Chapter 1

15 1 0
                                    

Chapter 1


 

Summer 2011



            This is the worst summer ever. Akala ko ba bakasyon na? Bakit kailangan pa ring gumising ng maaga? This is so cruel. Hindi na nga ako pinayagang mag acting workshop ngayong taon, kailangan pang madumihan ang kamay ko ng tatlong beses sa isang linggo para lang gumawa ng tinapay. Ano ba? Pwede namang bumili. And we have a chef at home for that, so I don't get it.


            Hay, kaya ko ito. Four weeks left.


       Binuksan ko ang pinto at dirediretsong pumunta sa work station ko. Hindi ko ginustong pumasok sa summer baking class ngunit, aaminin kong maayos ang lugar. May kumpletong stock ng ingredients sa pantry sa likod ng kitchen lab. Moderno ang pagkadisenyo ng kusina; high-end ang mga equipment at gawa sa stainless steel hindi lang ang mga kagamitan, pati na rin ang mga mesa. Labing-anim kami sa klase at may tig-iisang mesang may kumpletong kagamitan—mula sa stove, mixers at oven—ang bawat estudyante. Naka-ayos sa apat na haligi at apat na hilera ang klase habang nasa pinakaharap ang demo station ni Chef Pauline, na kasalukuyang nakasimangot sa akin. Araw-araw naman akong nahuhuli ng pagdating sa klase, hindi pa siya nasanay.


            Kararating ko lang sa work station ko nang biglang may lalaking nagpatong ng isang sakong arina sa ibabaw ng mesa. Kumuha siya ng bowl mula sa isa sa mga shelves ng mesa ko at ibinuhos ang arina roon.


            "Excuse me, nagkamali ka yata ng table." sabi ko sa kanya.


            Napatingin siya sa akin nang nakangiti pero nakataas ang isang kilay at sabing, "Table ko rin 'to."


            "Ano? Nagpalit ba ng lugar?" Tumingin ako sa paligid ko at napansing sa bawat mesa, dalawang estudyante ang gumagamit dito. "Wait lang, naubusan ba sila ng pera dito at nagtitipid ng electricity kaya ba pinares tayo?"


            Natawa siya at doon ko talaga napagmasdan ang kausap ko. Dark brown ang kanyang mga mata na may mahahabang pilik-mata. Matangos ang ilong niya at manipis ang mga labi.  Natural ang pagka-istilo ng makapal niyang buhok, hindi tulad ng ibang mga lalaking ka-edad namin na mukhang naliligo sa gel. Halos magkasing-tangkad kami at mas maputi siya ng kaunti kaysa sa tipikal na moreno.


            "Hindi," tugon niya habang nagsusukat ng cocoa powder. "Mas komplikado daw kasi yung mga gagawin natin this month sabi ni Chef Pauline." Pinunasan niya ang kanyang noo gamit ang likod ng kamay niya at nadampihan ng arina ang kanyang mukha nang hindi niya namalayan.


            I guess this is my lucky day! Heto na ang hinihiling ko na may mautusan akong mag-bake para sa akin. Umupo na lamang ako at pinanood siya pero bigla akong tinawag ni Chef Pauline. Kunot-noo siyang nakatitig sa akin at mas malala pa ito kaysa sa pagpasok ko kanina sa kusina. Mukha na siyang may unibrow. Ginantihan ko na lang siya ng mala-anghel kong ngiti; alam kong hindi ko pwedeng tulugan ang klaseng ito ngayong binabantayan niya ako. So much for luck.


            "So, what are we making today?" tanong ko sa aking kapares na hindi ko alam ang pangalan.

BorderlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon