi rin makapaniwala sa kanyang nagawa.

Bigla siyang napatayo. "Sorry," mahina at maaligasgas ang boses na sabi niya.

Napayuko siya at hindi makatingin nang tuwid sa akin. Kumuyom ang mga palad niya at nagtagis ang kanyang mga ngipin. Namumula ang buong mukha niya hanggang sa kanyang leeg.

Nakatingala lang ako sa kanya at pinapanood ang mga kilos niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito na hindi sigurado kung ano ang susunod na gagawin.

Sinapo niya ang kanyang noo gamit ang isang kamay, pagkatapos ay hinagod ng kanyang mahahabang daliri ang bahagya niyang nagulong buhok.

Dinampot niya ang kanyang bag sa sofa. "I... I must go now."

Napatayo na rin ako. "Jordan—"

"Ako nang magla-lock sa gate, ilock mo iyong pinto rito." Bahagya siyang huminto. "Wag ka nang lalabas at wag kang magbubukas ng pinto maliban na lang kung dumating na ang mommy mo."

Marahan akong tumango dahil hindi ko alam ang dapat sabihin. Ang totoo ay wala akong naiisip na sabihin na kahit ano. Nalilito ang isip ko. Hanggang ngayon, windang pa rin ang sistema ko.

Lumabas na si Jordan ng pinto at siya na rin ang nagsara nito.

Nang wala na siya ay napahawak ako sa aking mga labi. Doon lang totally nag sink in sa akin ang nangyari. First kiss. That was my first kiss...

Napakurap ako. Hindi ako makapaniwala na si Jordan Moises Herrera ang aking unang halik.

Paano nangyari iyon? Napatingin ako sa sahig at doon ko natagpuan ang ballpen na kanina'y inaabot ko sa kanya. Wala sa sarili na dinampot ko iyon at pinakatitigan.

"Jordan..." mahinang sambit ko sa pangalan niya habang titig na titig ako sa ballpen.

Hindi ko na nagawang kumain pa ng hapunan pagkatapos. Tumuloy na ako sa aking kwarto. Sa kama ay hanggang sa makatulog, hindi ko binitiwan ang ballpen na iniwan ni Jordan.





AWKWARD BA?

Habang papasok ako sa gate ng school kinaumagahan ay kabado ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nakasalubong ko si Jordan sa daan.

Binibiro ko lang siya kagabi pero kiniss niya ako. Ang tanong ko mula pa kagabi ay kung bakit nga niya ako hinalikan?

Hindi naman niya siguro naisip na easy girl ako kaya pwede niya akong halikan kung kailan niya gusto. Ewan ko lang rin, pwede rin kasing ganoon talaga ang dahilan.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon