'A--arghh! Nababaliw na yata ako!'




"What are you thinking?"




"I'm thinking about chaining you on the bed, so you better stay away from me!" inis kong sabi. Nang ma-realize ko ang nasigaw ngayon lang ay dahan-dahan akong humarap kay Vile. Nakatingin na siya sa'kin na para bang isa akong unidentified creature na sinusuri niya.




"A--aish! He's going to kill––"




"Okay."




E--ehh?!




"Rest now." maikli niyang sabi atsaka naglakad na papuntang banyo. Naiwan naman akong naguguluhan sa nangyayari. Ano raw? May sayad ba sa ulo ang male lead at hindi ko maintindihan kung anong iniisip?




Well, I don't care! Ang mahalaga ay umalis na siya sa paningin ko dahil gusto ko na talagang magpahinga. Pagod na pagod na ang utak ko sa mga mala-mind games na paghaharap namin ng mga male characters sa nobela.




Isipin niyo kung gaano kahirap harapin ang mga taong may malalaking katayuan sa mundong 'to. Magmula kay Lemuel hanggang kay Vile ay masasabi mo talagang lahat sila ay 'big time'.





Mukha lang walanghiya si Lemuel pero kilala siyang 'Nation's prince' ng mga supporters niya. Si Clive na may sira sa ulo ay 'Popular hearthrob' kuno ng Atlante. Si Alexio na mukhang psycho ay kilala bilang 'The Hottest Doctor' sa ranking at hindi lang sa Atlante kung hindi sa buong mundo. Si Vance na may nakamamatay na bibig sa sobrang talim ng dila ay kilala ng lahat sa tawag na 'The Handsome Prodigy'.




Lastly, si Vile na demonyo ay kilala sa tawag na 'The Supreme King of the Demons'. Oh diba? Demonyo na sa totoong buhay tapos demonyo pa rin ang bansag sa kaniya. Hindi tulad ng ibang male characters na may 'fake titles'.




Mga tao talaga hindi marunong tumingin sa mga katotohanan. Although, mga gwapo talaga ang male characters ay hindi naman tama na sabihan sila ng mga tao na mababait diba. Tulad na lang ni Alexio na minsan na ring matawag ng lahat na 'the kindest doctor'.




'Like duh? Kailan pa naging mabait ang doctor na maraming human subjects sa laboratory niya?!'




Napailing na lang ako sa kabaliwan ng mga babae sa mundong 'to. Well, hindi ko naman sila masisisi dahil wala silang nalalaman sa dark side ng Pangaea. Karamihan kasi sa mga noble ladies ay pinalaki lang bilang mga pan-display ng pamilya nila. Ibig sabihin, sila yung mga tao na dumadalo sa mga socialite events para makuha ng magandang reputasyon.




"Actually, Heavenhell is one of those people!"





Hindi naman kasi magaling makipaglaban si Heavenhell kaya ano ang magiging silbi niya sa Caventry kung wala siyang gagawin diba? Kaya noon ay laging dumadalo ng parties itong bruha kaso ang ending ay hindi naging maganda.





Lahat kasi ng damit na sinusuot ni Heavenhell ay suggestions ni Mitchel kaya lagi itong napapahiya. 'Yan din ang isa sa rason kung bakit napaka-popular ko ngayon sa mga tao. Geez!




"Can't sleep?"




Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may narinig na boses sa likod at sa mismong tainga ko pa talaga nagsalita. Hayys! Napalingon na lang ako sa pinanggalingan ni Vile at doon ay napanganga ako sa nakita.




"T--this is illegal! He's wearing a fucking bathrobe and here, I can see his neck down from his chest."




Napalunok na lang ako atsaka tinignan siya mula ulo hanggang paa. Medyo basa pa ang buhok nito kaya ang ending ay tumutulo 'yon sa leeg niya. Idagdag mo pa na sa nakikita ko ngayon ay nasa maayos na kalagayan ang katawan niya. E--ehem! Stop staring, Carnelia!




Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now