Ep. 50: THE DEBUT

Start from the beginning
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



"Goodmorning, my princess!" Pang gigising saakin ni daddy nang halikan nya ko sa noo habang tulog ako.

I woke up and looked at him, "Hi, dad. Goodmorning!"


We went outside my room at nagulat ako nang may sumalubong saakin na isang cute na baby girl. My baby Sandra is back! ♡ She ran towards me as i sit and open my arms wide to her. Mom and dad just watching me being excited to hug my baby girl again.


"Babyyyy!!! Ang laki mo na!!" Wika ko nang tumalon si Sandra papunta saakin.

Sumagot si ate Jere na nasa likod ko pala, "Syempre naman, ang takaw kaya nyang baby mo kumain." Pabiro nyang sagot.

I smiled as i looked to them, "Thank you, mommy at ate, sa pag-aalaga kay Sandra noong busy pa ako."

"No problem, anak. Anything for you." Kalmadong sagot ni mommy habang naka ngiti saakin.

"Oo nga naman, parte na rin ng pamilya natin 'yang si Sandra mula noong binigay sya ni Sandro sayo." Saad naman ni ate na sinabayan ko ng pag irap. Pinaalala nya pa kasi yung lalaki na yon.

"Oh sya, anak. Tara na kayo at kailangan nating maaga pumunta sa venue dahil magkakaroon pa ng same day photoshoot roon si Janna." Dad spoke, breaking the conversations.



-TIME SKIP-



Papunta kami ngayon sa Green Valley Baguio Hotel and Restaurant. Isa syang private resort at events place. It is currently 9AM at mamaya pang 1PM yung start ng debut ko. At kung hindi ako nagkakamli, the debut will end at 7-8PM in the evening. Then pagkatapos noon ay ioopen na ang after party kung saan magkakaroon muna ng 1 hour break para mag dinner ang mga guests at makapag bihis na rin for the swimming party. Later nga pala siguro ay baka mag walwal din ako, hahaha. Pinayagan na rin kasi ako nila dad at mommy finally! Hindi ko na kailangan mag tago sakanila para uminom dahil sabi nila nasa legal age na raw ako para mag inom basta they are always telling me to drink responsibly.

Habang nasa byahe kami ay nag text saakin si Simon. Binati ako ulit nito ng happy birthday kahit na tapos naman na ang birthday ko. Sinundan rin ito ng pagbati ni Vinny. Na sinundan naman ni tito Bong at tita Liza, wow! Anong meron? Hahahaha. Syempre agad naman akong nagpasalamat sakanila kahit through message lang. Magkikita kita rin naman kasi kami mamaya.



***

Maya maya pa ay nakarating na kami sa venue ng debut ko. Naka abang na roon ang hairstylist at makeup artist na mag aayos saakin. Pag dating namin ay nakahanda na rin ang debut gown ko na susuotin ko na maya maya para sa videoshoot. Hindi ko first time makita itong venue dahil bago pa namin ito rentahan ay napunta na kami rito para icheck ang mismong venue. Ang ganda ng ambiance nito. Maximum of 1k capacity pero malaki na ito considering na halos 800 lang naman ang bilang na guests na nakalista. Kakain lang muna ako ng almusal dahil hindi pa ko kumakain at gutom na gutom na rin ako.



I Wish I Never Woke Up (Sandro Marcos FF)Where stories live. Discover now