Chapter 3

6 0 0
                                    

June 2011 



            Kung hindi lang nag puppy eyes si Ares kahapon at nagmakaawang maaga kaming pumasok sa unang araw ng Junior year namin sa North Summit International School, siguradong sarap na sarap pa rin akong kumakain ng congratulations, you're a freshman! breakfast feast na inihanda ni Mommy para sa akin. But, nooo. Ipinaliwanag pa niya ang halaga ng pagpasok ng maaga sa klase. Kulang na lang ay magpadala siya ng slideshow presentation. Labinlimang minutong lagpas ng 6 o'clock ay nakasuot na ang aking uniform—navy blue na pencil skirt at gray na knit vest na nakapatong sa puting de-butones na pantaas na may mahabang manggas. Para lang tumigil na siya, pumayag akong sunduin nila ako ng daddy niya at sumabay sa kanyang pumasok nang isang oras bago magsimula ang unang klase. Inuulit ko: isang oras.


            Katabi ko ang halos lumukso sa sayang si Ares habang papasok kami sa bahagyang punong classroom. Hindi na ako nag-abalang hanapin si Kylie dahil alam kong late na naman iyon. Naghahanap ako ng bakanteng mga upuan nang may tumawag sa akin. "Liv? Liv, over here!" Kumakaway-kaway si Jane na nakaupo sa pinakagitna na upuan ng classroom.


            "Sino 'yon?" tanong ni Ares sa akin.


            "Halika." Hinila ko sa kanya papunta kay Jane. "Ipapakilala kita."


            "Ohmygoodness!" Pinisil niya ang mga kamay ko at nanlalaki ang mga matang sabi sa aking,

"I'msogladyou'rehereI'vebeenaloneandstaredatfromthemomentIgothere." Nagkadikit-dikit na ang mga salita niya sa sigla.


            "Jane, this is Ares. Ares, this is Jane," sabi ko sa kanila.


            "It's a pleasure to meet you." Nakipagkamay siya sa kaibigan kong may abot-tengang ngiti. "Jane Bougainvillea O'Neil."            

"Bougainvillea? 'Di ba bulaklak 'yon?" tanong ni Ares.    

     

            "Yes, my pop's a botanist and mum's a florist. Obviously, that's where I got my name. But if you ever call me that I'll make sure to put you on my list of people to ignore for the rest of the school year."


            "Why? It's a nice name."


            "I like you already. Friends na tayo," ngiti ni Jane sa kanya. "Buti na lang dito ako napunta sa klaseng 'to. I was sure I would enter this school without knowing anybody," sabi niya sa aming dalawa.


            "Kaunti lang naman kami sa batch na 'to. Three sections lang, so makikilala mo rin naman halos lahat ng kabatch natin by the end of this month," itiniyak ko sa kanya. "Mukhang ikaw lang naman yung newcomer. We haven't had new students since we were freshmen, but Marga fit right in a week after she came."


            "Oh no, I think there are six of us who are new here," sabi ng umiiling na si Jane. "Sabay-sabay kaming nag-entrance exam. Speaking of, here come two of them. Kaklase pala natin." Itinuro niya ang dalawang babaeng mukhang hindi alam ang gagawin at nakatayo lamang sa may pintuan.


           "And another thing," tuloy ni Jane. "Natatandaan mo pa ba si—"


            Naputol ang kwentuhan naming tatlo nang tumunog ang bell na nagpapahiwatig na magsisimula na ang flag ceremony sa loob ng limang minuto. Nagsitakbuhan papunta sa kanya-kanyang classroom ang mga estudyanteng nasa labas pa nang hindi sila mahuli at mapilitang tumigil sa kinaroroonan sa kabuoan ng ritwal. Nangyari na sa akin iyon ng ilang beses. One thing I'll say is that it's embarrassing to be forced to stop alone in front of a different classroom during the morning ritual. Alam kong madalas akong nahuhuli sa klase pero sinisigurado kong sapat ang pagka-late ko na natapos na ang flag ceremony, para hindi ako naghahabol na makarating sa classroom at nanganganib na matigil ulit sa harap ng ibang klase.


            Ang huling beses kong na-late sa klase ay mahigit isang buwan na sa baking class. Iyon ang araw na nakapares ko ang nakaiintrigang si André. Simula nang makilala ko siya, hindi na ako nahuhuli sa klase dahil umaasa akong matuklasan ko kung bakit hindi siya naaapektuhan ng ganda ko. Ngunit hanggang sa matapos ang bakasyon, hindi ko pa rin alam ang rason.


            Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at nanahimik ang lahat, pero ang hindi matahimik ay ang isip kong lumulutang papunta kay André, at kung nasaan at anong ginagawa niya ngayon. I wonder if I cross his mind too, wherever he is.


"Bow down, commoners. Your queen has arrived!" Mala-runway model na rumampa papasok sa classroom ang babaeng may maiksing buhok at naka-red na lipstick. Alam kong alam niyang bawal ang make-up sa eskwelahan. Kahit kailan talaga, agaw eksena si Kylie. It just makes me love her so much more.

BorderlineWhere stories live. Discover now