Chapter 6

6 0 0
                                    

July 2011




I wonder how Lord Voldemort gets enough air through his nose, or lack of one, when he's tired. Buti na lang matangos ang ilong ko, hindi tulad ng sa kanya. Kung hindi, malamang ay kanina pa ako hinimatay sa pagod at pagkukulang sa Oxygen sa sobrang bilis maglakad ni Kylie. "Grabe, Kyle." Hinihingal akong pilit na sumasabay sa tulin ng lakad niya. "Slow down. Malapit na 'kong humiga sa floor."


"Ew, Liv." Binagalan niya ang kanyang lakad at hinintay akong makarating sa kanyang tabi. "'Pag ginawa mo 'yon, I don't know you." Dalawang oras na kaming labas-pasok sa mga tindahan dito sa mall pero walang bahid ng kapaguran sa mukha ni Kylie. I, on the other hand...


"Hindi mo naman kasi sinabing mag-shashopping ka pala. Ang sabi mo lang sa'kin manonood tayo ng Harry Potter."


"Oo nga. We did. Inantok ako at wala akong naintindihan, so kailangan kong sulitin ang pag-mall ko."


"What?! You didn't like that?! Feeling ko nga natanggal yung puso ko dahil sa ending, e! What's wrong with you?"


"Ayaw ko, e. What's wrong with you," tugon niya sa mataray na pamamaraan niyang nakasanayan ko na. Umusli ang dila ko nang pabiro at napabuntong-hininga siya. "Arte mo talaga. Sige na nga. Break time muna."

Pumasok kami sa paborito naming coffee shop at nag-order. Hindi tulad ng karaniwan, nagsalukbaba lamang siya at naghintay ng inumin namin. Ang kinaugalian kasi niya ay nag-tetext siya lagi ng kung sinuman sa kanyang cell phone kahit magkausap kaming harap-harapan. "Wala ka atang boylet ngayon?" usisa ko sa kanya.


Ngumuso ang kanyang mga pink na labi. "I got bored of the last one."


"'Di ba wala pang one month 'yon? Si James?"


"Jake," iniwasto niya. "He's boring and he's ugly. At saka super clingy niya. I totally broke his heart."


"Poor guy. Sobrang heartbreaker ka talaga. I'd bet you're the record-holder for 'Most Hearts Broken'."


"You're probably right," sang-ayon niya, sabay paltik sa kanyang buhok. "Ikaw ba? NBSB ka pa rin?"


Tumango ako. Maliban sa mga lalaki (at iilang babae) sa North Summit, mayroong mga galing sa ibang eskwelahan, lalo na sa St. Thomas na all-boys school, na gustong manligaw sa akin. Hindi naman sa mapili ako, pero sa haba ng pila ng mga nakakagusto sa akin, wala naman talagang nagpapatibok sa puso ko.


Nakita kong umiikot ang mga gulong sa utak ni Kylie, mad scientist mode. Uh-oh. "Anong pinaplano mo?" I'm almost afraid to know what she's thinking.

May palihis na ngiting umanyo sa mga labi niya. "What if I dare you?"


"What kind of dare?" Aaminin ko, gusto kong malaman kung anong iniisip niya kahit alam kong hindi maganda ang kalalabasan nito.


"Make someone fall in love with you. Hindi yung crush lang. Entertain somebody and then make him fall harder. Alam naman nating maraming nagkakagusto sa'yo. Pero let's see kung gaano ka-hard siya pwedeng mahulog para sa'yo."

BorderlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon