Chapter 16

2.5K 75 2
                                    

                        Visit Mother

Tiningnan ni Xylona ang kanyang sarili sa salamin. She's wearing a black sleeve less and fit high waist jeans. Today she was visiting her mother on the cemetery. Mahigit tatlong buwan nang hindi naka bisita si Xylona sa kanyang ina. Lalo na't nitong mga nakaraang araw ay may gumambala sa kanyang isipan. Idagdag pa ang kasal nila ni Haydyn.

Bumontong-hininga si Xylona habang nakatitig sa salamin. Nagdadasal siya na sana biro lang yung sinabi sa ama ni Haydyn na kasalan. Hindi pa siya handang magpakasal sa taong hindi niya pa labis makilala. Pero hindi din maitatanggi sa kanyang sarili na may kagustuhan na din siya sa binata. Lalo na't ito ang naka una sa kanya.

Nabaling ang kanyang atensiyon ng bumukas ang pinto sa kanyang silid.

"Can, I come?" silip ni Hendrix sa kanyang silid. Tumango siya tanda sa kanyang sagot. Tumabi sa kanya ang binata habang tinitigan siya sa salamin.

"May lakad ka ngayon?" tanong ni Hendrix sa dalaga. Napinsin kasi nito ang suot niya kaya ito nagtanong.

"Bibisitahin ko lang ang puntod ni nanay sa cementeryo. Mahigit tatlong buwan na kasing hindi ako nakapunta doon." sagot ni Xylona sa tanong ni Hendrix.

"Sino naman ang kasama mo? Hindi pwedeng pupunta ka ng cementeryo na ikaw lang mag-isa, lalo at babae ka pa naman. Ayaw kong mapahamak ka baka mag-alala ang mommy sa iyo." ani ni Hendrix sa kanya.

Napangiti si Xylona sa inaasta ng binata. Para talaga itong nakakatandang kapatid na pinagbawalan siyang lumabas mag-isa. Noon, hinihiling niya na sana may kuya o ate siya. Pero, naiisip din niya na kung mabuntis man ang kanyang ina ay siya pa rin ang magiging Magandang kapatid. May mga nakakatandang kapatid naman siya pero iba nga lang ang mga ina. Hindi niya alam kung ilan ang babae ng kanyang ama basta ang natandaan niya na marami siyang kapatid... sa labas.

"Can you share, what's on your mind?" bahagyang nabalik ang kanyang realidad ng magsalita si Hendrix sa kanyang tabi.

Umiling siya sa binata saka nginitian niya ito. Tinapunan niya ng tingin ang sarili sa salamin saka nauna nang lumabas sa silid. Kaagad gumuhit ang kanyang ngiti sa labi ng makita ang kanyang kaibigan na nakaupo sa mahabang sofa ng living room.

Inaya din niya kasi ang kaibigan na sumama sa kanya para kung sakaling mag drama na naman siya may mayayakap siya. At alam din naman ni Xylona na gustong-gusto ni Zoee na makabisita sa puntod ng kanyang nanay.

"Hi, doc sasama kaba sa amin?" pinandilatan ni Xylona ang kanyang kaibigan dahil sa pinagsasabi nito.

"No, maybe next time. May mga pasyente pa kasi akong aasikasuhin," natawa si Xylona sa reaksiyon ni Zoee. Nagpapadyak pa itong tumayo saka na unang lumabas. Binalingan niya ng tingin si Hendrix saka nagpaalam na dito.

Lalabas na sana siya sa mansion ng tawagin siya sa kanyang Tita Margarith.

"Bakit po?"

"Saan ka pupunta? May kasama kaba? Kung wala palitan mo yang suot mo masyadong makita ang hubog ng iyong katawan at baka kung mapaano ka pa sa labas. " natatawang nilapitan niya ang ginang saka hinalikan ito sa pisngi at yinakap patagilid.

"Tita, don't worry po kasama ko ang aking kaibigan. Bibisita lang kami kay nanay saka kakain kami sa paborito naming kainan at pagkatapos nun ay uuwi na kami."

Para namang nakahinga ng maluwag ang kanyang Tita dahil sa kanyang sinabi. Nagpapasalamat talaga siya at napunta siya sa pamilyang maalagain, mapagmahal at higit sa lahat protektado. Dahil nga nag-iisa lang siya na babae sa bahay ay halos ituring siya nitong prinsesa. Itong Tita Margarith niya naman halos lahat ng oras ay kokontact sa kanya kapag nasa trabaho ang kanyang Tita.

"Zabie, bakit ba ang —" tumigil pa ito sa pagsasalita saka parang bata na tumakbo at yumakap kay Tita Margarith, " Tita, I miss you po parang mas lalo lalo kayong gumanda."

"Wala pa akong pera, Zoee kaya huwag mo muna akong bulahin."pabiro na ani ng kanyang Tita Margarith.

"Okay lang kung ang pangalawang niyong anak ang ibigay sa akin," bulong ni Zoee na sakto namang narinig ni Xylona.

"Oh, edi kunin mo na, hayan lang siya umuupo."

INILAPAG ni Xylona ang kanyang dalang bulaklak sa gilid ng lapida na kanyang ina. Umupo silang dalawa ni Zoee sa damuhan saka sinindihan niya ang kandila. Kinuha pa ni Zoee ang mga dahon na nakapatong sa lapida ng kanyang Tita-Nanay.

"Hi nanay, kamusta na ho kayo diyan. Alam kong masaya na kayo diyan, nanay. Hindi muna maramdaman ang mga sakit na pinagdaanan mo dito habang ika'y nabubuhay pa," tumingala si Xylona sa langit animo'y pinipigilang umiiyak. "Nanay, alam mo bang maraming nangyari dito na nakapagpagulat. Una, ang pag trato nila sa akin na mala prinsesa. Binabantayan nila ako twenty-four hours. Mabait ho ang kanilang pamilya, nanay. Pangalawa, yung pagpapakasal ko daw kay Haydyn." Napabuntong-hininga si Xylona habang iniisip pa ang ibang nangyari sa mansion simula ng dumating siya. Kunot-noo namang tumingin si Zoee sa kaibigan. Hindi alam ni Zoee na ipinagkasundo ang kanyang kaibigan kay Haydyn.

Marami pang sinabi si Xylona sa ina bago silang umalis sa cementeryo.

INIS na kinuha ni Haydyn ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Kakatapos niya lang makipagtalik sa isang babae. Bumangon siya at sinagot ang tawag ng kanyang kaibigan.

"Importante ba yang sasabihin mo at tuma—" his friend cut his words. Bahagya pa siyang nainis sa pagputol ng kanyang sasabihin dito.

"Yung babaeng naikama mo seven months ago nakita ko siya, mukhang galing pa sila sa cementeryo with her friend. Inaya ko silang makipag lunch and damn dude... she's hot." wika ng kanyang kaibigan. Naikuyom niya ang kanyang kamao saka dali-dali siyang nagbihis ng damit.

"Nasaan kayo, Mark?" tanong niya sa kaibigan.

"Where at the Sunset Res—" agad niyang pinatay ang tawag saka dali-daling lumabas ng condominium.

Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang pasadahan ng tingin si Xylona sa mga lalaki, kahit kaibigan niya pa ito. He don't like that other men freely sight to his girl.

Girl? My Girl?

Napailing nalang siya sa kanyang iniisip. Mabilis pa sa kidlat na dumating ang sasakyan ni Haydyn sa Sunset Restaurant kung saan naroon ang kanyang babaeng mah— maging asawa niya daw. Pagkalabas niya sa kanyang kotse nakita niya si Xylona sa pinakadulo ng restaurant. Kumakain mas lalong kumulo ang kanyang dugo nang makita niya ang dalaga na nagsusuot ng black sleeve less.

"Kanina pa tumatawag si mommy, hinahanap ka na Niya." aniya sa dalaga nang marating niya ito at nilagyan niya ng jacket ang likod nito.

"Pero kumakain pa ak—,"

"Mom, bake you a cake." putol niya sa ibang sasabihin ng dalaga. Bumaling ang kanyang tingin sa kaibigan niya na may pagdududa tingin. "Iuwi mo ang kanyang kaibigan na walang gasgas sa katawan. Walang labis at walang kulang. Bye." tinapik niya ang balikat ng kaibigan saka lumabas na sila sa restaurant na iyon.

PAGKABABA ni Haydyn sa kanyang sasakyan lumiko siya para pagbuksan ang dalaga. Agad niyang hinila ang dalaga papasok sa mansion at dumeretso siya sa kanyang silid. Kunot-noon namang tumingin sa kanya si Xylona. Bumaba ang kanyang tingin sa mga mapupulang labi nito saka agad niyang sinungguban ng halik ang mga labi nito.



Chapter 17 are now updated!!!

A/N: Kamusta kayo mga pinalangga kong mambabasa. Sana okay lang ang inyong mga araw. Stay safe!

HEARTLESS HUSBAND (COMPLETED)Where stories live. Discover now