Chapter 21 - Favor

Start from the beginning
                                    

Nagkatitigan kami saglit bago siya tumayo ng maayos at hinampas ang kaibigan niya. "Parang mga tanga talaga kayo! Alis nga!"


His friends just laughed and continued to tease him before taking a seat at the back. Akala ko ay susunod na sa kanila si Dash ngunit umupo siya sa tabi ko. Royce joined his friends, smiling at me when he passed through us.

"Dito na lang ako ah. Napakakulit ng mga tropa ko e," he chuckled, looking back at his group before smiling at me again. Mukhang maganda ang gising niya.


"Bakit kayo lumipat ng bus?" I wonder how my classmates would react. I think they'll get shocked but eventually be happy about it. Madami ring gwapo sa kabilang bus at 'yun ang hanap nila lagi. Gwapo.

"May nagsuka kasi sa kabila, napakabaho!" Parehas kaming natawa. I guess my friends would be mad later on. Unless mauna sila bumalik kaysa sa mga nakaupo sa harapan, then they can still stay here. Agawan talaga ng seats ang nangyayari madalas. Kaya nga nagiiwan ako ng gamit para malaman nilang may babalik pa talaga sa upuang iyon.


"Oh burger," pagalok uli niya sa akin.

I shook my head. "Thank you na lang. I don't eat heavy meal in the morning. Okay na sa'kin itong tinapay."

"Talaga ba? Para kasing ang sama ng loob mo habang kinakain 'yan."

I laughed. "Ang panget kasi ng lasa."

"Weh?"

Pinatikim ko sa kanya ang croissant na hawak ko at kita ko sa mukha niyang gusto niya agad iluwa iyon. "Oo nga! Pwe!"


We both cackled and continued talking about food hanggang sa umalis din naman sa tabi ko si Dash dahil maglalaro daw sila ng games sa phone nila. My classmate went back to sit with me again.

"Close pala kayo ni Dashiell?" She whispered. Ngumiti lang ako. "Do you know if he's still single? Dami kasing kung ano-anong rumor na may nililigawan na daw na bago."

I never heard of that rumor before.


"Talaga? Sino daw?" It's been months since Dash and Charmaine broke up. Kahit na nasaktan siya ng sobra ay hindi naman imposibleng magkagusto na siya sa iba. Maybe he likes someone now and he hasn't told me since it's none of my business.


"I'm not sure but someone saw him holding a bouquet of flowers a few months ago inside the campus tapos may nakakita din daw sa kanyang pumasok sa isang Chanel store bago magpasko. Bumili daw ng woman's fashion accessory. Grabe swerte naman ni girl. Captain ng Larkyn Bears may gusto sa kanya hahaha!"


Wait... if I'm not mistaken, those flowers were for me. 'Yung pinabigay ni Royce.

At 'yung Chanel na accessory na iyon ay itong ribbon na suot ko. Niregalo niya sa akin during the Christmas Ball.

I looked outside the bus window and did my best not to laugh. Hay nako talaga, ang bilis mag-assume ng mga tao.


"Must be fun being friends with him."

Tumingin ako sa classmate ko. "You like him?"

"We all do. Duh! Who wouldn't? Kung makapal lang talaga mukha ko, magpapareto ako sa'yo," pabirong sambit niya.


Torn in Two (Elite Girls 2)Where stories live. Discover now