Prologue

40 2 4
                                    

BABALA: Kung sino man ang nag-trespass sa kwarto ko at nakakabasa nito, aba'y unang-una masama yang ginagawa mo ha! Pakialaman ba naman ang Scrapbook ko! Huhuhu. Pero dahil andyan ka narin at kahit ano pang bawal ko sayo e mausyoso ka talaga (Oops joke lang! Wag ka sanang ma-offend),



        What you see, what you read, when you leave, leave it here.



PROS OF BEING PRETTY

1.      Everyday is Valentine's Day

2.      They treat you like a queen

3.      Ask for an inch, they give you a mile

4.      Everything you wear looks good on you

5.      No make-up, no filter

6.      A little charm goes a long way

7.      Instant artista

8.      Collect and select 



CONS OF BEING PRETTY

1.      I can't bear to have another pet

2.      All queens have commoners who secretly want to assassinate her

3.      Ask for an inch, they give you a mile

4.      A lot of creepy guys stare at you

5.     Direct association of make-up with vanity and self-centeredness

6.      A little charm goes a long way

7.      Identity theft and lack of privacy

8.      Who really loves me?

9.       Probably should not be classified under this, but it is the con of my life: hindi ko kasi alam kung bakit, pero mukhang inilalayo ako ng tadhana mula kay André Gallardo.




April 2013

        Everything was red. Ang mga kamay ko, damit, at lalo na ang mesa. I was staring at this huge pool of red. Kailangan ko na sigurong linisin bago magkamantsa. O kaya ipalilinis ko na lang kay yaya mamaya. Thinking about it, I might go for the latter.


        Isinuot ko ang aking gloves na may mga puting tuldok bago ilagay ang tray ng red velvet cupcakes sa oven. Alam ko namang hindi pa kailangang gamitin ang mga ito pero baka kasi mapaso ang mga kamay ko sa oven at hindi na ako matanggap sa mga advertisments. Pinagmasdan ko ang kalat at mga talsik ng red velvet batter sa kusina namin pagkatapos kong isara ang oven. Hindi ko alam kung totoo bang gutom ako o sadyang naiinip lang ng husto kay ako napa-bake ng 'di oras. Inabot ko ang clip-on timer, inumpisahan ang thirty minutes at inipit ito sa belt loop ng shorts ko bago ako umakyat sa sariling kwarto.


        Ang unang sumalubong sa aking pagkabukas ko ng pinto ay ang 1,000 megawatt smile ni André. Naramdaman ko ang pagkabog ng puso ko subalit naramdaman ko rin ang biglang pagbigat nito.


        Ilang buwan na akong pabalik-balik na tinitignan ang litratong ito, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko sa pagdampot nito at ang balikan ang alaala ng kaisa-isang gabing hindi ko malilimutan—Prom Night. Tinanggal ko sa pagkadikit sa cork board ang litrato ni André noong gabing iyon at hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa kama.

BorderlineWhere stories live. Discover now