Chapter 4

8 0 0
                                    

            “Alam mo namang may sariling library ako ng classic books sa bahay ‘di ba?” sabi ni Ares habang naglalakad kami papunta sa library. “I’d gladly lend them to you and save you from the pressure of having to return those books on time.”

            “Yes, pero that means kailangan kong mag-search sa dictionary and interpret the classic literature myself. Which would take a lot more time than actually borrowing a translated version from the library. So thanks, but I’d rather hunt for these than to read Ye Olde literatura,” mapang-asar kong sinabi kay Ares.

            “You do know that Ye Olde and literatura are in two different languages, right?” nakangisi niyang ganti sa akin.

            “Whatever, Nerd.”

            Matagal na kaming magkaibigan ni Ares at ibig sabihin nito ay ako lang ang may karapatang mang-asar sa kanya. Dalawa ang dahilan kung bakit Nerd ang tawagan namin. Nagsimula ito noong una ko siyang nakilala bago ako pumasok ng Grade 1. Dinala ako ni Mommy sa candy store isang araw bago nagsimula ang pasukan at hinalungkat ko ang tindahan hanggang mapuno ang basket ko. Natanaw ko sa isang sulok ang kaisa-isang kahon Nerds, ang paborito kong candy. Kukunin ko na sana ito nang biglang inunahan ako ng isang matabang batang lalaki sa pagdampot nito. Inaway ko siya at pilit na inaagaw ito ngunit, ayaw niyang bitawan hanggang sa mayupi namin ang kahon. Isinumbong ko siya kay Mommy pero sabi niya sa akin ay ibigay ko na lang iyon sa bata dahil marami na raw akong nabili. Umalis ako sa tindahan ng luhaan at galit.

Gulat na gulat ako nang makita ko ang lalaking iyon sa klase ko kinabukasan. Mas malala pa roon, seatmate ko siya kaya buong araw ko siyang hindi pinansin sa inis. Pagkauwi ko noong araw na iyon, tuwang-tuwa ako nang nakita ko sa loob ng backpack ko ang nayuping kahon ng Nerds na bawas pero may kaunti pang laman. Dinala ko ito muli sa susunod na araw at hinati ito sa aming dalawa ng bago kong best friend.

            Pinanindigan din niya ang tawag ko sakanyang Nerd. Akalain mong matalino rin pala ang chubbychub na kaagaw ko sa candy.

             “Do what you must. Thy lowly peasant shalt wait in this wretched heat whilst m’ lady searches for her treasure.” Mateatriko siyang yumuko sa hallway at napaikot na lamang ang aking mga mata.

Sinalubong ako ng lamig nang pumasok ako sa library. Dala pa rin ng hangin sa labas ang init ng panahon kaya laki ng pasasalamat ko sa ginhawa rito sa loob.

            Hindi ko akalain na sa pangalawang linggo ng pasok namin ay bibigyan na kami agad ng assignment. Wala pa ngang itinuturo, may homework na agad sa English Lit. Paano ko malalaman kung tama ang hinahanap ko?

            Napabuntong-hininga na lang ako at nagtanong sa matandang librarian na nagbabalot ng mga libro--si Mrs. Dimabasa (funny how her name contradicts with her work). “Excuse me, Ma’am. Meron po ba kayong translated versions ng mga ito?”

           

English lit. books

1.     Little Women

2.     Pride and Prejudice

3.     Midsummer Night’s Dream

4.     Jane Eyre

5.     Oliver Twist

            Humarap siya sa akin ng may masungit na ekspresyon sa kanyang mukha. Sa tingin ko ay matandang dalaga siya. Hindi ako umimik at hinayaan ko na lang ang ganda ko at maaamo kong mga mata na magtunaw sa kanyang katarayan. Lumapit siya sa akin at unti-unting nawala ang kanyang pagsimangot. Binasa niya ang aking listahan at sinabing, “Masuwerte ka’t nandito ang lahat ng hinahanap mo. Nakalagay lahat ‘yan sa shelves sa loob ng kwartong ‘yan,” mahinhin niyang sinabi sabay turo sa kwartong puno ng nalahilerang book shelves. “Third to the last row on the right side.”

BorderlineWhere stories live. Discover now