CHAPTER 41

342 10 0
                                    

Nandito kami ngayon sa may backyard patio dito kami nag memeryenda habang si Vanna at Savvy naman ay nasa may Bermuda grass naglalaro ng mga laroan na dinala ni kael sa kanila hindi kasi sila pweding magtatakbotakbo dahil bawal yun kay Savvy,....Vanna is so understandable when it comes to her twin sister, lahat ng hindi pwedi kay Savvy ay hindi na rin nya ginagawa at sahalip ay nag hahanap na lang ito ng pweding gawin na hindi napapagod ng sobra si Savvy.

Kapag may kaaway o may umaaway kay Savvy sa school ay sya ang humaharap dito at tinatawag pa nya ang mga pinsan nya kaya wala ng nag tatangkang umaway kay Savvy dahil to rescue lahat ng mga pinsan nya at si Vanna na mukang lalaking war freak...wag naman sana...hindi mahaba ang pasensya ni Vanna pagdating sa ibang tao pero kapag si Savvy ay kahit ayaw nya ay nagagawa nya at nakakapag adjust sya.

"Hon samahan ko muna sila" sabi ni kael sakin tukoy ang mga anak nya.

"Yes hon" hinalikan muna ako nito sa noo bago pumunta sa kambal at nakipag laro kahit pambabae yun.

"Ang saya tignan ng mag aama mo iha diba?" Biglang sabi ni manang clarota sakin at umupo sa tabi ko si manang helena naman ay nasa kabila.

"Opo...nakakatuwa silang pagmasdan" nakangiting sabi ko habang nakatingin sa mag aama ko.

"Ang swerte ni Ethan sayo dahil nakikita ko na mabait ka at mapag mahal sa mga anak mo.....masaya ako para sa inyo" nakangiti nitong sabi.

"Salamat po .....maswerte din po ako sa kanya.....bihira na po kasi ang lalaking katulad nya eh" i said at tumawa ng bahagya....natawa na rin ang mga ito.

"Alam namin na malambing talaga yang si sir Ethan pero sa nakikita ko ay mas lalo syang naging malambing,...nakakatuwang isipin na ang binatang inaalagaan pa namin non ay may sariling pamilya na ngayon" sabi naman ni manang helena habang nakangiting nakatingin kila kael.

"Ganon talaga ang buhay....tumatanda na rin naman tayo kaya dapat lang na magkapamilya na sya" manang clarota said inismiran naman ito ni manang helena.

"Ikaw lang naman ang mukang matanda satin" natawa na lang ako sa mga ito magkapatid pala silang dalawa, si manang helena ay asawa ni mang frodo at si manang clarota naman ay patay na daw ang asawa nya at hindi na rin nag asawa pa ulit....ang mga anak naman nila ay parehon nasa ibang bansa don daw nag tatrabaho.

"Ikaw talaga helena...kahit kailan ka " naiiling na sabi ni manang clarota dito.

"Maiba tayo iha...sabi niyo kanina ay may sakit yang si Savvy?" Buglang tanong ni manang helena.

"Ah opo ...mahina po kasi ang puso nya...kaya po todo ingat po kami dahil hindi pa po sya pweding operahan" everytime na maalala ko ang sakit ni Savvy ay nalulungkot at nasasaktan ako ang hirap isipin na yung pinaka iingatan mo sa loob ng 9 months ay paglabas malalaman mong mahina ang puso nya.

"Wag kayong mag alala malalagpasan nyo rin manalangin lang kayo lagi.....lahat ng yan ay pagsubok lang maging matatag lang kayo" napangiti na lang ako sa sinabi ni manang clarota...yeah this is just a trials in our lives...and we will never stop praying for Savvy's healthnes.

Tatlong araw na kaming nandito sa isla ni kael at mukang gustong gusto dito ng kambal kahit walang mga bata na nakikita, masaya na sila sa pag kuha ng mga shell sa tabing dagat at pag swimming kahit na walang nakikita si Vanna na mga abs daw hayy,...hindi naman kami nag aalala sa school nila sa absent nila dahil kinausap na ni kael ang may ari ng school na yun so excuse muna ang kambal.

Ako naman ay nag paalam na din naman ako kay William and he agreed with it para daw makapag pahinga naman daw ako and spend more time with my family, kahit na hindi pa naman kami kasal ni kael,....ewan ko ba dito ang bagal masyado tsk.

Captured your heart (Storm siblings #3) Ethan Kael Storm (COMPLETE)Where stories live. Discover now