Chapter 28

1.8K 30 1
                                    

                            Trapped

"Tita, alam niyo ho ba kung na saan si Hendrix? I called his line but out of coverage area, did you know where he is?" tanong niya sa ginang nang makita niya itong nakaupo sa single sofa ng living room habang nagbabasa ng mga magazines.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya pero kaagad din iyong bumalik sa magazine na binabasa. She roamed her eyes around the house, nagbabakasakali na makita ang hinahanap pero wala talaga siyang makita kahit anino pa nito.

"Nasa isang isla ang anak ko gumawa ng operasiyon para sa mga bata at matatanda." ani nito kaya napatingin siya dito. "Hindi niya ba sinabi sayo na wala siya ngayong araw?" tanong ng ginang sa kanya.

Lumapit siya dito at umupo sa mahabang sofa. Hindi niya na lamang sinagot ang ginang dahil alam naman nito kapag walang sinabi sa kanya si Hendrix hindi siya magsasalita patunay na hindi talaga siya sinabihan. Kakauwi niya lang galing sa barcelona, Spain kung nasaan ang nakakatandang kapatid ni Hendrix. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa mga alala na bumalik sa kanyang ulo. Dalawang beses na siyang nagtagumpay sa plano siguro naman hindi siya papalpak sa pangatlo. Ang pawalain si Xylona sa landas at buhay ni Cyd Haydyn Luna!

"Tita, may I know kung kailan sila uuwi?" tanong niya dito sa nag-alalang tono.

"Ngayong hapon ay baka dadating na sila, hindi kasi sila pwedeng magtagal doon lalo na at may mga trabaho pang naiwan si Hendrix." ani ng ginang sa kanya.

Tinanguan na lamang niya ang ginang saka nagpaalam na dito. She don't want to stay any longer in the huge mansion if the two people that she want ay wala. Paglabas niya ng mansion nakasalubong niya pa ang Tito Alexander niya. Nginitian niya lamang ang Tito Alexander niya saka kaagad siyang pumasok sa kotse na nakaparada sa garage nito.

Kailangan niya munang pag-aralan sa ngayon kung paano niya maipaalis ang asawa ni Haydyn sa buhay nito. Ang gusto niya na sa kanya lamang magka interes si Haydyn at wala ng iba. Agad niyang pinaharurot ang kotse nang makalabas siya sa garahe ng mansion.

"MAY mga tanong paba kayo?" ani ni Hendrix sa mga tao na kanyang tinutulungan.

"Ako po may tanong sa inyo, doc," taas-kamay na wika ng isang dalagang babae.

"Ano po iyon, iha?"

"Girlfriend niyo po ba yang magandang babae na nasa inyong likuran?" nabigla si Hendrix sa tanong ng dalaga.

Tiningnan niya ang nasa kanyang likod at doon niya nakita si Xylona na tumutulong sa pagliligpit ng mga kagamitan. Mukhang hindi nito narinig ang sinabi ng dalaga dahil may kausap din itong isang doktor. Humarap siya sa dalaga na nagtatanong sa kanya kanina at nginitian ito.

"No. She is my twin brother wife." ani ni Hendrix sa babae. Tumango lang ito saka umupo na sa upuan nito.

Kaagad niyang tinapos ang programa at pinauwi na ang mga tao. Magdidilim na kasi at baka mapano pa ang mga ito sa daan lalo na't walang mga kuryente ang kanilang mga kabahayan. Ibinalik niya ang kanyang tingin sa dalaga na matagal na niyang gusto. Nagsisisi tuloy siya kung bakit hindi niya ito niligawan nung una palang nilang kita.

Naglalakad si Hendrix patungo sa silid kung nasaan ang kanyang nakakatandang kapatid na roon. Kaagad niyang kinuha ang cellphone na nasa kanyang bulsa ng nag text ang kanyang nobya na si Patricia.

"Aray!"

Napatingin si Hendrix sa babaeng nakabangaan niya na ngayon ay naka upo na sa sahig. Pinapantayan niya itong umupo sa sahig at doon nakita ni Hendrix ang taglay ng kagandahan nito. Kahit sa tingin niya ay simpleng babae ito pero lumulutaw talaga ang kagandahan ng dalaga. Ang buhok nitong mahaba na mabango, at kulay puti nitong mga balat, ang taglay nitong kagandahan sa mukha, ang malambot nitong mga labi na mapupula pa. Hindi nag-angat ng tingin sa kanya ang dalaga kaya hindi nito nakita kung sino ang tumulong nito. Nakita niya na may butil na luha na dumadaloy sa pisngi nito kaya kinuha niya ang kanyang panyo na nasa bulsa ng pantalon.

Pupunasan niya sana ito ng luha ng mag ring ang kanyang cellphone kaya kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa at tiningnan niya kung sino ang tumatawag. His twin brother called. Ibinigay niya na lamang ang panyo sa dalaga at pinagtitigan muna niya ang mukha sa dalaga bago nagpaalam dito at umalis.

"Doc, naging tubig na ang kaibigan ko dahil sa titig mo," napalingon si Hendrix sa kaibigan ni Xylona na ngayon ay nakabungisngis.

Hindi niya rin maiwasang mapangiti dahil sa pagbungisngis ni Zoee. Aaminin niya na maganda rin ang kaibigan ni Xylona, pareho silang may taglay na kagandahan. May parte nga sa kanyang puso na nagustuhan niya ito pero nangibabaw ang pagmamahal niya sa dalaga na kahit kailan ay hindi magiging sila. Hiling niya sa itaas na sana ibaling na lang ang kanyang naramdaman sa kaibigan nito.

"ALAM mo bang kanina kapa tiningnan ni doc pogi, kung hindi ako dumating baka hindi na yun kumurap dahil sa pagtitig niya sayo," pagsasalysay ni Zoee sa kanya na ikinailing niya lamang. Kunot-noo niya naman tiningnan ito dahil sa nakasimangot na labi.

"Hoy! Okay ka lang."

"Wala, okay lang ako. Ang swerte mo no, dalawang lalaki ang nagkakagusto sayo tapos sa akin ni isa wala. Kahit elien nga lang nahihiya pa sa kagandahan ko." ani nito sabay ngiti ng mapait.

Umusog siya ng kaunti upang yakapin ang kaibigan na nakasimangot.

"Anong dalawang pinagsasabi mo? Bakit nababasa mo ba sa isip ni Haydyn na may gusto din siya akin? At saka huwag ka nang sisimangot diyan, sige ka baka matuluyan yang nguso mo, hahaba talaga iyan"

"Ang sama mo namang kaibigan. Alis na nga diyan."

Tumatawa lang siya saka agad niyang hinalikan ang pisngi ng kaibigan bago tumakbo. She opened her phone and it's already quarter six na. Tiningnan niya ang panahon at hindi pa rin tumitigil ang ulan sa kabilang syudad. Natatakot siya na baka may mangyaring masama sa kanila habang nasa laod sila.

Kinuha na niya ang kanyang back pack at ikinawit na niya ito sa likod. Tatlong mga malalaking bangka ang sumundo sa kanila kaya nakahinga siya ng maluwag dahil safe naman ang mga ito dumuyo.

"Dito na lang ako sa isa, at doon ka nalang kina Zoee may isang bakante pa naman doon." ani ni Hendrix sa kanyang tabi.

"Hindi sasama ako sayo baka hindi na maka usog ang bangka na iyan dahil sa bigat medyo madami-dami na ata sila."

"Xylona, diyan ako sasama sa inyo!"

"Huwag na Z, diyan ka nalang magkita nalang tayo doon sa syudad. Ingat kayo okay!"

Nakita ni Xylona ang pagpadyak ni Zoee hanggang sa pag-upo nito. Napailing nalang siya saka sumukay na sa kanilang bangka. Ang isang bangka na sinasakyan ng mga nurse at doktor ay umu una na, kasunod nun ang bangka na sinasakyan ni Zoee. Medyo madalim na ang paligid at ang tanging ilaw lamang nila sa bangka ay ang lamparilya.

Huminga muna siya ng malalim bago nagdasal na sana walang masamang mangyari sa kanila. Tinanaw niya ang dalawang bangka na nauna pero ang layo na nila parang mga ilang oras lang ay dadating na sila sa syudad. Napakabilis naman.

Muling lumukob ang kaba ni Xylona ng maramdaman niya na ang bangka ay sumasabay na sa alon. Hinawakan ni Hendrix ang kanyang kamay na ngayon ay nanlalamig na sa nangyari. Napasigaw si Xylona ng malakas na humampas ang alon sa kanilang bangka.

Chapter 29 will be waiving!!

________________________________________________________

A/N: Bitin ba kayo!!! Okay lang yun unahin niyo muna ang mga ginawa niyo.

_ampeachy 🍑🌻

HEARTLESS HUSBAND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon