Chapter 19

2.1K 49 4
                                    

Sweet

NAGISING ang diwa ni Xylona ng may humalik sa kanyang labi. Ininat niya ang kanyang mga kamay at yumakap sa batok ng binata.

"Good Morning, baby." a husky voice greeted her. Hindi mapigilan ni Xylona na singhutin ang leeg ng binata. Sumilay ang kanyang ngiti ng maramdaman niya ang mabigat nitong hininga.

"Baby, I warned you, if you don't stop sniffing my neck, you will scream here again and again until you can't walk anymore. Do you like that?" bahagyang lumayo si Xylona sa leeg ng binata habang ang mga labi nito ay nakasimangot.

Gusto niyang amuy-amuyin ang leeg ng binata. Para kasing hinihila siya nito sa amoy. At saka ayaw niya naman na hindi siya makalakad, no. Narinig niya ang munting halakhak ni Haydyn kaya lalo siyang napasimangot.

Ilang araw nalang at ikakasal na siya sa lalaking nasa harapan niya. Habang nalalapit ang araw ng kanilang kasal mas lalo ding kinakabahan si Xylona. Ano kaya ang magiging buhay niya sa piling ni Haydyn? Masaya kaya? Malungkot? O magiging empyerno? Marami ang kanyang katanungan na siya lamang ang makakasagot.

Hindi niya pa lubos nakilala ang binata, kaya marami siyang kinatakutan sa hinaharap. Dumagdag pa sa kanyang isipan si Patricia, para kasing may gusto ito kay Haydyn. Kung makatingin naman sa kanya para na siyang pinapatay sa isipan nito.

Isa pa na ginugulo sa kanyang isipan si Hendrix. Hanggang ngayon hindi pa rin sila nag-uusap simula nung umamin nito. Hindi na niya rin nakikita ang binata sa mansion. Parang iniiwasan siya nito. Mahal na mahal niya si Hendrix pero bilang kapatid lamang. Hindi niya kayang mahalin ito tulad ng pagmamahal niya kay Haydyn. Hendrix deserve someone better and not her.

Gusto niya sanang itong kausapin para hindi ito umaasa sa wala.

"Anong iniisip ng baby ko?" umiling si Xylona at hinalikan ito sa labi. Pero parang hindi kumbinsido si Haydyn sa sagot kaya ninaan na lamang niya sa kibit-balikat.

"Come on, it's already nine in the morning we need to eat breakfast." inabot niya ang nakalahad nitong mga kamay at sabay-sabay silang lumabas habang magkahawak ang kanilang kamay.

Iniwas niya ang kanyang tingin sa mga kasambahay na dinianan nila. Para kasi na tinutukso siya sa pamamagitan ng kanilang mga tingin.

"Good Morning Sir, Xylona. Ang ganda naman ng mga araw niyo ngayon." ani ni Aldie na may nakakalokang ngiti. Nginitian lang ito ni Haydyn bago sila dumeretso sa kusina. Nagulat si Xylona sa nakita niyang reaksiyon sa mukha ni Haydyn. Ngumiti, ngumiti si Haydyn sa mga kasambahay!

Nang maka-upo na sila sa silya kinurot ni Xylona ang mukha ng binata. Kunot-noong bumaling si Haydyn sa kanya. Umiling ang dalaga na may kunting halakhak sa labi. Napailing nalang ang binata sa inaasta ng dalaga saka nilagyan niya ng pagkain ang pinggan nito.

"Your cute" Xylona giggle like a child.

"Tsk. I'm handsome baby not cute." angal na sabi ni Haydyn kay Xylona. Tumawa lang ang dalaga dahil sa sinabi nito.

"Anong meron sa araw na ito at tumawa na ang Haydyn ko?" tanong ng kanyang Tita Margarith nang maka pasok ito sa kusina, kasabay nito ang asawa na si Alexander.

"Nothing mom." saad ng binata sabay lagay ng fried chicken sa plato ni Xylona.

Nakita ni Xylona kung paano nagulat ang mga magulang ni Haydyn sa ginawa nito. Para bang ito ang kauna-unang kita nila sa ginawa ng anak.

"Next week will be your wedding day. Are you both ready for that day or you will move the date? ani ng Tito Alexander niya.

Napatingin si Xylona sa binata na ngayon ay tuloy lang sa pagkain na para bang wala itong narinig sa sinabi ng ama. Muling tumingin si Xylona sa kanyang Tito at nginitian niya ito ng matamis saka umiling tanda na hindi e move ang date ng kanilang kasal.

HEARTLESS HUSBAND (COMPLETED)Where stories live. Discover now