Chapter 22

1.2K 33 9
                                    

Next morning i woke up early 'cause meron pa akong duty sa hospital, miss ko narin si Phoebe.

She text me last night sabi nya sila na raw ni Phoenix, oh diba haha.. Happy ako para sa kanila lalo na sa Best friend ko. Hindi na sya magiging bitter.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas, nakita ko si Kyo na nag hihintay sa labas naka sandal sa Mercedes Benz nyang sasakyan.

Sabi ko kahapon sa kanya mag ttaxi nalang ako kasi sa pag kakaalam ko may meeting pa ito, pero dahil sya ang masusunod at mapilit sya ngayun ang mag hahatid sakin.

"Good Morning, My Love." Bati nya agad at hinalikan ako sa pisnge.

"Good Morning, Love."

Ang sweet naman ng lalaking to, nakakagigil.

Pinagbuksan nya muna ako ng pinto bago pumasok sa driver sit.

"Love, nga pala I'm going abroad para sa business. Maybe about 2 weeks there. But baka ma extend, lalo na nag patawag ng meeting si Empe." Sabi nya. Nakaramdam naman ako ng lungkot.

So, yung meeting nya sa abroad? grabe naman yun, pag mayaman talaga walang pinipiling lugar kapag mag meeting, tsk! nahiya pa sana sa Antarctica nalang sila mag meeting!

Charot, ma mimiss ko lang talaga ang Lalove ko!

"Don't worry babalik agad ako ah, may importante lang talaga akong dapat e asikaso, okay?" Tumango ako.

Tama sya babalik naman sya at saka baka importante talaga yun.
Tsk, ba't pa ako nag oover think?

I smiled.

"Its okay, na intindihan ko naman."

"Love, i know you're sad but don't worry i call you every minute, and especially wag lang lalapit sa mga lalaki, Okay?" Naka taas ang kilay nito, bago tinuon uli ang paningin sa daan.

Mahina akong natawa sa inasta nito.

"Yes po, pero dapat ikaw rin kasi pag may na laman akong lumalapit sa sa mga babae, ganito ka!"

I act na parang puputolin ko ang leeg ko, pansin ko ring na mutla sya.

Huh! malaman ko lang talaga putol yang ano mo!

'Yung ano?' - sabat naman ni Utak

'basta yung a-ano!'

" O-okay! Chill."

Pftt takot ka rin pala.

"Huh! Chill ka dyan, Ayusin mo."
Tinaasan ako nito ng kilay bago tumawa.

"Why I let my self na maging under sayo?" Napa taas rin ang kilay ko.
"Ginayuma mo ako?"

"Luh? Baka ikaw nga yung gumayuma sakin e!" Sabi ko kay Kyo at mahina ko syang pinalo sa braso.

"haha, just kidding! Okay haha; stop that love!"

Kaya tumigil na ako, na pansin ko rin na nandito na pala kami.

"Oh, andito na pala ako." I look at him.

I kiss him, syempre pang good luck sa mahal ko ehehe.

"Bye, loved text me nalang kung aalis kana, okay para naman hindi ako mag alala sayo." Bilin ko sa kanya na parang Nanay.

He smiled then he nodded.

Bumaba na ako at kinawayan sya bago pumasok sa loob ng Hospital.

Pag pasok ko bumungad sakin ang maraming pasyenteng inaasikaso ng mga nurse.

Balak kong tulongan sila at hinahanap ko rin si Phoebe eh, pero bago yun pupunta muna ako sa Office ko dahil sa mga dala ko. Hindi maman marami yung bag ko lang at dalawang portfolio.

Habang nag lalakad ako na papatingin ako sa mga pasyente na nakaratay. Nakakalungkot lang talaga.

Dahil sa lakas ng impak ng pag ka banggaan namin natapon ang dalawang portfolio ko at ako naman natapunan ng mainit na kape.

Shit! talaga.

"A-aray!" Daing ko ng masagi nya ang braso ko.

"Omygad! My expensive clothes!" She screaming, kaya maraming napatingin sa amin.

"A-ah I'm sorry!" Ako na ang nang hinge ng tawad sa kanya.

Kasalan ko naman.

"What!? Sorry! Ayaw ko ng sorry ang gusto ko ay bayaran mo ang damit ko! Mygash!" Pag iinarte pa nito, hindi sa nanlalait ako pero hindi naman ka mahalan ang damit nya actually nga nakita ko nayan sa shoppe.

'la sya, ako na nga nag sorry e, ako naman may kasalanan talaga. Hindi naman sadya at kung alam nyang mabubunggo ko sya ba't di sya umilag? 'no, simpling ilag lang hindi nya pa kagawa? o talagang hindi rin sya tumitingin sa kanyang dinadaanan. Parehas lang pala kaming may kasalanan.

"Anong kaganapan ang nang yayare dito?" Napatingin ako kay Phoebe na parang reyna pa kung rumampa.

Hanep talagang babae to, palaging may eksena haha.

"W-wal-" Ako sana ang mag salita pero naunahan ako ng babae.

"At sino ka naman!" She cut me off.

"Ako? Hindi mo kilala? sa ganda kong to? Baka ako lang naman ang nag iisang Phoebe Garcia sa Mundo! At kala mo di kita kilala ha! Ikaw kaya si Katina Welson!"

K-Katina?

Coincidence ba ito? or.. nevermind.

Napa tingin ako sa kanilang dalawa, mukhang nag kaharap naman silang dalawa.

Taas baba ang kilay ni Katina na para bang nang huhusga ng pagkatao

"Oh so, ikaw pala yung Girlfriend ni Phoenix? Eh nong una nga habol ng habol pa yun sakin na parang ulol na aso!" Asar nya bago tumingin sakin at inirapan ako." Lalo na si Kyo!"

W-wait! Did she mention kyo name?
Kilala nya si Kyo? Sya ba yung sinasabi ni Cholo na ex ni Kyo?

Kaya naman pala sya iniwan dahil sa sobrang sama ng ugali nito, kulang nalang lagyan ng kaunti pang foundation sa mukha nya para maging make up ng patay e.

Ngumisi si Phoebe.
"Ang sabihin mo Hinuhut-hutan mo lang talaga ang mag kaibigan noon!"

Gulat akong napatingin kay Phoebe ng sabihin nya yun. Tinignan ko si Katina at bakas naman sa muka nito ang lag bura ng ngiti at napalitan ng pangamba na parang hindi gusto marinig ng iba.

Hinuhut-hutan nya yung nag kaibigan? grabe hanep ah!

"What d-did you say!?" Galit nyang asik kay Phoebe na tinawanan lang naman sya.

"Huh! bakit? ayaw mo bang malaman ng mga tao na nandito kong gaano ka kasakim sa pera?"

Grabe diko kinaya, charot.

"Oh, come on Katina Welson. Ikaw naman talaga ang nag lalabas ng kung anong baho mo!"

Oww! burnn! go Phoebe!

Gusto kong e cheer si Phoebe, angas e.

Napatingin ako sa kamao ni Katina at pansin kong naka-kuyom na ito. Sign ito na inis na sya kay Phoebe.

"Reminder ko sayo at sa bwisit mong kaibigan! Hindi pa'ko tapos na inyong dalawa!" Panakot nya samin.

Yuck grabe sya ang creepy nya mag salita. Parang nakakita ako ng aswang o baka sya naman talaga yung aswang?

Palabas na sya ng sumigaw uli ito. "BWISIT!!!!"

Hala sya.



A/N: Omy!! mahaba-haba ngayun update natin ah HAHAHA nakaabot ng 1000+ dahil narin nag enjoy ako sa away nila Katina at Phoebe HAHAHA nakakatuwa.
Na enjoy nyo ba? kung ganon wag kalimutang mag comment at mag vote para sa susunod na Chapter.

p/s comment your thought about this story.

And please help me to promote my story by recommending in FB, tiktok, any social media. I highly Appreciate it! Thank you.

++Don't forget to vote, comment, and share (●♡∀♡)++

#pinkiyvery_stories

TELL ME NO LIES ✓Where stories live. Discover now