CHAPTER 17

296 10 0
                                    

Pipikit na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto ko, agad ko naman yun binuksan at nakita ko si nay pasing.

"Oh nay bakit gising pa po kayo?"takang tanong ko dito

"Hayy nako....ikaw nga ay puntahan iyong si Ethan sa may library nya...kanina pa yun umiinom eh baka mapano na yun"sabi ni nay...napakunot noo naman ako..bakit naman mag lalasing si boss ng ganitong oras halos midnight na ah.

"Segi po ako na po ang bahala....magpahinga na po kayo" sabi ko dito...

"O sya nya segi" sabi nya at bumaba na rin...ako naman ay pinuntahan na si boss...ano naman kaya ang nasa utak nito at nag lalasing...hayst mga lalake nga naman.

Pagdating ko sa library nya ay nakita ko itong naupo sa sahig at nakadantay ang likod nito sa sofa, marami ring can in beer sa gilid nito at halos ubos na yun lahat....nako naman!!..

"Boss....ano ba naman yan...akin na nga yan kanina pa ba kayo umiinom?....nako naman boss daig nyo pa yung mga lasinggera sa kanto namin eh" sabi ko dito at inagaw ang beer na hawak nito, lasing itong tumingin sakin.

"Mishh....shino...*hik*...ka?....hehehe....m-may k-kamuka k-ka.." lasing nitong sabi...nako boss mapipektusan talaga kita..

"Boss...halina kayo sa kwarto nyo na po kayo matulog" sabi ko dito at pinilit na itayo pero ang hudas mas nag pabigat lang.....aiisst

"M-mishh...h-hindi k-kita k-kilala....w-wag mo a-akong h-hawakan....*hik*....b-baka m-makita ka ng a-asawa ko" sabi nito...kahit naman bulol itong mag salita ay naintindihan ko pa rin yun huling sinabi nya....at sino namang asawa nito? At kailan pa sya kinasal.....manluluko ka boss....huhuhu.

"Ah ganon ba...segi tawagan mo yung 'asawa' mo at sya ang paasikasuhin mo sa sayo...bahala ka dyan" inis kong sabi dito at binitawan kaya natumba ito buti na lang hindi nabagok.

"Hehehe...*hik*....m-may number s-sya d-dyan mishh...p-pakitawan...n-naman" lasing na sabi nito at binigay sakin ang phone nya...at talagang ako pa ang inutusan ah...hayshhh

"Tsk....anong pangalan nya dito?"inis kong tanong dito...eh kung itapon ko kaya to sa may ilog pasig..tsk.

"H-hon" mahinang sabi nito...hinanap ko naman ang sinasabi nitong 'hon' daw nya...nang makita ko ay agad ko naman itong dinial...nag ring naman ito.

Napatingin ako sa phone ko dahil bigla itong nag vibrate...tinignan ko ang caller ay nakita ko ang number ni boss....kumunot naman ang noo ko

"Iba ba tong phone ni boss na hawak ko at iba rin tong tumatawag sakin?....ang weird tlaga nitong taong to" sabi ko at sinagot iyon...."hello....hello?....anybody there?" Sabi ko sa kabilang linya pero walang sumagot...napatingin naman ako sa phone ni boss ng may sumagot na dito...nag hello na naman ako dito pero wala ding sumagot....pinag dikit ko naman ang dalawang Phone na hawak ko at handa na sanang bigwasak ang mga yun ng...biglang napatigil ako...

Pinatay ko ang tawag sa phone ni boss at namatay din yung tawag sakin...tinawagan ko ito ulit at nag ring ang phone ko...tinignan ko ang number sa phone ni boss at nakita kong number ko nga yun...

Gulat at napanganga ako dahil ngayon lang nag sink in sakin ang kagagahan ko...para akong timang na kinakausap ang sarili ko sa tawag na yun....anak ka ng nanay mo.

So ibig sabihin.....ako yung tinutokoy nyang a-asawa nya?....napailing naman ako agad...hindi....hindi ako pweding mag assume...baka naman nagkataon lang diba?.

Agad kong nilapitan si boss at pinataupo ito bago tinapik tapik ang muka para magising kailangan ko ng kaseguraduhan.

"Boss....hoy boss gumising ka....sabihin mo sakin...anong pangalan ng asawa mo?....boss?" Tanong ko dito habang tinatapik tapik parin ang muka...dumilat naman ito ng kunti...."anong pangalan ng asawa mo?" Tanong ko ulit dito...marahan lang itong nakatingin sakin.

Captured your heart (Storm siblings #3) Ethan Kael Storm (COMPLETE)Where stories live. Discover now