Iniisip ko na kapag ako 'yon ay siguradong mahihiya, and at the same time ay matatakot ako sa mga tinginan sa'kin ng lahat na para bang isa kang virus na hindi dapat lapitan. Gusto ko man siyang tulungan noon ay hindi ko naman magawa dahil sa napanghinaan ako ng loob.




Bali-balita rin kasi ang masama nitong ugali sa mga katulong niya kaya natakot ako na baka sigawan niya na lang ako bigla. Sa tatlong taon na pagsubaybay ko sa mga issue niya sa internet ay isang balita ang nagpagimbal sa buong Atlante.




"Lady Heavenhell Caventry finally signed the annulment contract of their engagement with the Lucretius."




Si Heavenhell na kilala ng lahat sa pagiging obsessed nito sa young master ng Lucretius ay pumirma na ng kontrata para matigil ang kasal? Kung may makakarinig lang non ay mapapasabi na lang sila na isa 'yong malaking kalokohan.




Nasa balita rin kasi na pabalik-balik ang attorney ng mga Lucretius sa Caventry Palace para papirmahin ng kontrata si Heavenhell, pero lagi itong umuuwi ng sawi. Kaya nang malaman ng lahat na talaga ngang pumirma na siya ay halos magulat ang mga young nobles sa nabalitaan.




Ayoko man maging tsismosa pero hindi ko maiwasan na mabigla sa nalaman. Bukod pa rito ay kapansin-pansin din ang mabilis na pagkalat ng mga issue tungkol kay Heavenhell na para bang may taong sinasadyang ipakalat ito.




Hmm... Well, I have an idea who is that person but I have no right to engage myself with their problems.




Naging tahimik ang buong social media nang dahil wala na silang mapag-tsitsismisan kaya nawala na rin sa isip ko ang mangyari. Pero sinong mag-aakala na makikita ko si Heavenhell sa A.I.A at talagang tinulungan niya pa ako sa mga bullies.




Talagang nagulat ako nang makita ko siya mismo sa harap ko at hindi ko maiwasan na mamangha sa kagandahan niya. Sino nga ang baduy? Sino ulit ang masama ang ugali? Dahil sa panahon na 'yon ay wala akong makita na masama sa kaniya.




'She's so perfect and kind!'




Ni minsan din na magkasama kami ay wala akong narinig na binanggit niya ang young master ng Lucretius na para bang hindi niya kilala ang taong hinabol-habol niya ng ilang taon. Kakaiba rin ang awra nito at wala akong nakikitang takot sa mga mata niya.




Noong umpisa ang inaasahan kong makikita ko sa mukha ni Heavenhell ay lungkot at pagod, pero hindi ko 'yon nakita na dumating sa punto na tinanong ko ang sarili ko kung siya ba yung napapanood ko sa mga videos at pictures sa internet.




'That's why I know that she's so strong and I want her to be my friend!'




I'm excited to see her again! Lalo pa't pumayag na si Janice na maging kaibigan namin si Heavenhell, kaya sisiguraduhin ko na makikilala niya na ang totoong Lorraine Maxwell.




"Good evening! I am so grateful to all of you that came here to witness the memorable day of our business journey. Well, I'll better stop saying anything now and just open the store for all of you to enjoy! Welcome our dear customers!" nakangiting sabi ng magandang babae na nakasuot ng corporate attire.




"Kyahh! Finally at mabibili ko na ang dress na nakita ko sa internet!"



"I'm excited! Let's go in!"



"Let's just enjoy shopping, okay?"



"Okay, honey."



"Dear, what do you want to buy?"



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now