chapter 2

3.5K 151 27
                                    

Pupunta ako ngayon sa Room ng pasyente ko na si Mr. Truaxwell.
Nang naka pasok na ako bumungad sakin ang tulog nyang mukha, naka salubong ko naman ang kasama nya lumabas saglit.

Pinuntahan ko ito at isa isang chineck yung vitals nya. Parang naramdaman nya naman ito dahil napa mulat sya, nginitian ko naman ito.

"Good morning Sir, e check ko yung vitals nyo." Sabi ko sa kanya, tipid lang itong ngumiti at tinanguan Ako.

Iwan ko nga, dapat yung mga Nurse nalang yung gumagawa nito e pero ako yung nag insist na ako yung gagawa. Bago to saakin.

Tinitignan nya lang ako habang kumikilos ako. Hindi nag tagal ay bumukas Ang pinto pumasok Ang mga kaibigan nito.

"Boss kailangan napo natin umalis dito." Dinig kong bulong sakanya ng kasama nyang Hindi katangkaran na lalaki. Na gulat naman ako ng nilingon ako nito, kaya parang nag abala ako sa pag tingin ng vitals ng pasyente.

"Doc. pwede naman kami makalabas ngayon Diba?" Tanong sakin ng naka upo sa sofa. Nginitian ko sya at tumango.

"Yes, pwede na kayo makalabas dahil medyo magaling naman ang sugat ng kasama nyo. Now i have to go, marami pa akong pasyente na asikasuhin." Nag bow muna ako at lumabas na.

Hindi ko ma wari bakit nalulungkot ako dahil aalis na sila?

Gaga! Meron bang pasyente na gustong manatili sa Hospital? Baliw nalang ang gustong manatili sa Hospital!

Sigunda naman ng Utak ko.

Nag lalakad ako ngayon patungo sa office, nang mahagip ng mata ko si Phoebe na parang kiti kiti.

Anong ginagawa nya? para syang uod na binudburan ng asin! kinikilig bato? Muka syang timang!

"Psst, bhe anong ginagawa mo? para kanang mamatay dyan sa kakatalon mo at kaka tili mo." Sabi ko sa kanya, tumili naman ulit ito kaya napa takip Ako ng Tenga.

"Hoy, tigilan mo ngayan merong pasyente sa kabila, ano ba ang nang yayare sayo ba't ka nag kakaganyan?"

"Alam mo bhe, nakita ko ulit si Mr.Gwapo hihi! yung naka salubong ko kahapon, dibaa kwenento ko yin Sayo kahapon? So, ayon na nga nung nginitian nya ko parang napuno ng paro paro yung tyan ko! i think crush ko na sya!" Parang wala nang bukas ang pag titili nya dahil lang sa lalaki. Kaibigan ko ba 'to? parang hindi! kailan lang broke hearted ito!

"Alam mo, yung sinasabi mong paro paro sa tyan mo bulate na pala o kaya gutom lang yan. Tara sa canteen at kumain" Aya ko sa kanya, hindi naman ito nag reklamo at sumunod nalang.

Habang kumakain kami panay ang kwento nya tungkol sa crush nya, wala talaga akong alam dyan sa crush crush nayan!

Weee! talaga lang Miles Ah!

Pag katapos naming kumain nag paalam na sya, dahil may pupuntahan pa raw sya. Ako naman pupunta sa pasyente ko dahil aalis na sila.

Pumasok ako sa loob nakita kong nag hahanda na sila para umuwi.

"I..Ahm.. doc. Thank you for healing my boss." Sabi ng blonde Ang buhok, nginitian ko naman ito at tumango.

"Your welcome, its my duty na pagalingin kayo sa lahat ng sakit na dinadanas nyo, pero except siguro kong iniwan ka ng mahal mo?" Napa tawa naman sila, Tumango na lamang ito at lumabas sumunod naman sa kanya ang dalawa pero nag pasalamat muna ito sakin. Naiwan kami ng pasyente ko sa room na ito.

"Thank you." Simpleng salita pero parang may butterfly na kumi-kiliti sa loob ng tiyan ko at para akong nasa langit non. Umalis na ito naiwan naman akong nakatulala.

Iti ba yung naramdaman ni Phoebe? Yung paro paro? bat ako nakaranas nito? kinikilig ako?!

Mygad! namula agad ang muka ko sa isipin na kinikilig ako.

"Hoy!" Nabalik ako sa ulirat ng may sumigaw sa gilid ko.

"Ay jusko! ano ba!" Saway ko rito pero tumawa Lang sya, parang baliw talaga tong kaibigan ko.

"Ba't ka nakatulala?" Tanong nya sakin habang dinidilaan ang icepop, binigyan nya ako ng icepop at kinain ko naman ito bago nilingon sya.

"Wala, chismosa mo." Sabi ko rito at tinalikoran ko na sya.

"Psh! nag tatanong lang, at namumula pa yung pisnge ah!" Dinig ko pang bulong nito, napa tawa nalang ako.

Hindi parin mawala sa'king isip kong pano sya ngumiti sakin, iniling ko nalamang Ang ulo ko at nag focus sa trabaho ko.

To be continue...

Don't forget to vote and comment.

TELL ME NO LIES ✓Where stories live. Discover now